Inayos ko muna ang aking sarili habang nasa biyahe pati ang mga gamit ko na nagulo kanina dahil sa pagmamadali.

"Miss andito na tayo"
"Sige po kuya salamat po" bumaba na ako ng tricyle at tinignan ang oras sa phone ko.

7:50 sh*t 10 minutes nalang late na ako. Terror pa naman yung first teacher namin. Tinakbo ko na papuntang building namin at paakyat ng third floor.

"Bakit ba ang taas taas nitong building na ito eh" hinihingal na kausap ko sa sarili ko habang paaakyat ng hagdan.

Nakarating na din ako sa pinto ng room namin.  Sa wakas hooooo...

Napatingin sa akin ang mga classmates namin dahil sa patakbo akong pumunta sa upuan ko. Sa wakas nakaupo at nakapagpahinga din. Asan na ba yung tubig ko? Kinuha ko ito at saka uminom.  Woooohhhh

"Oh bess anong nangyari sayo? Haggard na haggard ka teh!" tanong sa akin ng bestfriend ko

"Five minutes bess. Hinga muna ko" sabi ko sa kanya habang hinihingal pa

"Oh kay? Ano ba kasing nangyari sayo at ganyan ang itsura mo? Daig mo nakipag marathon eh" takang tingin niya sa itsura  ko dahil pawis na pawis ako kaya inabutan niya ako ng panyo.

"Nagmamadali kasi ako, akala ko kasi late na ako"

"Bakit naman wala pa naman si sir ah. Excited ka masyado mag-aral eh" natatawang sabi niya sa akin

"Tinanghali kasi ako ng gising kaya tinakbo ko lahat ng pwedeng takbuhin para lang makarating ng mas maaga dito" saka ko kinuha ang salamin ko sa bag at tinignan ang sarili ko. Ang pangit laki ng eyebags ko huhuhu

"Bakit anong oras ka na ba nakauwi kagabi?" tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko sa mesa ko

"Alas dos na ng madaling araw. End of the month kasi kahapon kaya nag inventory muna ako sa store" saka sinimulan kong ilabas ang mga gamit na kailangan namin.

"Ano? Pinapagod mo na masyado ang sarili mo niyan eh. Baka naman magkasakit ka niyan bess. Sabi ko naman kasi sayo ako na bahala magbigay ng allowance mo everyday, tumigil ka lang sa work mo" sermon na naman niya sa akin,  araw araw siyang ganyan sanay na ko.

"Bess hindi naman pwede yun nakakahiya kina tito at tita. Baka sabihin nilang inaabuso naman kita masyado ikaw na nga minsan sumasagot sa projects ko kahit ayoko eh. Okay lang ako don't worry" saka ko siya tinapik sa balikat niya

Sinimangutan niya ako kaya tinawanan ko lang siya. Nagtatawanan kaming dalawa nang dumating si Nicole kasama ang kanyang mga alagad. Hay naku ito na naman siya.

"Look who's here? Ano ba naman yang itsura mo?  Talaga bang pinapanindigan mong isa kang dukha na nahalo lang sa mayayamang katulad namin? hahaha" maarteng sabi niya

"Oo nga ayaw pa kasing umalis nalang eh" sabi naman nung isang alipores niya

"We don't need you here kaya alis!" sabat nung isa pa

Hayy naku ito na naman sila. Tatlong taon na sialng consistent na ibully ako pero hanggang ngayon waley pa din sila sakin.

"Pwede ba Nicole pagod ako. Kaya umalis ka na isama mo na yang mga alipores mo dahil wala kayong mapapala sakin" walang gana kong sabi sa kanila

"Whatever" mataray na sabi ni Nicole

Umiiling na tinignan ko silang umalis at nagbasa nalang ng libro.

Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sa inyo dami kasi agad nangyari eh.

Ako nga pala Aurisse Grigg, grade 10 student sa Britt International School. Yes, pangmayamang school itong pinapasukan ko maswerte lang talaga ako at valedictorian ako noong grade 6 ako kaya nakakuha ako ng scholarship sa school na ito.  Pero siyempre hindi nila sagot ang allowance ko kaya kailangan ko pa ding magtrabaho pag gabi. Tsaka para matulungan ko na din si mama sa mga gastusin namin sa bahay. Kaya kahit mahirap pinagsasabay ko ang aking pag-aaral at pagtatrabaho.

Yung isang kausap ko naman kanina ay ang aking bestfriend na si Evie Hirsh. Pero hindi katulad ko na mahirap, mayaman si Evie. Ang mga magulang niya ay may-ari ng isang kumpanya kaya nakukuha niya lahat ng kanyang gustuhin. Tatlong taon na kaming magkaibigan, nagsimula yun nung makapasok ako sa school na ito. Dahil wala akong kakilala dito at puro mayayaman mga tao dito kaya nahihiya akong makipaghalubilo sa kanila at makipagkaibigan sa kanila. Pero iba si Evie dahil siya mismo ang lumapit at nakipagkaibigan sakin. Mabait siya kaya nagkasundo kami agad at hanggang ngayon ay magkaibigan pa din kami.

Si Nicole Reyes naman ay yung malditang babae na nang-aasar sakin. Actually, simula nang dumating ako dito ay ganyan na agad ang trato niya sakin. Kasi nga daw hindi ako bagay na makasalamuha sa kanila at isa lamang akong dukha. Palibhasa anak mayaman din kaya kung makapanghamak ng tao ay ganun ganun na lamang. At least ako nakapasok ako dito dahil ginamit ko ang utak at diskarte ko sa buhay samantalang sila nakapasok sila dito dahil sa pera ng mga magulang nila. Puro kolorete sa mukha at panghahamak ng ibang tao lagi ang inaatupag kesa ang mag-aral para sa kinabukasan nila.  Mga mayayaman nga naman. Aiisshh makapag-aral na nga lang.

Mabilis na lumipas ang oras at dismissal na kaya mabiilis kong iniligpit ang aking mga gamit. Kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho dahil sa inventory kahapon. Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Evie,  ang bestfriend ko.

"Oh bess saan ka pupunta? Maaga pa para sa duty mo ah. Tara meryenda muna tayo" saka isinukbit agad niya ang kamay niya sa braso ko.

"Sorry bess kailangan ko kasing pumasok ng maaga ngayon eh"

"Aiisshh trabaho na naman! Magpahinga ka naman kahit kahit minsan! Tara na" pagpupumilit niya pa rin sakin

"Hindi kasi talaga pwede bess eh. Next time nalang ha. Babush alis na ako" tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko

"Oo na basta babawi ka sakin next time ah. Promise?" naka pout pang sabi nito

"Promise" saka ako tumakbo papunta sa sakayan ng jeep at kumaway sa kanya.

Sumakay na ako sa jeep at ipinikit muna ang aking mata upang makapagpahinga naman muna ako kahit saglit.

The OthersWhere stories live. Discover now