"I-I'm still cold." nangangatal ang kanyang labi na nagsisimulang mamutla na rin dahil sa panalalamig niya.

Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to? Puro na lang problema ang dulot niya sa akin. Tsk! Ang laking tao, lamig lang pala ang katapat. Gusto ko siyang pagtawanan ngayon sa hitsura niya pero mas minabuti ko na lang na huwag gawin. Imbes na pagtawanan siya ay mabilis akong umusod palapit sa kanya. Kahit nagdadalawang isip ay sinunod ko na lamang ang aking naisip.

"Hubad." maikli kong utos sa kanya. Nagtataka siyang tumitig sa akin dahil sa biglaang pangyayari. Sino ba naman hindi magugulat kapag sinabihan ka na  lang bigla na maghubad ng hindi mo alam ang dahilan.

"What?"

"Sabi ko, maghubad ka. Mas lalamigin ka lang lalo kapag suot mo pa yang basang damit mo." tumango na lamang siya ang nagsimulang hubarin ang suot niyang polo. Hirap siyang matanggal ang pagkakabutones no'n dahil sa nanghihina niyang kamay kaya naman ako na ang gumawa. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang tinatanggal ko ang pagkakabutones ng kanyang polo hanggang sa matapos. Hinayaan ko lang siya. Siya na ang naghubad ng kanyang pantalon at tanging boxer na lang ang natira niyang suot.

Dahil sa tanawin ay nakaramdam ako ng pang-iinit sa aking katawan na agad ko namang winaksi. Hindi ito ang tamang oras para makaramdam ng ganun.

Inayos ko ang kumot sa kanyang katawan at mas lalo pang binalot ito sa kanya. Makabubuti na din 'to para hindi siya mas lalong lamigin.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." pambabasag ko muli sa katahimikan.

"Huh?"

"Bakit ka kasi nagpaulan?" bahagyang tumaas ang boses ko sa ideyang nagpaulan siya. Hindi ko lang maiwasang mainis dahil sa problemang dala ng lalaking 'to sa buhay ko. Daig pa ang bata.

"I went to my dad's place. Pauwi na sana ako nang biglang nagloko ang kotse ko sa gitna ng daan. I have no choice but to get outside and wait for a taxi. But halos isang oras na akong naghihintay pero wala pa ding dumadaan. So, I decided na maglakad and at the same time, mag-abang ng masasakyan. Hind ko naman aakalain na uulan ng ganun kalakas." mahina lang ang kanyang boses habang nagkukuwento. Walang kurap lang akong nakatingin sa kanya habang nakikinig.

"Bakit kasi hindi ka na lang tumawag ng tao na pwedeng magsundo sayo doon? Hindi ka ba nag-iisip?" napaikot ako ng mata sa ideyang hindi ata sumagi sa kukote niya. Palibhasa puro lang pang-aasar ang alam niya.

"I tried but there's no signal on that area." saglit niya akong tinapunan ng tingin. Napangiwi na lang sa sagot niya. Siya na ata ang pinakamalas na tao ngayong araw.

"Mabuti nakasakay ka..." saglit muli siyang natahimik na pinagtaka ko.

"No. Naglakad lang ako hanggang dito." mabilis akong napakurap-kurap dahil sa pagkagulat. Shems! May balat ba sa pwet ang lalaking 'ti at ganun na lang kamalas ang dinanas niya kanina.

Mas lalo atang sumikip ang dibdib ko nang mapagalaman kong naglakad lang pala siya hanggang dito. Kahit hindi ko man alam kung saan siya galing, pakiramdam ko ay napakalayo ng nilakad niya. Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magsalita nang may sumaging katanungan sa aking isip.

"Teka... Bakit dito ka dumiretso? Bakit hindi sa bahay mo?"

Nagdikit ang aking kilay nang may ngisi na sa kanyang labi nang muling lingunin ako.

"Why do ask so much?" mapaglaro niyang tanong. Bahagya siyang gumalaw palapit sa akin. I was caught off guard nang namalayan ko na lang na napahiga na ako sa sofa at siya ay nakababaw na sa akin. Nakakulong ako sa matitigas niyang bisig. Napalunok ako.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now