Marami ring taong nasa labas, yung iba ay nagpapa ulan.

Maraming naglalaro sa ulan, di alintana ang kapahamakan hindi lang sa malakas na hangin pati narin sa sunod-sunod na pagkulog at pagkidlat.

Paglabas ng subdivision ay agad akong dumeretso sa sa 7/11.

Pagkatapos magpaload ay lumabas rin agad ako. Baka ginawin yung dalawang pusa sa balkonahe, nakalimutan kong ipasok.

Naglalakad ako pabalik ng magulat akong biglang may tumamang bola , sa payong ko. Dahilan para mabitawan ko 'yon.

Sabayan pa nang pagtalsik ng mga tubig sa kalsada sa aking damit.

Kitang kita ko ang mga taong may gawa nun.

"Huy pre lagot ka"

Inis kong tinignan yung grupo ng mga batang naglalaro.

Bumuntong hininga ako, pinulot yung bola at payong.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila.

Kita ko ang kaba sa mga mukha nila. Drinibble ko muna yung bola bago...




Ko inabot pabalik sa kanila.
Parang iba ang nasa isip nilang gagawin ko.

"Umuwi na kayo" sabay tinalikuran sila.

Tsch. Basa natong damit ko, kulay puti pa naman. Kitang kita yung dumi.

Pabalik na ako sa bahay ng matanaw ko ang isang lalaking walang saplot pang itaas, nakapaa habang sinasalo ang patak ng ulan na bumubuhos.

Sumisilip silip to na tila may hinahanap.

Dahan dahan kong tinungo ang harap ng bahay.

Nasa likod niya lang ako pinagmamasdan siya. Ano naman kaya kaylangan ng taong to.

(-.-)"

Pero di ko inaasahan ang pag atras niya habang nakaharap sa bahay.

Hindi nito inaasahan na may tao sa likuran niya. Kaya tulad ko ay na out of balance din siya.

Ang nakakainis ay nakasalampak ang katawan niya sa ibabaw ko. Ramdam ko na yung pagdikit ng mga tubig na umaagos sa daan, sa aking likuran.

"Shit, sorry" ringig kong sabi niya habang nakahiga sa akin. Alam mo yung nakasalpak ako sa daan tapos siya sa katawan ko.

Naramdaman ko ang mabilis niyang pag alis, kitang kita ko siya na inaayos ang sarili kahit pumapatak sa mga mata ko ang ulan.

Hindi ko narin hinintay na maglahad siya ng tulong, dahil ayaw ko. Tumayo ako mag isa.

Kita ko na dahan dahan niya akong tinignan.

Hindi niya inaasahan na ako ang makikita.

"Anong ginagawa mo dito?" matalim ko siyang tinitigan.

"Ahhhh ahhh" nagiisip pa ito ng palusot.

"Sinong hinahanap mo"

"Ikaw" mabilis na sagot niya. Pero sinimangutan ko lang siya. Nagdirediretso ako sa gate ng bahay. "Nagluto ako ng champorado, yung paborito mo"

Napatigil ako. Inis ko ulit siyang tinignan.

"Ano ba talagang kaylangan mo?"

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Where stories live. Discover now