NEVER-ENDING CYCLE

23 1 0
                                    


"Annie, anak! Gising na! Baka ma-late ka na naman sa klase mo!" sigaw ni Mama.

Saktong pagtunog ng alarm ko nang sumigaw na si mama-- mothers are morning alarm indeed.

Monday. Start na na naman ng week. Paulit-ulit lang naman pangyayari eh. One week na pupunta sa school para mag-aral, magreport, magperform, magsagot ng mga tanong na minsan eh obvious naman na yung sagot, for example yung ESP o Values Education na kahit yung choices nalang basahin mo eh makukuha mo na yung tamang sagot. Though meron din namang mga pinapasagutan yung mga teachers na kala mo eh wala ng bukas sa sobrang hirap.

Sa madaling salita, paulit-ulit. Every week, boring, walang bago. Bonus nalang kung may mga ganap na di mo ineexpect like karambulan or yung mga may mapapadala sa guidance office.

Nagsimula na kong bumangon sa higaan at iniligpit muna yung mga kalat bago ako maghanda ng panligo ko. I did my morning routine. Waking up, cleaning my mess, preparing my uniform and all, maliligo, mag-aayos, and now lalabas na'ko sa kwarto ko for breakfast.

I wonder kung bakit kahit paulit-ulit lang yung nangyayari sa buhay natin eh patuloy parin tayo and hindi tayo nauumay. Maybe nauumay, pero go parin, tuloy lang. Siguro ganto talaga yung mundo, kelangan lang nating sabayan yung pag-ikot nito.

"Ma, anong ulam?"

Ineexpect kong sagot? Itlog, hotdog, tocino, longganisa, or kung ano pa mang laging ulam pambreakfast.

"Sinigang parin, anak" sabi ni Mama.

Oh well, eto pa pala. Syempre pag may tira pang ulam from yesterday eh yun nalang ulit. Sayang naman kung matatapon lang diba? Kaya sige lang, masarap naman luto ni mama eh.

"Asan pala si papa, ma?"

"Maaga umalis eh, may dadaanan pa raw sya bago magwork. Halika kain ka na," si Mama.

"Ah okay, sige po"

Umupo na'ko at kumain.

Si papa naman, nagtatrabaho siya sa isang radio station. Isa sya sa mga DJ dun kaya lagi ko rin sya marinig kahit di ko palaging nakikita. Kagaya ngayon, maaga sya umalis and probably late yun uuwi, which is pag tulog na'ko.

Natapos na akong kumain at dumiretso na sa sink para ilagay doon ang pinagkainan ko at para narin makapagsipilyo. Pagkatapos kong magsipilyo ay tinawag ko na si mama para magpalagay ng contact lenses.

"Ma! Asan ka po? Paalis na'ko"

"Ah, andito ako sa salas anak, punta ka na dito, kukunin ko lang yung contact lenses mo" sabi ni Mama.

Nagsimula na'kong maglakad papunta sa salas, kinakapa ko parin ang dinadaanan ko kahit na kabisado ko na naman ang bahay namin. Mahirap na, baka madapa pa'ko eh.

Pagdating ko sa salas eh umupo na muna ako sa sofa para hintayin si mama. Saktong pagkaupo ko naman ay narinig kong paparating na si mama kaya tumayo narin ako agad.

"Anak, may gamit palang nakalagay dun sa hagdan, buti nalang hindi ka nadisgrasya kanina. Next time, magpalagay ka na bago ka bumaba okay? Para mas safe. Halika na, lalagyan na kita neto" si Mama.

Buti nalang nga hindi ako nadisgrasya kanina. Lumapit na'ko kay mama hanggang sa maramdaman ko nalang ang mga kamay nya sa mukha ko. Dahan dahang inilagay ni mama ang contact lenses sa mga mata ko at pagkatapos ay pinapikit nya muna ako. As usual, binanggit na naman nya ang mga salitang hindi ko naman naiintindihan.

"Pede ka nang magmulat ng mga mata mo anak" si Mama.

Minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko si mama  na nakangiti sa akin. Niyakap ko nalang si mama at hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you ma! Sige po, aalis na'ko, baka malate pako eh hehe"

"Sige anak, mag-iingat palagi ha?" si Mama.

Nginitian ko si mama sabay tango. Kinuha ko na ang bag ko sa kwarto ko at dumiretso na sa pintuan palabas.

"Good morning sunshine!" sabi ko nalang nang makita ko nanaman ang  araw na papalitaw pa lamang. Mas maganda sana kung pati buwan eh makikita ko, hays.

Tuluyan na'kong lumabas at nagsimula nang maglakad para pumasok sa school, walking distance lang naman eh, sayang pa kung mamamasahe pa'ko.

Anyways, here comes another boring day for Adrianne Smith!

And, yes... I am blind.

But, I'm not.


Love,
Ezekiel

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, EzekielWhere stories live. Discover now