01

9 1 2
                                    

DISCLAIMER
This story is a work of fiction. All the content of this story are all part of the authors imaginations.

Some parts of the story might contains mature theme or strong languages that are not suitable for a very young readers. Read at your own risk.

This is unedited, it might have some typographical and grammatical error. This story will be fully edit after I finish the whole story.

***

"Anak ng..."

Napahinto ako at napatingin sa itaas ng saktong pagbaba ko ng XLT ay biglang bumuhos ang kanina pang nagbabadyang malakas na ulan. Dali-dali akong tumakbo patungo sa malapit na waitingshed at pinunasan ang braso ko gamit ang panyo.

"Letche ka talaga Amor "

Mahinang sabi ko habang patuloy na pinupunasan ang braso at ang nabasa kong uniporme, puting-puti ito at bagong plantsa pa.

" Kung di ka ba naman kasi demonyo, wala na ngang pasok sa ibang subject tapos sayo meron? Gusto mo pa nakauniform?"

Nanggigigil na sambit ko sa hangin habang pinupunasan naman ang puti kong sapatos gamit ang papel.

"Isa kang motherf*cker bit*h!"

Sabi ko tsaka ibinato ang papel sa basurahan. Nakita ko ding malapit ng mag3pm kaya ng medyo tumila na ang ulan naglakad na ako patungo sa klase.

"Hoy!" Nagulat ako ng may humatak sa bag ko, nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Puro talsik likod mo." Napahilamos ako gamit ang isa kong kamay at napabuntong hininga.

"Hayaan mo na." Sabi ko at diretso akong naglakad patungo sa classroom. Sumunod naman sakin si Aria.

" Anong oras na?" Tanong ko sa kanya bago naupo.

"2:55pm" tumabi siya akin.

"Nakakainis inabutan pa ako ng ulan." naiinis na sabi ko.

"Mukha nga, bat kasi di ka nagdadala ng payong?" sabi nya at ngimisi na parang nang-aasar.

"Diba na sayo? Di mo sinoli kahapon." inismiran ko siya. Tumawa sya at humalumbaba sa desk nya habang nakatingin sa harapan. Nandito na pala yung prof namin, si maam Amor.

" Good afternoon, so hindi rin ako magtatagal, I'm just here to announce about your final requirement and you may go. "

"amputang..." mahinang sabi ko, hindi ako makapaniwala sa sinabi nya, pinapunta nya pa kaming nakauniform dito tapos mag aanounce lang pala sya?Tf. Narinig ko rin ang reaksyon ng iba kong kaklase.

" Quiet. So makinig na kayo." Humarap sya sa pisara at nagsulat gamit ang kanyang white board marker.

Nakita kong umirap ang ilan sa mga kaklase ko, ang iba padabog na naglabas ng notebook at ballpen, at ang iba naman ay nagbulungan.

"Bwisit pwede naman itext nalang yung contact person, pinapasok pa tayo at nakauniform pa, nakakainis sayang laba " Bulong sakin ni Aria.

"Kaya nga, buhay pa sinusunog na kaluluwa nyan sa impyerno." Bulong ko din sa  kanya bago kumuha ng ballpen at papel.

"Okay so ang gagawin nyo ay ganito, listen carefully kasi ayoko na ng mga tanong after this, we also have a meeting so listen, kung gusto nyo irecord nyo nalang mga sasabihin ko" Dire-diretsong sabi nito habang nilalaro sa daliri nya ang marker.

"Go to hell bit*h." Narinig ko ang mahinang sabi ng kaklase ko mula sa likod, napatawa ako ng bahagya, halatang galit ang buong klase.

Kasi naman walang klase sa ibang subject sa kanya lang meron tapos di pa siya mapakiusapan man lang na wag na magklase tapos ngayon sasabihin niyang iaanounce nya lang final requirement tapos you may go? Pinag-uniform pa kami, tapos umulan pa, di lang naman ako yung halatang inabutan dito ng ulan, kaya di ko rin masisisi kung maraming mainit ang ulo ngayon.

Falling like a Rain DropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon