The 65th Shopa

2.5K 159 29
                                    

DENNIS POV

Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ni maulee ng maghagis ng pipino si Carlito sa harapan niya. Pagkatapos nitong magtatalon ay tumakbo ito palayo sa stage.

Agad akong nagpaalam sa lahat at humingi narin ng paumanhin, pero nag-iwan ako ng masamang tingin kay Carlito. Agad kong sinundan si maulee na patakbo papalabas sa may Gym.

Sa may labasan sa gilid nitong loob ko nakitang lumabas si maulee kaya naman dun rin agad ako lumabas. At ayun nga nakita ko ang pusang takot na takot na tumatakbo, san kaya papunta yun?

Hindi gaano katulin ang takbo niya kaya nahahabol ko siya at napagmamasdan. Kakasunod ko sa kanya ay namalayan ko nalang na nandito kame sa makahoy na parte ng Agri.

Nataranta naman ako agad ng di na makita si maulee sa paligid. Asan na siya?

"Maulee?" tawag ko dito. "Meow..." pag-gaya ko pa sa kanya. Humanda talaga sakin yang Carlitong yan. "Maulee.. wag ka na matakot, andito na ako.. meowww"

"Meowww.."

Agad na kumilos ang mata ko para hanapin kung saan galing yung pag-ngiyaw. "Meoww.." sabi ko naman. Di ko kase masyado malaman kung saan galing yung tunog.

"Meoww.. Meoww.."

Parang galing sa taas yung boses ni maulee. Kaya naman tumingala ako, at laking gulat ko ng makita siya sa taas ng puno ng Chico na nandito lang sa harapan ko!

"Maulee.. anong gawa mo diyan?"

"Meoww.. meoww.."

"Nagtatago? Saan naman? Dun sa pipino?"

"Meowwwwwww"

"Anong ewan? Baba ka na dito dali.."

"Meoww.."

"Ha?! Marunong kang umakyat tapos di ka marunong bumaba!"

"Meowww.. Meoww.."

"Anong aakyat ako.. di ako marunong umakyat noh!"

"Meowww.."

'Eh di dun nalang daw siya..'

ABNORMAL RIN TONG PUSANG ITO.

"Mana ka talaga sa walang kwento mong amo.. Pareho kayo puro yabang, pero wala naman talagang ibubuga.." iritang sabi ko. "Gwapo nga.. pero mayabang tapos puro lang Tss.. Tss.. ang alam"

"Tss.."

<-O____O->

Napahawak nanaman ako sa kaliwang dibdib ko ng maramdaman ko yung pagtibok bigla ng pusong ito. Ito yung epekto tuwing nakikita ko siya o nararamdaman ang presensiya niya.

Isa lang ang ibig sabihin nito.

"Ang mahalaga gwapo.."

Ano na.. Dennis. Nga? Nga? Paano ko ba irerelaks tong sarili ko. Ipikit ang mata.. tapos ibablanko ang isipan.

Ulitin lang yun Dennis. Wag magpatalo sa kamisteryohan ng Lucario na yan. Na walang ibang ginawa kundi mangulo ng nararamdaman!

Okay tamang tong ginagawa ko, napapawi na yung kabog ng puso ko. Dahan dahan imulat ang mga mata, sabay ngiti na puno ng pagkahinahon!

GOSHHHH!

Bat ang lapit na ng mukha niya sa akin.

"Matagal tagal rin tayong di nagkita.."

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Where stories live. Discover now