lee POV;
sa sobrang sakit nang nararamdaman ko,naibato ko ang cellphone na hawak ko mula sa pader at nagkawasak-wasak ito..
"dahil dyan sa ugali mo!--"-galit ang mga matang ibinigay sa akin ni karen."maghiwalay na tayo!"-
natigilan ako at napagtanto kong hindi ko dapat sya tinatrato ng ganito,sigurong sobrang galit siya sa akin."kars,sorry--"-hahawakan ko ang kamay niya pero umatras siya palayo sa akin saka umiling.
"ayoko na..ayoko na sa atin,lee..makasarili ka.."-tumulo ang luha na sabi niya..nasasaktan ako tuwing makikita siyang umiiyak kaya naman agad ko siyang niyakap.
"sorry karen..i'm really sorry..hindi ko na uulitin.."-
"patawarin mo rin ako,lee..let's break up.."-unti-unti ko syang pinakawalan at walang isa na nagsalita sa amin hanggang sa umalis siya palayo at naiwan akong nag-iisa sa basketball court.
ang dahilan,hindi sya sumipot sa final games ng basketball ko at nakita ko syang kausap ang lalaking pinagseselosan ko at rival ko sa school..si than.(tan).
napasigaw na lang ako sa galit,hindi ko alam kung kanino o para saan,and now my girlfriend within 3 years broke up with me,i'm so messed up!! i'm broked!
a day later.
"dre! dalawang araw kanang hindi pumapasok.."-hampas ni ken sa balikat ko..
"bakit kayo nandito?"-tanong ko at naupo sa table sa dorm ko na maraming bote ng alak.
"nabalitaan namin na hiwalay na kayo ni karen.."-natigilan ako sa sinabi ni blue na isang seryoso sa buhay..
"wag kang papatalo dre! nagde-date na si karen at than!"-nakangiti pang balita ni ken.sarap bigwasan.
"masaya ka pa..tignan mo nga ako!"-asar kong sabi kay ken kaya napa-ismid naman itong so blue.
"mag-ayus kana ng sarili mo at papasok na tayo.."-tapik ni blue sa balikat ko.
"ayoko!"-sagot ko at bumalik sa kama at dumapa..ang bigat ng pakiramdam ko.
"ohhoo! bangon na mr.prince! ibalik natin ang dating ikaw! badboy,mabait at masigla! at higit sa lahat maraming babae!"-pagtabi sa akin ni ken..napatingin ako sa kanya na tuwang-tuwa pa.
"may naisip na kaming paraan..kailangan mo nang armor para balikan si karen at than.."-nanghalukipkip si mr.stranger na si blue.
napatingin ako sa dalawa na nakangiti at pakindat-kindat..di ko alam kung bakit magkakaibigan parin kaming tatlo na ito eh..
"allright! hindi ako papaapekto..babalikan ako ni karen!"-bumangon ako at nginisian ang dalawa..walang mangyayari kung magkukulong ako dito sa dorm at nagpapakasaya ang girlfriend-este-EX-girlfriend ko.
ngiting-ngiti naman ang dalawa.
"yan si leenanon paiboon!"-tawa ni ken.
"lee lang!"-batuhin ko nga ng tsinelas,pang-asar pa eh..ayoko ngang tawagin sa buo kong pangalan.
ang narinig ko na lang ay ay tawa ng dalawa pagkapasok ko ng banyo..napabuntong-hininga ako saka nagsimulang buksan ang shower..mabigat parin sa pakiramdam ang hiwalayan namin ni karen..walang sugat na gumagaling kaagad,lalo na't malalim..
drama king.tsk.
BINABASA MO ANG
ShE
Romancehindi na sana kailangan ni leenanon ang tulong para makapagbalikan sila ni karen pero nagpumilit ang kaibigan niyang si ken at nagrent ito ng isang babae para makipagbalikan sa kanya si karen. nakilala niya ang rented girl na malayo sa tipo niyan...
