Nasa isang resthouse yung buong pamilya namin, mga relatives at mga kaibigan namin. Dito kami nagcecelebrate ng Pasko taon-taon.
Sa ngayon, nasa pool kami ng mga pinsan ko. Tuwing Pasko at Bagong Taon lang kasi kami nagkakasama-sama. Naka dispatsya kasi kami sa buong mundo.
"Hoy Mikko! Musta America?"
"Ayos lang. Ang dami talagang magagandang babae dun." Sanay na kami diyan. Siya kasi pinaka playboy sa mga lalaki kong pinsan.
"Eh yung Japan? Musta naman, Hiro?"
"Wala pa ring pagbabago."
Nagkwentuhan lang sila nang nagkwentuhan. Ako? Nakatingin ako sa langit. Yung gusto ko kasi makita, nasa dagat. Pero hindi siya shokoy. Ewan ko ba dun. May pool naman, bakit ayaw niya? Dalawa pa nga eh.
"Tulala ka nanaman, ineng." Pagsita sakin ni Abril, joke. Ni April.
"Iniisip nanaman niyan si Noah."
"Lul! Manahimik nga kayo." Guilty ako kaya hindi ko itatanggi. Para saan pa? Alam naman nilang lahat na gusto ko yung gagong yun eh. Siya na lang ata talaga yung manhid na hindi nakakahalata.
"Brad, umamin ka na lang kasi. Dalawang taon mo ng kasama yung tao, hanggang ngayon, wala pa rin?" Makapagsalita si Rhod akala mo ako yung lalaki e no?
"Babae ako. I won't make the first move. Masyado akong maganda para gawin yun."
"Yan ang tunay na Salazar! Hahahahaha!" Pinagtawanan pa ako ni Brandon na sinundan ng lahat ng pinsan ko. Supportive 'no?
Nandito kami ngayon sa loob ng bahay. Kainan na kasi Noche Buena na. Mga pinsan ko? Ayun, halos magpatayan na para makakuha ng pagkain. Akala mo naman mauubusan sila. Ako naman, hinihintay ko silang matapos. Ayoko makisali sa gulo nila. Mga isip bata masyado.
"Greta! Ba't hindi ka pa kumakain?" Biglang umakbay sakin si Noah. Dapat nagh-hyperventilate na ako ngayon kung hindi lang ako sanay sakanya. Dalawang taon ko na siyang kilala. At sa dalawang taon na yun, lagi kaming magkasama. Nasa iisang office lang kasi kami. Magkatabi pa yung condo namin. Imposibleng hindi ako masanay sa presensya niya at hindi magkagusto sakanya. Ano po?
"Kita mo naman kasi sila. Kulang nalang magpatayan. Akala mo mauubusan." Sa sinabi ko, napatawa siya ng malakas. Ganyan naman yan lagi eh. Easy-go-lucky.
"Diyan ka lang. Ako na kukuha ng pagkain mo. Baka pumayat ka." Kumindat pa siya sakin bago umalis. Loko talaga. Sinundan ko siya ng tingin at napansin kong tinignan ako ng mga pinsan ko ng may nakakalokong tingin. Kung ano-ano nanaman iniisip ng mga yun. Hayy.
Pagkatapos namin kumain, may exchange gifts na magaganap. Ngayon pa lang kami magbubunutan kaya yung regalo dapat namin, unisex. Kaso wala akong dalang regalo. Lilibre ko na lang siguro sa susunod yung mabubunot ko.
"Guys, game na! Form a circle muna!" Parang bata talaga si Luke. Maypa form a circle-form a circle pang nalalaman. Ano kami, mga estudyante? Pero ginawa din naman namin. Bawal KJ dito.
Pagkabukas ko ng papel na kinuha ko, parang nagsisi agad ako. Si Noah nabunot ko. Ano naman ibibigay ko dun?
Nagbigayan sila ng regalo hanggang sa ako na. Ako naman, tinignan lang sila.
"Sino nabunot mo?" Tanong ni Tita Amanda.
"Si Noah po." Naghiyawan yung mga lalaki. Parang mga nanalo sa pustahan.
Since marami kami, malaki rin yung bilog. Si Noah, nasa kabilang side. Kaya kelangan ko talaga sumigaw. Mas matanda lang siya sakin ng isang taon pero never ko siyang tinawag na kuya. Kaso mukhang gagawin ko ngayon.
"Kuya! Yung Pamasko mo nga pala!-" bago ko pa matuloy yung sasabihin ko, nagsigawan nanaman yung mga lalaki.
"Aray ko pre!"
"Na-kuyazoned ka brad!"
"Okay lang yan!"
"I-bunsozoned mo rin!"
"Mga gago!" Sigaw ni Noah na tumatawa pa. Pero may tabang sa boses niya. Anyare dun? "Ano?"
"Wala akong regalo eh. Bibilhan na lang kita ng kahit anong gusto mo!"
"Pwede bang magrequest nalang?"
"Ayan na!"
"Alam na!"
"Kinikilig ako pre. Yieeee!"
"Sure. Ano yun?" Hinayaan ko na lang silang mag-asaran dun. Mga loko naman kasi talaga mga yun.
"Pwede bang yung regalong matatanggap ko mula sayo... yung maging girlfriend kita?"
"Omg!"
"Oo na yan!"
"Wag ka nang tumanggi!"
"Sa wakas!"
"Hindi na siya torpe!"
"Praise the Lord!"
Ako naman, namumula. Yung mga 'matatanda' - mga magulang namin at mga lolo at lola, mga nakangiti. Mga kinikilig din.
"Greta! Sagutin mo naman ako oh!" Nakalimutan kong mainipin nga palang tao si Noah. Maasar nga muna.
"Pwede bang iba na lang hingin mo?" Natahimik silang lahat. Mga nanlalaki yung mga mata. Sino ba naman kasi hindi magugulat? Alam nilang lahat na mahal ko siya tapos ganun?
"Ha ha. Sabi ko nga. Sabi kasi nila, gusto mo rin daw ako. Ako naman 'tong si uto-uto, naniwala at umasa. Ha ha ha. Sorry." Ngumiti pa siya. Pero halata mong malungkot. Nasobrahan na ba ako sa pangttrip ko?
Tumakbo ako papunta sakanya. "Uy, ano ka ba? Hindi mo naman kasi kelangan hingin sakin yun. Ibibigay ko naman sayo yun kung kelan mo gusto. Wag na malungkot :)"
"Ayun!"
"Magpapa-party ulit tayo!"
"Double celebration na tayo tuwing Pasko!"
"Dobleng handa!"
"Seryoso ka?" Hindi niya pinansin yung mga sinabi ng mga nasa paligid namin. Para bang, ako lang nakikita at naririnig niya.
"Hindi. Nangg-good time lang ako... ano ka ba."
"Yung totoo kasi!"
"Hahahaha oo nga. Ayaw mo?"
"Ako? Aayaw? Imposible yun." Nakangiti niyang sambit habang nakatitig sakin.
"Kiss na yan!" Sigaw nilang lahat. Natawa na lang ako.
"Kiss daw oh. Pagbibigyan ba natin?" Natatawang tanong niya.
"Why not?"
"Koishiteru :)"
Hinalikan niya ako sa labi ng matagal na nakalimutan kong nakapaligid nga pala samin mga pinsan ko, buong pamila namin, mga kaibigan namin.
YOU ARE READING
"Kuya!" One Shot Collection
Short StoryNote: Cringeworthy dahil pinilit ko yung mga kuya lines.
