Sana(One Shot)

28 6 0
                                    

Umuwi lang tila bang lahat nagbago na

"Hon, dito!" nilakasan ko pa ang boses ko para marinig niya ako.

"Honnn!" ngunit hindi pa ako nakuntento kaya't sinamahan ko na rin ito nang pag-kaway.

"Grabe, ingay mo." natatawang sabi niya.

"Kainis ka! Namiss kita." agad ko naman siyang sinunggaban ng isang mahigpit na yakap pagkalapit niya.

Isang buwan kaming hindi nag kita dahil nagbakasyon siya sa kanilang probinsya. Isang buwan lang kaming puro text at tawag, minsan ay out of reach pa siya.

"Hmm, miss din kita." at niyakap niya rin ako.

Ewan ko pero pakiramdam ko kakaibang yakap ang naramdaman ko. Parang may nag-iba, parang hindi na katulad no'ng umpisa.

Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata

"Hon, sabay tayo umuwi mamaya, ha." pag aaya ko sa kanya.

Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkikita. Marami na siyang ginagawa masyado sa school kaya medyo wala na kaming oras para sa isa't isa.

"Mauna ka na may practice pa ako." pagod na saad niya.

"Ha? Hihintayin na lang kita." pangungulit ko pa sa kanya.

"Mauna ka na nga!" bahagya akong napalundag dahil sa gulat no'ng sumigaw siya.

Bakit? Sumobra na ba ako? Gusto ko lang naman siya makasabay dahil namimiss ko na siya. Namimiss ko na 'yong dati kami kasi pakiramdam ko may nag iba.

Pero baka kasi sobrang kulit ko lang these past few days? O baka kasi sobrang pagod lang talaga siya at kinukulit ko pa ulit ngayon.

"S-sige." parang naiiyak na ako.

Pakiramdam ko may mali pero hindi ko matukoy kung ano ba 'yon o masyado lang yata akong nagiisip? Hays.

"I'm sorry, pagod lang ako mauna ka na tatawagan na lang kita kapag nakauwi na rin ako." sabi niya at sabay halik sa'kin sa noo.

Nag umpisa na rin siyang humakbang papasok sa gym pero may nakalimutan pala akong sabihin sa kanya.

"Hon!" kunot noong lumingon siya.

Agad naman akong napangiti dahil sa naging reaksyon niya.

"I love you." ngiting sabi ko.

"Mag iingat ka." tanging sagot niya at tuluyan ng pumasok sa loob.

Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi kahit na magdamag na tayong magkatabi

Ala una na ng madaling araw pero hindi parin ako nakakatanggap ng tawag mula sa kanya.

Nag aalala na ako ang sabi niya tatawag siya pagkauwi niya pero bakit hanggang ngayon wala pa? Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone number niya pero nakapatay naman.

Dahil sa pag aalala ay hindi na ako nag isip pa at nagdesisyon na tawagan ang isang kaibigan niya.

"Ala-sais pa lang umalis na siya nagpaalam kay captain may lakad daw hindi mo ba kasama?"

Ala-sais? Nakausap ko pa sya ng ala-singko akala ko ba pagod siya? Bakit may lakad siya? Saan? Bakit hindi ko alam?

"Ganon ba? Kasama ko siya kanina hmm akala ko lang kasi dumiretso saiyo sorry sa abala sige ibababa ko na."

Kasabay ng pagkaputol ng linya ang siyang pag agos ng aking mga luha.

Bakit ka nag iba, meron na bang iba

One Shot Stories CompilationOù les histoires vivent. Découvrez maintenant