Ilang taon narin nakalipas mula nung sumakabilang bahay si papa. Grabe ang iyak non ni mama. Yun ang unang beses kong nakitang ganun umiyak si mama. Pilit ko man pigilan si papa ay wala ako magawa. Si ate naman wala ginawa kundi mag mukmok sa krawto. I was 5 years old. Isa lang akong paslit na bata. Pero alam ko na na aalis si papa. Alam ko na ang nangyayare non. Lagi nakukwento sakin non ni mama pang bababae ni papa kaya di na bago sakin yun.
Pag katapos umalis ni papa hinayaan ko nalang si mama na umiyak na umiyak. Di man lang ako umiyak sa mga araw nayun. Siguro sa sobrang sakit narin. Close na close ko si papa pero iniwan niya ko. Siya lang kakampi ko pag lagi ako pinapagalitan ni mama. Pero ngayon wala na. wala narin ako nasasabihan ng masakit sakin. Lagi ko nalang itong sinasarili. Nag aalala man si mama ngunit di magawang sabihin nararamdaman. Si ate naman mas close ni mama ewan ko sa kanila sila lagi mag kakampi at ako laging mali.
Habang umiiyak si mama lumabas na muna ako ng bahay at nag lakad lakad. Di nako nag paalam hahayaan din lang din naman niya ako. Nag lakad lakad lang ako at di alam kong san pupunta. Tumitingin tingin din sakin mga nakaka salubong pero hinahayaan ko na lamang sila. Dito kami sa manila naka tira. Marami din sasakyang dumadaan pero dito lang ako sa gilid. Hanggang sa pinunta ako ng aking mga sariling paa sa park. Kaya naman pumunta na muna ako sa duyan dahil napagod ako sa pag lalakad. Naka yuko lamang akong nag duduyan mag isa tila'y napakalalim nang iniisip.
Mag mula ngayon wala nakong kakampi. Wala naring taga pag tanggol. Wala na masasabihan ng lahat lahat. Kahit kaibigan wala hays. Ilang oras pa akong naupo rito at nag tambay. Inalala mga araw, oras at minutong kasama ko pa si papa. Dati rati pag wala siyang trabaho nag pupunta kami rito at nag babike. Namamasyal kami sa mall at nag lalaro. Pero di man lang siya nag paalam sakin nung aalis na siya. Wala man lang yakap o ano. Basta basta nalang niya kong iniwan at di kinausan sa mga oras nayun. Di ko alam kung magagalit ba'ko o ano. Basta ang alam ko lang sa sarili ko ngayon na sobrang lungkot ko. Nang tatayo nako at mag lalakad pauwi--
"Hi!" Nang biglang may humila sakin na bata mga kasing edad ko lang.
"Ayy tae!!" Yan lang nasabi ko sa gulat hahaha sino ba naman di magugulat eh wala akong kasama tas may manghihila sa kamay ko mula sa likuran.
"Luh hindi ako tae no tao ako taoooo hahaha"
"Sabi ko nga tao." Pang tataray ko. At sino naman to bigla bigla nanghihila di ko naman kilala.
Umupo nalang muna ako sa duyan dahil di pa ko nakakalayo rito. "Sungit naman nito hahaha" tumabi narin siya sa tabi ko at nag duyan habang kinakausap ako. "Nga pala kanina pa kita nakita dito mag isa lang. Okay ka lang ba?" Pero di ako sumagot. "Okay lang kung di mo sasabihin sakin. Kung ano man yang problema mo sana maging okay din ang lahat someday. Always be positive okay? Lahat ng yan yan mga pagsubok lamang. Kayang kaya mo lahat yang lagpasan." Tumayo sa at humarap sakin "ako nga pala si Nickyut." at natawa ako sa sinabi niya.
"Hahaha Nickyut? Cute ka ba?" Pang bibiro ko.
"Oo naman cute ako. Matagal na mula nung pinanganak ako sa mundong to." sabay kindat siya sakin.
"Eww hahaha" di siya ganung kaputi at medyo mataba siya. Pero cute talaga siya. Sayang pisilin ng pisngi niya hahaha
"Ayiieee napatawa ko siya hahaha basta ako si Nickyut, okay?"
"Hahaha oo na."
"So ano nga problema mo?" Pag siseryoso nito.
