Sinubukan ko naman. Sinubukan kong maging 'siya' simula ng mawala siya. Pero, hindi 'yun sapat sa kanila.

Hindi ako magiging sapat sa kanila...

"Cassandra."

Mapait akong ngumiti. Simula ng umalis ako sa mansion, kay Ianthe ako unang lumapit. Hindi na ko nagulat ng tanggapin niya ko. Tinawagan niya ang lahat ng kaibigan namin at dinamayan nila ko. Sinabi ko na lang sa kanila na gusto kong maghanap ng condo that time, pero alam kong hindi sila naniniwala sa'kin, even Venus.

Si Venus ang lubos na nakakakilala sa'kin. She's my bestfriend. Lagi siyang nasa tabi ko para samahan ako sa lahat ng laban ko. Sa kanya ko din nakwento ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Tinulungan niya ko. Pero alam ko, sa bandang huli mapapagod din siya. Mapapagod din siyang paalalahanan ako.

Nabalik lang ako sa wisyo ko when Juno gently wiper my tears with her thumb. I smiled weakly at her.

"Hey, what's wrong?" she softly asked

I shook my head. "M-may mali ba sa'kin?" I stutter

Kumunot ang noo niya. "Walang mali sayo."

I nodded slowly. "Hindi ba 'ko kamahal-mahal?" I asked again

"Don't say that Cassandra." mahinahon niyang tugon

I smiled weakly at her. Napalibot ang tingin ko dito sa loob. Si Juno lang ang nakapansin sa kalagayan ko ngayon dahil sa busy ang iba. I sighed before wipe my tears.

"I'll go to restroom." paalam ko kay JC

Hindi ko na siya pinagsalita pa ta mabilis akong tumayo at umalis sa lugar na 'yun. Napangiti na lang ako ng mapait.

That's life Cassandra.

Naghilamos lang ako ng mukha ng makarating ako sa restroom. I sighed. This past few days, ang iyakin ko. Nakakainis lang.

Gusto ko sana bumalik sa room kaso ayaw ko namang tanungin lang ng tanungin ni Juno. Napahinga ako ng malalim bago pumunta sa Garden nitong school. Wala naman siguro masama kung tatambay lang ako saglit dun. At saka, mukhang hindi kami sisiputin ng prof namin dahil mag-iisang oras na ang lumipas wala pa siya.

Mabilis na kumalma ang sistema ko ng makaupo ako sa bench dito sa garden.

Wala pang isang minuto akong nakatambay dito ng may marinig akong ingay. Kunot noo kong sinundan ng tingin ang boses na 'yun.

Nanlalaki ang matang nakita ko siya na mukhang papasok din dito sa loob ng Garden.

"Tulungan mo na kasi ako bespren! Ang pabebe mo naman ee."

I raiser my brow when I see her with that woman. Wow. Long time no see.

"Cassandra." she called me

I smirked. "Brier" I looked with the woman. "Orpheus" nakangising bati ko

"What are you doing here?" Brier asked

"Why do you care?" I said while staring intently at Orpheus.

I smirked when I see her gulped. Tss. Weak. Kaya pala hindi niya naipaglaban ang pinsan ko. Mahinang nilalang.

"I think, I need to go." she avoiding my gaze "Bespren, kitakits na lang mamaya." then she leave

I laughed hard. Ako palang ang kaharap niya, pero nanginginig na siya. Pano pa kaya pag buong pamilya na namin ang hinarap niya? Tss. Napakaduwag talaga.

Drunk In LoveWhere stories live. Discover now