"Walang pwedeng umangkin sayo, kundi ako lang! Ako lang ang pwedeng humalik sayo, Mark! Papatayin ko kung sinumang lalaki ang may lakas ng loob na agawin ka sa akin! Akin ka lang! You're only mine... only mine. Nagkakaintindihan ba tayo?!" literal na tumigil ako sa paghinga sa pigil niyang pagsigaw sa mukha ko. Idagdag pa ang mahigpit na hawak niya sa panga ko. Kusang kumawala ang sariwang luha sa aking mata pababa sa aking pisngi. Parang may tinarak na kutsilyo sa aking dibdib dahil sa mga sinabi niya.

Ang kaninang galit niyang ekspresyon ay unti-unting umamo. Nakita ko ang konsensya sa kanyang mukha dahil sa nagawa. Agad niyang binitawan ang aking panga dahilan para nanghihina akong napaupo sa bowl nitong cubicle. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang buhok at humakbang palabas sa cubicle. Napaigtad ako nang walang sabi niyang sinuntok ng malakas ang salamin nitong cr para mabasag ito. May iilan pang natanggal na parte ng salaman at bumagsak sa sink. Kitang-kita ko ang pagkagulat ng aking mukha mula sa basag-basag nang salamin.

Mabilis kong pinahid ang luha sa aking pisngi at nagdesisyong pigilan sa kanyang pagwawala. Kahit labag sa aking loob ay mahigpit ko siyang niyakap mula sa kanyang likod. Nanigas ang kanyang katawan nang maramdaman ang pagyakap kong yun. Mariin kong pinikit ang aking mata at panibagong luha muli ang kumawala dito.

"Tama na Tale. Tama na, please..." nanginginig ang boses kong pakiusap sa kanya. Nadinig ko ang mahihina niyang mura pero nanatili lang akong nakayakap sa kanya at umaasang kumalma na siya. Ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong nakikita siyang sinasaktan ang sarili niya.

"I'm sorry. I'm sorry, Mark. Please... Huwag kang magalit sa akin. I'm so sorry... Hindi ko sinasadya..." pumaharap siya sa akin at kinulong ng kanyang palad ang pareho kong pisngi. Nagsusumamong tumitig siya sa aking mata.

'Hindi ko magagawang magalit sayo, Tale.' sagot ko sa aking isip.

Kalaunan ay mahigpit niya akong kinulong sa kanyang bisig. Dama ko dito ang proteksyon at pag-iingat. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig na yun. Saglit kami sa ganung posisyon bago napadesisyunang lisanin ang lugar na yun. Hindi ko na nagawang magpaalam sa mga kasama ko maging kay Jherome. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan ni Tale at kasalukuyang tinatahak ang daan pauwi. Tahimik lamang kaming pareho. Diretso lang siyang nakatingin sa kalsada. Paminsan-minsan akong napapatigin sa kanya at sa muli kong pagtingin sa kanya ay doon ko lang napansin ang sugat sa kanyang kamao. Nagdudugo ito. Bigla kong naalala ang pagsuntok niya kanina sa salamin para mabasag ito.

Nakakainis naman siya. Bakit kailangang pagalalahin niya ako ng ganito palagi? Bakit palagi na lang na hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya isipin? Ano bang meron sa lalaking 'to?

"May sugat ka." tanging nasabi ko sa nakita.

Nanatili lang siyang tahimik hanggang sa makapasok kami pareho sa unit ko. Pumunta ako sa cr at kinuha ang first aid kit sa cabinet. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakayuko. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kinuha ang kanang kamay niya. Napatingin siya sa gawi ko sa ginawa ko.

"Kailangan magamot yang sugat mo." hinayaan niya lang akong gamutin ang kanyang sugat. Sinusubukan kong huwag diinan ang ginagawa kong pagdampi ng bulak sa kanyang sugat-sugat na kamao. Paminsan-minsan akong napapatigin sa kanya sa tuwing naririnig ko siyang napapahigop ng hangin sa hapdi na nararamdaman. Napapailing na lang ako sa tuwa na makita ang hitsura niya.

"Why are you smiling?" tanong niya sa akin. Saglit akong tumigil sa ginagawa para tingnan siya.

"Wala. Bakit? Masama na bang ngumiti ngayon?" nagpatuloy ako sa ginagawa at hindi na lang siya pinansin.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now