Nang matapos nila akong pagandahin at ipasuot sa akin ang gown na sobrang ganda at saktong-sakto sa akin, pinaharap ako ng makeup artist sa salamin.

"Ganda ng bride, ah," komento ng makeup artist.

Uminit ang pisngi ko at nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa papuri.

Pumalakpak ng isang beses si Tita Amore at lumapit na rin sa amin. "Oo naman. Hindi naman pipili ang anak ko ng chaka!"

Napangiwi ako sa narinig at hindi na lang nagsalita. Nang matapos na ang lahat, umalis na ang mga nag-ayos sa akin at naiwan naman kami ni Tita Amore na agad namang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko akalain na ikakasal na kayo ng anak ko," madramang wika niya kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Parang kalian lang ay pinakilala ka sa akin ni Ashton tapos ngayon ay ikakasal na kayo."

I faked my smile. Hindi ko maiwasan ang ma-guilty. Sobrang saya kasi ni Tita at ang maisip na lokohin siya ay parang ang bigat sa dibdib. Kung alam lang ni Tita, mahirap din para sa akin ang ganito. Wala na kami ng anak niya, eh, pero ang tuso talaga ng anak niya dahil gumawa talaga ng paraan mapapayag lang ako. Kailangan ko siyang pakasalan para sa lupa.

"Oo nga Tita, eh." Sinakyan ko na lang para hindi halata.

Pinalis niya ang luha sa kanyang mata at ngumiti sa akin. "Let's go. Nasa simbahan na si Ashton. Don't worry, family and friends lang naman ang a-attend. Kotaro couldn't help us dahil busy siya kaya you don't have to worry about the guests. Sad pa rin ako dahil hindi pala maka-attend ang Ate mo."

Iyon nga, eh. Galit pa rin sa akin si Ate. Naintindihan ko naman nag alit siya dahil nakita niya't nasaksihan kung gaano ako nasaktan noon nang naghiwalay kami ni Ashton. Sinabi ko rin kasi sa kanya ang lahat kaya naging number one hater na si Ate kay Ashton. Ang sabi ni Ate sa akin, komunikasyon ang talagang problema sa relasyon namin ni Ashton. Dagdag na lang daw ang rumor na pambabae niya.

Nang makarating kami sa simbahan ay hindi ko mapigilan ang kabahan. Ang weird pero naisip ko na naman ang marriage both namin ni Ashton noong college kami. Noong nagpakasal kami sa marriage both ay naalala ko pa kung gaano siya ka-seryoso kahit fake marriage lang iyon.

Ngayon, ikakasal na ako sa kanya. Hindi dahil mahal namin ang isa't isa, kundi may mga kailangan kaming unahin kaya humantong sa ganito. Wala naman akong masyadong vow. Nag-research lang ako dahil hindi ko kayang gumawa ng vow sa kasal na hindi naman talaga genuine.

Pumwesto na ako sa harap ng pinto ng simbahan at ramdam ko ang kaba ko. Lumapit sa akin si Tita Amore at kumapit ako sa braso niya.

At nang tumunog ang 'A Thousand Years' ay bumukas ang pinto ng simbahan at nagsimula na kami sa paglakad.

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave?

How can I love when I'm afraid to fall?

But watching you stand alone

Napalunok ako habang naglalakad ako sa aisle. Kasabay ng paglunok ko ay ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Unti-unti kong dinama ang kanta at inalala ang masayang alaala naming dalawa noon. Para tuloy akong naluha habang naglalakad patungo sa kanya.

Kahit sa malayo, kita ko ang pagtitig niya sa akin. Nakita ko kung paano umawang ang kanyang labi at ang paglunok niya. Kung makatitig siya sa akin ay parang ako na talaga ang babaeng hinihintay niya.

Napalunok ako muli. Kung ito'y totoo man. Kung totoo lang na mahal pa rin naming ang isa't isa hanggang ngayon, siguro ito na ang pinakamasayang araw para sa akin at para sa kanya.

One step closer...

At siguro kung wala lang naging sagabal at hindi lang kami nagkaproblema noon, sigurado ako na masaya kami ngayon. Kung maibabalik ko man ang oras, siguro kasal na ako sa kanya since iyon ang pangarap naming dalawa. Kung hindi lang niya ako binalewala. Kung hindi lang niya pinaramdam sa akin ang hindi importante, baka...

I have died everyday everyday waiting for you

Darling, don't be afraid

I have loved you for a thousand years

Maybe we could still happen...

I'll love you for a thousand more...

Nang makarating na kami sa puwesto ni Ashton, naglahad ng kamay si Ashton sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Napalunok ako at halos hindi na makahinga.

Nangilid ang luha ko nang magtagal ang titig ko sa kamay niyang naghihintay sa akin. Kinurap ko ang mata ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Kita ko ang seryoso sa kanyang mga mata. Walang halong biro o kung ano pa.

"Take my hand," mahina niyang sambit. "Katarina."

Napalunok ako at unti-unting tinanggap ang kamay niya. Pagkatapos no'n, inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at saka bumulong.

"Let's get married." At iginiya niya ako para maharap kami sa pari. 

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