I was

27 6 4
                                        

“ I was...”

📌

Kararating ko lang ng bahay galing sa trabaho. Sumalubong agad sa akin ang kapatid ko na nag-aaral sa may sala ng bahay. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa sofa para makita kung anong ginagawa niya.

"May test kayo?" tanong ko rito.

"Wala po, ate. Nag tatry lang po ako mag sagot ng mga random equation para hindi ako mahuli kung sakaling magkaroon kami ng random equations sa school."

"Ganoon ba? Patingin nga ako. Nakakailan ka na?"

"Pang 25 na itong sinasagutan ko ate. Iba't ibang method ang ginamit."

"Wow. Patingin nga ako." Inabot niya naman sa akin ang work book niya at pinakita. Hindi ako makapaniwala sa mga nasagutan na niya.

Alam kong matalino ang kapatid ko pero hindi ko akalain na aabot siya sa mga pang professional questions na maski ako ay hindi ganoon ka-open sa mga question na tulad ng mga sinagutan niya. I'm a mathematics teacher kaya alam kong hindi tugma ang mga tanong at sagot sa edad ng kapatid ko. 11 years old pa lang siya, ang layo na ng abot ng kaalaman niya.

"Ang galing naman talaga ng kapatid ko. Dinaig pa si ate."

"Hindi naman, ate. Nahihirapan nga po ako dito sa isa eh. Hindi ko alam kung anong klaseng method ang gagamitin ko para sa problem nito. Sunod-sunod nga po ang nag cocomment na tulad ng question dito. Iba lang ginamit nilang numbers."

Inabot niya rin sa akin ang gamit niyang tablet at pinakita sa akin ang isang post na may nakalagay na mga numero.

— I was 10, I was 13, I was 15 and I was 18.

Biglang kumabog ang dibdib ko matapos mabasa ang unang nagpost nito. Tiningnan ko na rin ang comment section kung saan halos manlamig ang mga kamay ko dahil sa dami ng mga nagkumenta sa post na iyon.

"Wala akong binabasa na clues para sagutan yan, ate. Kasi gusto ko, ako mismo makaka diskubre ng sagot. I tried 6 methods para masagutan, pero wala pa rin." Pag-kukwento ng kapatid ko.

"It's been 10 years since pinost yan ng account na yan. Hanggang ngayon, trending pa sa generation ko. Kaya na curious po ako sagutan. Sa tingin mo ate, anong pwede kong gamitin para masagutan iyan."

Lumingon ako sa kanya at tinitigang maigi ang determimadong mukha ng kapatid ko na sagutan ang katanungan na ito. Napabuntong hininga naman ako dahil doon.

"W-Wala eh. Hindi ko rin alam. Wag mo na lang sagutan. Baka naman wala lang iyan. Mahihirapan ka lang..." pagkumbinsi ko dito. "... ganito na lang, magluluto na muna si ate ng hapunan. Tulungan mo na muna ako tapos manuod tayo ng favorite mong series mamaya. Okay?"

"Uhmm... sige na nga." Napangiti naman ako dahil sa naging sagot niya. Dali-dali niyang inayos ang gamit niya at hinawakan ang kamay ko para higitin ako papunta sa kusina. Thank, God.

Lumipas ang ilang araw na nawala hindi ko na naman nakitang nagsagot uli siya ng nakita niyang post. Mabuti na rin iyon. Ayokong mas lumawig ang kaisipan niya sa bagay na hindi makakabuti sa kanya.

"Miss Mau, naka-online ka ba?". Napalingon ako sa katrabaho ko. Kararating ko lang galing sa huling klase ko ngayong araw.

"Hindi pa ako nakakapag-online uli. Bakit po?" Pinagpatuloy ko lamang ang pag-aayos ng gamit ko at saka kinuha ang bag ko at naghanda sa pag-uwi.

"Samahan na kita."

"Po? Bakit po? Pauwi na po ako." Nagtatakang tugon ko sa kanya. Ngumiti na lang siya sa akin at saka umiling.

"Miss Mau, check niyo po muna phone niyo. Mukhang hindi niyo pa alam ang nangyari." Sabi nito bago ako muling nginitian at umuna na sa paglabas ng faculty.

