Ashanti Lea

39 3 0
                                        


This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.

Any resemblance to actual persons, dead or alive, or actual events are purely coincidental.

Plagarism is a crime.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hey, Ashanti, are you ready?" Tanong ng aking matalik na kaibigan na si Zaira mula sa baba.

"Oo, sandali lang. May kukunin lang ako," tugon ko at kinuha na ang aking polaroid na nasa kama.

Napagplanuhan namin ng mga kaibigan ko na pumunta sa amusement park para i-celebrate ang birthday ko ngayon. Kasi naman, 'di sila makapag-hintay bukas, eh aalis din naman kami para pumunta sa beach. Pagkatapos ko makuha 'yung polaroid ko ay nilagay ko na 'to sa bag at bumaba na sa aming hagdan. Nakita ko na ang mga naghihintay sa 'kin sa baba- ang mga naiinip ko'ng kaibigan na sina Zaira at Archer.

"Oh, ano? Sure ka na ba na okay na? Sa tagal mo ba naman mag-ayos ay nalate na tayo," naiiling na wika ni Archer.

"Ah oo, alis na tayo," sabi ko at nagpaalam na kay mama na nasa kusina at nagb-bake ng cookies.

Nang makapasok na kaming tatlo sa sasakyan ni Arch ay sinimulan na niya itong paandarin. Dahil medyo malayo-layo ang pupuntahan namin ay nagpatugtog nalang ng music si Arch para naman 'di kami ma-boring.

"Hoy, guys! Excited na 'ko bukas! Parang gusto ko na 'wag na umuwi. Dumiretso na lang tayo ng alis, 'di na talaga ako makapag-hintayyy," ani Zai.

"Oo nga, ako rin eh. Halos lahat ng gamit na dadalhin ko bukas, naka-ayos na simula kanina, pati na rin ang mga pagkain na dadalhin ko," sabi ni Arch. Hays, ako na lang 'ata ang 'di pa prepared para bukas. Pa'no naman kasi, kagabi lang nila sinabi sa 'kin, saka tinatamad pa kasi ako mag-ayos eh. Baka mamayang gabi na lang.

"Na-eexcite na rin ako kaso 'di pa ako nakakapag-ayos. Bakit ba kasi kahapon niyo pa lang sinabi, eh last week niyo pa pala pinagplanuhan?" Tanong ko.

"Eh kasi naman, para surprise. Saka okay lang yan, kung gusto mo tulungan ka pa namin. Naka-booked naman na kami 'roon sa resort na pag s-stay-an na'tin. 'Yung mga food, kami na rin bahala, 'yung mga gamit mo na lang ang need mo na ayusin," tuloy-tuloy na sabi ni Zai. Well, okay naman na 'yun, at least di na namin kailangan pa mag-book.

"Ah, ganoon ba? Ako na lang ang mag-aayos ng gamit ko. Baka kasi pag tinulungan niyo ako, mas lalo pa akong matagalan dahil sa mga kwento niyo," sabi ko at tumawa. Everytime kasi na may ginagawa kami na magkakasama, madalas kami na mag-kwentuhan hanggang sa 'di na namin natatapos 'yung ginagawa namin.

Ilang minuto pa lang ang nakalipas at naging maingay kami dahil sinasabayan namin ang kanta at dahil na rin sa kakulitan ni Zai. Natigil ako sa pagkanta nang mag-beep 'yung phone ko sa bag, meaning may nag-text. Nang tinignan ko, si Kaiden lang pala, tinatanong kung nakaalis na ba kami. Sasagutin ko na sana nang bigla siyang tumawag. Hays, sayang sa load. Kaya para 'di naman masayang 'yun kakatawag sa 'kin ay sinagot ko na.

"Ash, nasaan na kayo? I'm here na sa may entrance."

"Ah, malapit naman na kami. Kung gusto mo, mauna ka na pumasok at susunod na lang kami."

"Ganoon ba? Sige, hihintayin ko na lang kayo rito sa may entrance. Malapit naman na kayo e."

"Okay. Uhm, kita nalang tayo jan."

"Sige, beb. Ingat."

Pagkatapos ay nag-end na ang call namin, sakto naman na andito na kami. Mula rito sa pwesto ko ay kitang-kita ko si Kaiden na hawak ang kaniyang cellphone at palinga-linga sa paligid na animo'y may hinahanap. Nag-park lang saglit si Arch at saka kami bumaba. Lumapit na kami kay Kai na agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.

MelancholyWhere stories live. Discover now