DISCLAIMER]
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events/incidents are either product of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events are purely coincidental.
****
Dear Mama,
Nandito po ako sa kotse at pinagmamasdan kayong binibisita ang kambal ko. Ayoko pong sumama kasi po alam kong mas lalo po kayong magagalit sa akin. Ayoko pong madagdagan ang lungkot at sakit na nararamdaman niyo kasi po ako ang dahilan kung bakit napunta si Yssa sa Cemetery, dahil po sa manika ko kaya siya nabangga.
Mama, ano po pala ang ibig sabihin ng "Cemetery"? Ano po bang ginagawa ni Yssa doon? Hindi po ba yun magandang lugar? Nagpapagaling po ba siya doon?
Sorry po mama, tahan na po, huwag na po kayong umiyak.
Pagbalik niyo sa kotse ay hindi niyo po ako pinansin para pong hindi niyo ako nakikita. Naiintindihan ko po. Mula nung napunta si Yssa sa lugar na yun ay hindi niyo na po ako kinikibo. Iyon po ang dahilan kaya lagi akong nakakulong sa aking kuwarto.
Ako po ito ang anak niyo, si Yna.
STAI LEGGENDO
Dear Mama
Storie breviSabi nila wala raw makakapantay sa pagmamahal ng isang ina. Lahat daw ng ina mahal ang kanilang anak. Lahat nga ba?
