Kabanata 44

796 58 10
                                    

Kabanata 44

Collapse

Parang kung sino akong santa sa suot kong satin na peignoir habang nakaupo sa malambot at malaking kama ng hotel room namin. Ang dalawa kong kamay ay nasa taas ng hita ko, pinaglalaruan ang mga 'yon na tila ba kabadong-kabado ako sa kung ano.

"Are you sure you're not going to the pool tonight?" ani Chamuel na papalapit sa 'kin.

His hair was damp from the shower. Nanuyo ang lalamunan ko nang lakbayin ng tingin ko ang katawan niya. He was only wearing sweatpants and nothing more. Kahit brief nga, mukhang wala. I could make out the shape of his shaft that's why I thought so.

Alas kuwatro y media na nang makarating kami rito kanina. I didn't realize that all the roaming around exhausted me until I laid on the bed. While Chamuel was busy with his cold shower, I was sleeping soundly by myself.

Nang magising ako ay alas siyete na at wala na akong ganang maligo sa pool. Chamuel wasn't inside the room so I took the chance to bathe and change into my nightclothes. Nang bumalik siya ay nalaman kong galing pala siyang gym at nag-ehersisyo. Thus, he took his third cold shower of the day.

"No, Cham. I'll, uh, take a rain check today. Tinatamad din kasi ako... baka... bukas... W-what are you doing?"

I leaned back inch by inch because he angled himself towards me. Nalalanghap ko ang pinaghalong mamahaling pabango at sabon mula sa kaniya. Naitukod ko na ang siko ko sa kama at kaonting distansya nalang at hihiga na ako roon. My spinal cord throbbed at the exhausting position as I dangled my feet over the edge of the bed.

"Hmm," he sensually hummed.

May pilyong ngiting sumilay sa labi niya na siya namang nagpakalabog sa puso ko.

"W-we can't..."

"Why not?" ngisi niya.

"Chamuel, a-ano ba kasing gagawin mo?"

Pulang-pula ang pisngi ko. I spotted his arm stretching out over me. Kapagkuwa'y dahan-dahan siyang umatras at umayos ng tayo. Nagsalubong ang kilay ko, tuliro sa kung ano ang nangyari ngayon-ngayon lang.

Itinaas niya ang kamay niyang may hawak na remote control ng TV. I lagged for a bit but gasped right away when I realized what happened.

Dinampot niya 'yung remote! He wasn't planning on doing things to me!

"I want to watch a movie, babe. Ba't namumula ka?" tudyo niya.

Gusto ko nalang na lamunin ng lupa sa oras ding 'yon. From my sloping position, I pulled myself up and settled properly on top of the bed. Halos pudpurin ko na ang labi ko sa kakakagat dito.

Damn. That was so embarrassing!

Ano bang laman ng utak ko at ibang makamundong bagay agad ang namutawi rito? But it's his fault, too! He teased me with his provocative gesture and sultry gaze!

"Huwag mo akong kausapin!" singhal ko sa kaniya.

Tumayo ako at nilagpasan na siya ngunit nakaka-ilang hakbang palang ako'y binalot niya na ako ng yakap mula sa likod. I could hear his chuckles against my ear and I knew I wasn't supposed to compare him to any heavenly things anymore but hearing his gruff little laughs made me want to associate his voice with an angel's tune.

"Biro lang, Tace," masuyo niyang saad. He buried his face on the crook of my neck. "What should we have for dinner? Hm, I want wine."

Umirap ako. "Wine?"

"Uh-huh."

"Ba't naman? Are you having any trouble sleeping?"

"Yes, and it's honestly your fault."

Tale as Old as Time (La Fortuna Series #1)Where stories live. Discover now