Uno-cellphone

54 2 0
                                    


"Laze!" tutok man sa aking binabasa ay 'di ko napigilang mapalingon sa lakas ng pagkakatawag ni Eli. Sa likod niya ay nakasunod si Sed.

Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng punong narra kung saan ay nasa gilid lamang ng aming silid upang makapag-aral ng payapa. Bakante ang oras namin ngayon kaya may pagkakataon upang makapag-aral para sa susunod na klase.

Hinihingal na huminto sa aking harapan si Eli. Samantalang si Sed ay patuloy sa kanyang paglalaro. Tiningnan ko sila ng may pagtataka.

"Sabi mo magrereview tayo ng sabay-sabay bakit ikaw lang mag-isa ang nagrereview?" nakanguso pa siya habang sinasabi iyon. "Huy anong meron?" Si Sed na as usual, walang kamalay malay sa mga nangyayari.  Paano ba naman kaya ko sila iniwan ay naglalaro sila ng ML sa aming room, ang ingay pa doon hindi ako makapagfocus.

"Sa tingin niyo ba sasama kayo sa'kin kung in game kayo? Ang ingay pa doon pano tayo makakapagreview ng maayos, isa nga kayo sa maingay eh." bara ko sa kanya. Tumawa silang dalawa dahil sa sinagot ko. Umupo sila sa gilid ko at inagaw ang  hawak ko na notebook.

"Hindi naman namin maintindihan sulat mo eh!" Si Eli na reklamador.
"Para ka naman magdodoktor nito" Ginatungan pa ni Sed.

"Edi kunin niyo yung sa inyo nakakahiya naman ah!" sabi ko sabay bawi ng notebook ko sa kanila.

"Sabihin mo na lang isa isa para maintindihan namin hehe" iniyapos niya pa ang kanyang braso sa akin para utuin ako. Lumipat si Sed sa kabilang gilid ko at ganon din ang ginawa. Ibang klase, tsk tsk.

Sinimulan ko ng magbasa at ipinaliwanag sa kanila ang mga naiintindihan ko sa topic namin kahapon. May pagsusulit kasi ngayon sa Filipino, Noli Me Tangere. Nung highschool pa 'yon ah? Bakit binabalik pa? Malapit na akong matapos ng tumunog ang alarm sa cellphone ko. Nagalarm ako upang malaman na limang minuto na lang bago magsimula ang klase. Tumayo na kami at naglakad papasok ng aming room. Ang kaninang maingay ay biglang tumahimik. Kanya kanya silang basa sa kani-kanilang mga notebook.

Saktong alas tres ng dumating ang aming guro. Nagbigay pa siya ng limang minuto sa amin upang makapagreview bago magsimula ang pagsusulit. Kita sa mukha nila ang kaba para sa pagsusulit na ito. They dont have any time for reviewing pero kapag sa ML go.

Nagsimula na ang pagsusulit. Madali lang para sa akin dahil nakapag-aral ako kahit papaano. Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot ng may naramdaman ako kumalabit sa braso ko. Tiningnan ko kung sino yon. Walang iba kundi si Eli na may sapak.

"Problema mo?" inis kong bulong.

"Number 10?" bulong niya pabalik.

"Touch me not" sagot ko pagkatapos ay bumalik na ulit sa pagsasagot. Napansin ko din na may mga nagbibigayan ng papel. Highschool life, its natural. Identification kasi ang pagsususlit kaya naman nahihirapan ang karamihan. Medyo natagalan bago kami nagcheck ng pagsusulit. Sapagkat ang iba kong kaklase ay hindi na alam ang mga isasagot ngunit pinipilit pa din na alam nila.

Maganda ang kinalabasan ng quiz ko.
I have 5 wrong answers. Hmm not bad.
Ang dalawa ko naman na kaibigan ay may anim na mali.

"Bakit hindi tayo magkakamukha? Eh pare pareho naman tayo ng sagot. " Tanong ko.

"Yung isa kasi diyan mangongopya na lang sa'yo mali pa." Si Sed sabay batok ng mahina kay Eli.
"Aray naman! Ampanget kasi ng sulat ni Laze!" Pagtanggol ni Eli sa sarili niya. Natawa na lang ako sa kanila dalawa. "Better luck next time."

Inayos ko na ang gamit ko at patayo na ng mapansing nawawala ang cellphone ko. Dumako ang aking paningin sa pintuan ng room, natanaw ko si Eli na naroon at iwinawagayway ang cellphone ko. Tumakbo na siya palabas ng room. Inis akong sinundan siya upang mahabol.

When The Two Worlds CollideWhere stories live. Discover now