Ang istoryang ito ay kathang isip lamang at walang kinalaman sa mga nangyayari ngayon.
PROLOGUE
Marikina, lugar na kung saan sagana sa mga produkto tulad ng damit, sapatos at iba pa. Karamihan sa mga tao doon ay naninirahan ng taimtim at mabuti.
"Bili kayo sapatos, mura lang, gawang Marikina" sabi ng lalaki habang nakaupo sa mababang silya.
"Damit po! Buy 1 take 1" sabi naman ng ale na nasa likod.
Araw-araw, napakadaming tao ang namamalagi sa lugar na iyon, umuwing maraming dalang pasalubong galing Marikina ang karamihan at ang iba naman ay namangha sa produktong pinoy. Ngunit lahat ng mga ito biglang nag-iba dahil sa pandemyang kumakalat ngayon sa mundo. Nagugutom at nahihirapan ang mga tao dahil sa Lockdown. Hindi sila makalabas ng kanilang mga bahay para magbenta at hindi na rin sila makakapagbukas ng kanilang paninda.
May isang pamilya, tatlo silang naninirahan sa kanilang bahay, isang Nanay at may dalawang napakagandang mga anak. Nagbago ang kanilang buhay dulot ng covid19. Namatay sa sakit ang kanyang dalawang anak dahil hindi sila makalabas ng bahay dahil hindi sila pinapayagan sapagkat wala silang quarantine pass. Kahit sino sa kapit bahay nila ay hindi sila tinutulungan at pinapabayaan dahil sa kaba na baka may Covid na sila.
Dahil sa pagkapatay ng kanyang mga anak, ang nanay ay nabuhay na may galit, isinumpa niya na mahihirapan ang mundo gaya sa nangyari sa kanila.
Pinatay niya ang ilaw at isinara ang mga pinto pati na rin ang mga bintana. Pinailaw niya ang tatlong maitim na kandila at inilagay sa ibabaw ng cross. Gamit ang isang lumang makina, pinatakan niya ito ng sarili niyang dugo at parang may sinasabi ang nanay na hindi maiintindihan na parang ritual. Sa gitna ng ritual, bumuhos ang malakas na ulan at malakas na hangin, kumukulog na rin sa paligid. Kumuha siya ng tela, ginupit ang mga ito para gumawa ng Face Mask. Dahan dahan niyang ginawa ang mga ito hanggang sa nakaabot na isang daan ang kanyang ginawa. Lahat ng mga iyon ay kulay itim at napakalinis ang pagkagawa.
Lumipas ang maraming oras, umaga na. Ang ginawa niyang face mask ay pinakuha niya sa kanyang kakilala na lalaki para ibenta.
Nagandahan ang lalaki at sinabihan niya ang nanay na ibenta niya ito online. Pinayagan naman ito hanggang sa nakalat sa buong Pilipinas ang kanyang face mask.
Lumipas ang ilang araw, nakita ng kapitbahay nila na nakatali na ang ulo ng nanay sa ibabaw at wala na itong buhay.
YOU ARE READING
Face Mask
HorrorMay nangyari sa isang lugar sa Pilipinas na tila parang nagkaroon ng zombie apocalypse. Nangyari ang ganitong pangyayari dahil sa isang shop na binilhan ni Min sa online. Kung sino man ang makakasuot nito ay mawawalan ng malay at ang mask lamang ang...
