Kalungkutan ang bumabalot sa akin
Dagdagan pa ng gabing malamin.
Walang makausap sa oras ng pighati,
Walang makita na liwanag tanging dilim ng gabi.
Hindi alam kung ano ang gagawin sa sarili.
Mga luha ko'y di mapawi pawi.
Pighati at kalungkutan ang yumayakap
Yakap na gustong makawala sa isang iglap.
Cellphone at headset kinuha sa bulsa.
Musika pinatugtog ng lungkot ay mawala.
Bawat nota at letra tagos sa pusong durog.
Kalungkutang bumabalot ang musika ako'y pinatulog.
Sa gitna ng kadiliman musika ang sandalan,
Sa katahimikan at kalungkutan ay panlaban.
Umiiyak man sa mensahing pinahiwatig,
Pinaparamdam naman nito na sa mundo mananatili ang pag-ibig.
Mahirap at nakakalungkot ang mag-isa.
Lalo't na kung walang sinuman ang handang damayan ka.
Ilabas ang cellphone at headset, patugtugin
Mga musika ang karamay sa gitna ng dilim.
YOU ARE READING
POEM COLLECTION
PoetryThis story is all about poem. I write this story depends on what I feel and what life is. In short this story base on my real life. I wrote this because this is the only way to lessen the pain, the lonelines and the things that I can't share to some...