Dahil sa sinabi niya, agad ko namang kinalkal ang bag ko at hinanap ang cellphone. Nang makita ko iyon ay napuno ng kaba ang dibdib ko. Puro missed call mula sa hindi kilalang numero ang naroon. Bago pa man ako tumawag pabalik dito ay nagumpisa na muling mag-ingay ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag dito.

“𝑴𝒂𝒖𝒓𝒆𝒆𝒏 𝑪𝒂𝒎𝒆𝒓𝒐”
"
"𝑃𝑜𝑙𝑖𝑐𝑒 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑟 𝑝𝑜 𝑖𝑡𝑜 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑅𝑎𝑓𝑎𝑒𝑙𝑜 𝐷𝑖𝑠𝑡𝑟𝑖𝑐𝑡. 𝐴𝑛𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑝𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝒉𝑎𝑦 𝑛𝑖𝑦𝑜. 𝑀𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑝𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑖𝑦𝑜.

"A-anong nangyari sa kapatid ko?" Nagmamadali akong lumabas ng faculty at pumunta sa parking lot para hanapin ang sasakyan ko.

Bago ko pa mapaandar ang sasakyan ko, halos sinaksak na ang buong pagkatao ko sa narinig mula sa kabilang linya.

“𝑾𝒂𝒍𝒂 𝒏𝒂 𝒑𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒕𝒊𝒅 𝒏𝒊𝒚𝒐”

Hindi ko alam kung paano pa ako nagkaroon ng lakas para lumayo sa lugar na iyon at makabyahe pauwi. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luhang umagos sa mga mata ko at sakit na umiipit sa dibdib ko. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa kabilang linya. Paulit-ulit na iniisip anong posibleng nangyari at bakit siya pa?

"Miss Camero!"

"Asan ang kapatid ko!"

"Kumalma po muna kayo. Ilalabas na po siya."

"Papasok ako! Bahay ko to!" Nagpumiglas ako sa mga pulis na nakaharang sa labas ng bahay ko at nagmadaling pumasok sa loob.

Agad kong nakasalubing ang ilang mga nag e-embistiga sa at mga rescuer sa loob ng bahay, patungo sa isang kwarto.

"A-anong nangyari? Hindi ako naniniwalang nagpakamatay lang siya! Hindi pwede! S-Sabihin niyo sakin bakit namatay siya!?"

Nakita ko siyang nakalagay sa stretcher at puno ng dugo ang mga braso. Napatakip ako sa bibig ko nang makita kung paanong hiniwa ang dalawang braso niya. Diretso ang pagkaka hiwa sa mga ito at baon ang paghati. Tila ba dinaanan ng matalas na bagay ito at pinilit na buksan upang magdugo ng tuluyan. Imposible. Hindi siya nagpakamatay.

"W-Wag naman. Hindi niya magagawa ito! Ang bata bata pa niya! Sabihin niyo sa akin, sinong gumawa nito sa kanya!" Hindi ko magawang pigilan na magsisigaw at magwala sa harapan nila. Hindi talaga ako naniniwalang magagawa niya ito.

"A-ang bata bata pa niya! Ang bata bata pa niya para magawa niya yan! H-Hindi pwede! Officer, parang awa niyo na! Hanapin niyo ang gumawa sa kanya niyo. Please! Nagmamakaawa ako!"

"Miss Camero, ito po ang huling mensahe ng dalaga na maari nating dalhin bilang ebidensya."

—Meriam Camero posted

Dad came. I solved the equation. I was 11. The first and the last.

Gumuho ang kalooban ko matapos kong mabasa ang huling post ni Meriam. Tila ba bumalik lahat ng takot, hirap, sakit at pangingilabot ng buong pagkatao. Sa loob ng ilang taon na pagtatago ko sa katotohanan, natagpuan ng pinakamahalagang tao sa akin ang mga hindi niya dapat maranasa't malaman pa. Bakit? Bakit kailangan bumalik pa siya? Bakit pa niya binalikan at ipinasa lahat ng katarantaduhan sa buhay ng isang bata?

10 years ago, I posted on my dummy account:

— I was 10, I was 13, I was 15 and I was 18.

It's a sexual harassment I've met,

with my brother.

Turned into rape,

and got pregnant.

So I ran away with my baby,

I ran away from him.

Secretly,

I lived with my daughter

as her sister,

—Meriam.

"Hindi ko akalaing mananakawan na naman ako ni satanas."

I wasPříběhy, které tě pohltí. Začni objevovat