"Ah-eh wala wala." Naka tayo lang siya sa harap ko at may inabot na kulay red na panyo sakin.
"Kunin mo pamunas niyang luha mo. O gusto mo ako na pumunas niyan?" Pambibiro nito.
Kinuha ko nalang yung panyo at pinunas sa luha ko. Di ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Dahil narin sa pag tatanong niya. Dito ko naramdaman na meron palang may pake sakin at nag aalala kahit di ko man lang siya kilala. "Sa-salamat dito sa panyo." Yan lamang na naisagot ko sa kanya habang nag pupunas ng luha. Naka ngiti lang siyang naka titig sa ginagawa ko.
"O bat ganyan ka maka titig?
"Wala lang hahaha"
"Okay."
"Nga pala kailangan ko na umalis. Pwede tayo mag kita paminsan minsan dito pag nag kataon. Basta dapat pag pupunta ka dito nandito ka sa duyan para makita kita agad ah?" Nagulat ako sa kanyang sinabi. Gusto niyang mag kita ulit kami?
"Osige uuwi narin ako." Pag papaalam ko rito.
"Ingat ka."
Tumayo narin ako "ikaw din Nickyut." at nangiti unti sa kanya.
Pag tapos non umuwi narin ako sa bahay namin. Naabutan ko si mama na naka upo parin at tulala. Hinayaan ko nalang muna siya at nag deritso nalang ako sa kwarto ko. Si Trisha naman naka tulog pa. Si ate nandun parin sa kwarto niya. Umupo nalang muna ako sa kama at ilang secondong tulala. Pagtapos non kinuha ko yung panyong pula ni Nickyut at binuklat. Napangiti ako sa nakita ko. May nakalagay na Nickyyy sa gilid na tahi tahi. Ang cute hahaha parang babae. Inamoy ko rin to. Hmm amoy baby.
Tinago ko nalang muna yung panyo ni Nickyut. D din ako naka punta agad sa park. Si mama mga ilang araw bago namin nakausap ng maayos. Sa mga araw na nag daan hirap kami sa pag adjust na wala si papa pero nasanay narin kami. Si mama nalang nag hahanap buhay para samin. Wala din kaming mga pinsan dito nandun sila sa probinsya.
Kinuha ko na yung panyo ni Nickyut at pupunta ako ngayon sa park. Nalabhan narin to. Mag babaka sakaling makikita ko siya.
"Ma may pupuntahan lang po ako." Pag papaalam ko kay mama.
"Ma baka pumunta yan sa boyfriend niya hahaha" biglang sabi ni ate Nixie.
"Nako may boyfriend kana?! Kabata bata mo palang!"
"Wala po ma"
"Talaga ba?" Paninigurado ni mama.
"Opo, pero nasasayo na po yan kung papaniwalaan mo si ate. Kayo naman lagi mag kakampe" at agad nakong lumabas ng bahay.
"Abat bastos na bata! Halika nga rito!" Pang tatawag sakin ni mama pero di ko nalang siya pinansin at tumakbo ako ng tumakbo. Hanggang sa naka rating ako sa duyan at naupo. Hingal na hingal ako sa pagod kakatakbo. Pero di ko nalang to ininda. Kahit kailan talaga sila lagi mag kakampi hays. Ilang minuto na'ko rito nag hihintay pero wala parin si Nickyut. Kamusta na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ko? Napayuko na lamang ako sa lungkot. At napahawak sa ilalim ng duyan na inuupuan ko. At may maramdamang parang kakaibi kaya tumayo ako para silipin to.
May nakita akong naka tape na papel sa ilalim nito. Naka balot ito sa plastic kaya agad ko tong kinuha at binuksan.
Di pa ako masyadong marunong mag basa kaya tinago ko nalang ito pati narin ang panyo. Lumipas narin ang mga araw, buwan at taon. Lumipat narin kami sa probinsya dahin nandun ang mga pinsan namin at sila lola. Dun narin ako ako nag elementary at high school.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Short StorySi Angelyn yung tipo na babaeng pala tawa at abnormal. Yung babaeng parang lalaki narin makipag away pero mas malandi pa sa bakla makilig. May pag ka malibog din minsan hahaha oo minsan lang. Siya yung babaeng madali lang masaktan kahit mga salitang...
