"Tita Linda! Tao po!" Sigaw ko sa labas ng karinderya ng aking tiya na kasalukuyang nagluluto sa loob. "Tita, papasok na ako, nauuhaw na talaga ako."
Hindi ko na hinintay na sagutin niya ako. Basta na lamang akong pumasok at dumiretso sa kusina upang kumuha ng tubig at uminom. Pasalampak akong naupo at nagpunas ng pawis.
"Oh, Steffi! Saan ka na naman galing at pawis na pawis ka? Dinaig mo pa ang nakalunok ng microphone sa lakas ng boses mo ah." Sabi ni tiya at agad naman akong dinaluhan at hinainan pa ng turon.
"Kasi naman tiyang eh. Nagpart time muna ako diyan sa palengke, nagtinda ako ng mga kung anu-anong mga anik-anik diyan. Tapos noong naubos ko na, muntik pa akong takasan ng Leslie na yan. Tsk. Akala niya yata matatakbuhan niya ako. Muntik pang hindi ibigay ang parte ko." Reklamo ko saka ako kumagat sa turon na kanina ko pa nilalantakan.
Grabe! Ibang klase talaga ang luto ni Tiyang, kaya gustung-gusto kong tumambay dito eh. Hehe 😋😝
Natawa na lang si tita dahil sa sinabi ko. Siguro ay sanay na ito sa pagiging palaban at palengkera ko. Aba, nararapat lamang dahil sa hirap ng buhay ngayon, kung hindi mo kakapalan ang iyong mukha ay walang mangyayari sayo.
"Buti nahabol mo." Natatawang sabi na lamang ni tita.
Naisip ko na naman ang Leslie na iyon. Naging classmate ko ito noong high school na hindi ko masasabing kaaway, pero hindi ko rin naman masasabing kasundo ko. Palibhasa ay mas maganda ako ng isandaang paligo kaya nanggagalaiti sa inggit ito sa akin. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ngayon ay hindi ako magtatrabaho sa kanya. Ilang oras lang ay naubos ko ang mga pinapatinda niyang mga damit. Kung hindi dahil sa akin ay malamang sa malamang, baka nasa tindahan pa ito at patuloy na matumal ang benta.
"Hayaan mo na lamang at may balik naman ang lahat ng ginagawa natin." Dagdag pa ni Tiyang saka ito nagtungo sa nilulutong adobo at hinalo-halo.
Namamangha ko naman siyang sinundan ng tingin.
"Yan nga rin ang gusto kong sabihin sa inyo Tiyang. Kaya nga dadagdagan niyo pa ng kanin at ulam ang binigay niyo sa akin." Pang-uuto ko kay Tiyang saka inunahan na siyang sumandok ng kanin at ulam.
"Hay naku, bata ka! Bibilugin mo pa ang ulo ko. Gawain ko rin 'yan dati. Hala sige, kumain ka diyan." Sabi niya saka pumunta sa refrigerator at kumuha ng coke at ibinigay sa akin.
"The best ka talaga, tiyang! Naisip ko tuloy, dito na lang ako titira sa inyo. Hahaha!" Biro ko sa kanya. Nakita ko namang umikot ang mga mata niya. Saka ako sinamaan ng tingin.
"Kung gusto mo talaga e di sana matagal mo nang ginawa. Tsaka parang wala namang magbabago kung ganoon. Palagi ka namang nakikikain dito ah." Sabi niya. Napangiwi na lang ako saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na rin ako. Grabe, nabusog talaga ako. Hindi pa kasi ako nag-agahan at nananghalian. Hapon na rin at talaga namang gutom na ang mga bulate sa tiyan ko. Buti na lang at laging may libreng pakain dito. Hehe! 😁
Iniligpit ko na rin ang mga ibang pinagkainan at tinulungan si tiyang sa mga orders. Napakarami yata ng mga customers niya ngayon. Kanina pa ako palakad-lakad upang kumuha ng orders at hindi pa ako nakakaupo. Medyo nangangawit na rin ang mga paa ko.
"Steffi, my loves!" Narinig kong sigaw ng kung sino na nagpalingon sa akin.
Nakita kong ngiting-ngiting naglalakad si Xander kasama ng mga barkada niya. Agad itong yumakap sa akin na ikinatawa naman ng mga barkada niya.
YOU ARE READING
Counting Stars
RomanceSteffi Brixxe Alindog Okay na sana ang lahat. Maganda siya at mayroon nang bagong trabaho. Ngunit nang isang araw na marinig ng kanyang boss ang kanyang mga patutsada tungkol dito, tila nag-umpisa ring makigulo ang tadhana sa mga plano niya sa buhay...
