"Ma'am heto na po ang gamot ninyo" binigay ni Nurse Aya sa kanya ang mga gamot na dapat niyang inumin.
"Salamat!" pilit ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Nakangiting tumango ito sa kanya bakas ang nagbabantang pagbagsak ng mga luha nito.
"Huwag mo akong kaawaan Aya, I may live a lonely life but these past few weeks are the happiest I've been" aniya.
"Ma'am C-carina!" naluluhang usal nito.
"Salamat Aya for staying beside me all this time, for looking after me" inabot niya ang mga kamay nito at masuyong hinaplos.
"Salamat sa pagkakakaibigang binigay mo sa akin" naiiyak niya wika sa dalaga.
"Salamat din po ma'am" usal nito.
Hawak hawak niya ang mga sulat para sa mga taong mahalaga sa kanya.
Kunting panahon na lang ang meron siya, sa pamamagitan ng mga sulat na para sa mga taong mahal niya ay magawa niyang makalaya sa lahat ng sa akin at pighating kanyang dinanas.
Nanghihinang isa't isang isinilid niya sa sobre ang mga liham. Maya maya ay kanyang niyakap ang mga ito at lumuluhang tinanaw niya ang malawak na karagatan. Kasabay ng pagpatak ng kanya mga luha ang paghampas ng mga nag-aaburutong alon.
YOU ARE READING
Carina's Letters
RomanceCompilation of Carina's Letters from De Silva 1: The Love of the Unloved (Kyle Aiden)
