1

24 6 0
                                    

Halos hindi ako makahinga sa soot kong bigay na damit ni Crizel, bestfriend ko. Hapit na hapit! Tsk.

16th birthday niya ngayon pero ang theme, akala mo debut na. Hindi dapat ako pupunta dahil una sa lahat ayokong mag soot ng mga gantong damit, pangalawa ayoko sa matataong lugar at pangatlo yung una!

'Ang anak ko... dalaga na!' kalahati palang ng hagdan ay yan ang salubong ni mama sakin sabay picture.

Nakangiti sa gilid niya si papa, ngumiti ako sa kanila.

'Sigurado kabang ayaw mo mag pahatid?' nakangiting tanong ni papa

'Pa, naman!syempre gustokooo! kaya nga lang ay nag prisinta na si Crizel na siya na lang para nga naman hindi na kayo maabala.' sabi ko sa malambing na tono

'Osya,tama na ang drama .Ngayon lang nag damit ng ganyan ang anak natin' ani ni mama kay papa 'mag pose kayong mag ama at ipopost ko sa fb ng makita ng mga tita mo.' kayaga ng sinabi ay nag pose kami ni papa

'Ellieeeeeeeeeeeeeee!' sigaw ni Crizel sa may gate namin

'Ayan na pala si Crizel,tara na.' yaya ni mama. Habang papalabas ng bahay ay nagsalita ulit siya 'Anak yung mga bilin ko ha? Umayos ka pag uupo baka ikay masilipan.' hinatid ako ni mama at papa sa may gate at hinabilin ako kay Crizel na akala mo ang bait bait, char.

Pagpasok namin sa kotse nila ay hinampas niya agad ang kanang braso ko.

'Aray naman punyeta!' mahinang daing ko sa kanya dahil baka marinig kami ni manong Robert na driver nila.

Nagulat ako nang pinasadahan niya ang legs ko gamit ang palad niya. Tinapik ko yon.

'Tss manyak!inggit ka nanaman sa long legs ko.' asik ko sa kanya

'Lol. Ilang guhit lang naman tanggkad mo sakin, yabang mo.' tinapik ko ang balikat niya

'Ayos lang yan pre, mas malaki naman yang iyo kesa sakin.' pinisil ko ang kaliwang dibdib niya

'Well ganun talaga par, hindi pwedeng lahat iyo.' natawa kaming pareho sa batian namin.

'Ay nga pala nag dm sakin si Ruzell, kasama niya mga tropa niya pati yung isa niyang kapatid. Ipapakilala niya ko omg!!!!!!!' mahina pa siyang tumili habang pisil pisil ang braso ko sa kilig.

Tinanggal ko yon at pilit na inilagay sa bunganga niya.

'Ang panget mo tanga, tumigil kana mukha kang nangamatis.'

Napahinto siya sa pag iimagine at patanong na tumingin sakin.

'Nangamatis? Diba sa ano yon-'

'Ehem.' putol sa kanya ni Manong Robert

Tatawa tawa ako samantalang nagtikom naman si Crizel.

'Si Ellie po kasi.' sumbong niya

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa subdivision kung san nakatira 'tong bruhang 'to.

Habang papalapit kami sa bahay nila ay makikita na agad ang mga nakaparadang sasakyan malapit dito, malamang ay mga bisita nila.

'Mukhang madami kang bisita.' ani ko habang nakatingin sa mga sasakyan na naaaninag di kalayuan.

'Lagi naman, ngayon mo lang nalaman kasi ngayon ka lang naman pumunta.' sagot niya

Bumaling ako sa kanya na ngayon ay nakahalukipkip na sakin.

'Kilala mo naman ba lahat?' nagkibit balikat siya

'Karamihan schoolmates natin, yung iba kamag anak ko pero hindi ko ganun kaclose kasi-'

'Kaugali mo.' dugtong ko

'Hindi ah! Mas masama ugali nila no!' natawa ako sa reaksyon niyang mukhang tanga.

'Yung iba jan kakilala na nila mommy at daddy, business chuchu.' una siya pinagbuksan ng pinto ni Manong Robert at inalalayan pababa.

Napairap ako sabay lihim na nangiti, palibhasa nag iisang babae sa magkakapatid kaya buhay prinsesa, hindi alam ng pamilya niya na ang prinsesang akala nila ay ubod ng ingay, lantod at kabobohan. Lol jk hehe.

Bago kami pumasok sa gate nila ay hinila ko ang wrist niya sabay lagay nung bracelet na kagaya ng akin. Pagkatapos ay padabog ko iyong binitawan at inunahan siya mag lakad.

Ng hindi ko maramdaman ang pagsunod niya ay tumigil ako at humarap sa kanya para lang maabutan ko ang flash galing sa cellphone niya.

'Putcha naman par' pipikit pikit kong reklamo

Naramdaman ko ang pagakbay niya sakin.

'Lamat par! Tara na sa loob!'

Pagbukas ng malaking pinto nila ay sinalubong siya nang kanta ng mga bisita niya. Pilit kong tinatanggal ang pagkakaakbay niya sakin pero ayaw niyang magpaawat.

Ang dating tuloy parang dalawa kaming may birthday.

'Happy birthday to youuuuu!' sabay-sabay nilang sabi at nag paulan ng confetti.

Lumapit ang Mommy at Daddy niyana may dalang cake kaya natanggal ang kamay niya sakin. Hay salamat.

'Make a wish baby!' wika ni tita Criza, mommy niya. Pumikit si Crizel at pinagsaklob ang palad sabay hinipan ang kandila.

'Happy birthday, my princess!' bati ng Daddy siya at tsaka siya niyakap.

Nilabas ko ang cellphone ko at tsaka sila pinicturan. Such a perfect moment for them.

Pagkatapos ay nag puntahan na ang mga tao sa likod ng bahay nila kung san ang poolside para sa kainan.

Hindi ako na out of place dahil kay Crizen. Lagi niya kong kasama at pinapakilala sa mga tao don. Tsaka niya pinapasalamatan ang mga 'to sa pagpunta.

Kagaya ng sinabi niya kanina ay marami ngang pamilyar na mukha akong nakita dahil nakikita ko ang mga 'to sa school.

Tumunog ang cellphone ni Crizen at tinignan yon saglit, sabay baling sakin.

'Nasa gate na sila. Lets go.' hinila niya ko patungo don at nagpatianod naman ako.

----------
^-^

The Honest Pretty LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon