Kasalukuyan akong masayang naghihintay ng tawag mula sa kanya noong araw na iyon...
*Kringgg---*
"Hello bebs? Ano na? Miss na kita... Saan ka ba pumunta ha? Kanina pa kita hinihintay tumawag eh" May pananabik kong pagsagot sa tawag.
Agad ko itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag kasi alam ko na wala naman ibang tatawag sa akin sa oras na iyon kung hindi sya lang...
"...."
Sa dami kong sinabi ni walang sumasagot sa kabilang linya kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag pero pangalan naman nya ang nandoon.
"Hello bebs? Huy bakit ang tahimik mo jan? Ano na naman ba trip mo? hahaha..." Pilit akong tumawa kahit kinakabahan na ako.
"Ate..." Sagot sa kabilang linya
"Oh Railey! Bakit ikaw ang sumagot ng phone? Nasaan sya?" Tanong ko kay Railey
"Ate... *Sniff*" Muling pagtawag sakin ni railey sa phone pero ngayon ay dinig ko na ang pagiyak nito
*tug*
*dug*
*tug*
*dug*
Mas lalo akong kinabahan nung narinig ko ang pagsingot ni railey sa phone
"Railey? Bakit ka umiiyak? Nasan ka? pupuntahan kita"
"Ate nasa WC Hospital po ako"
"O sige jan ka lang ah pupuntahan kita"
"Ate bilis" humahagulgol na si Railey habang pinagmamadali na ako... Sinasabi ko na nga ba!
Agad ko ng pinatay ang tawag at kinuha ang susi ng sasakyan ko papunta ng WC Hospital..
*VRROOOMMM*
Wala na akong pake kung sobrang bilis na ng takbo ng sasakyan ko basta makarating na agad ako sa paroroonan ko.
Bakit ba kasi ang layo ng WC Hospital na yan pucha! Please bebs wag muna nagmamakaawa ako sayo... papunta na ako hinatayin mo lang ako please...
Maluha luha na ako habang nagmamaneho at nakarating din ako sa hospital. Dali dali akong nagpunta sa reception para tanungin ang pangalan nya kung saan ba ang room nito pero bago pa lamang ako makapag tanong ay natanaw ng aking mga mata si Railey na nakaupo sa labas ng isang kwarto kaya agad ko itong pinuntahan.
Bakas sa mukha nito na kakagaling lang nito sa pagiyak pero pinilit parin nyang ngumiti
"Nasan sya?" Tanong ko sa kanya pero iling lang ang sinagot sa akin nito. Nagsibagsakan ang aking mga luha na kanina pa nag babadya tumulo.
"Niloloko nyo na naman ako eh hahaha... Railey nasan sya?"
Tinuro ni Railey ang pinto na nasa harapan nya at nilingon ko naman ito.
Room 010
Ang bawat paghakbang ko papalapit sa pintong iyon ay tila ba kay bigat. Ramdam na ramdam ko ang aking puso na parang gustong kumawala sa dibdib ko. Pagkarating ko sa harapan ng pinto ay naririnig ko na ang ingay mula sa silid na iyon na mas kinasikip ng dibdib ko.
*CLACK*
Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang nagsisiiyakan na mga tao sa harap ng hospital bed.
"No..."
Dali dali akong pumunta sa kama na iyon at nakita ko ang mukha nya na nakapikit na tila ba natutulog lang..
"Huy bebs gising na jan nandito na ako oh" Umiiyak na pag gising ko dito
"Iha.." Tawag sakin ng mama nya kaya tumingin ako dito at nakita kong umiiyak sya katulad ng mga taong nasa silid na ito. Umiling sya sa akin katulad ng pag iling ni Railey kanina
"Wala na sya..."
"Hahaha no tita he's just sleeping look oh! He's still lying in the bed... Bebs gising ka na jan di na nakakatuwa"
Hindi ko matanggap na wala na sya kasi parang kahapon lang magkausap kami... masaya pa kami kahapon ah bakit naman nagkaganito...
"Bebs please wake up... Ang daya mo naman eh kausap palang kita kahapon diba? Ano na naman ba ito ha? Di mo man lang ako hinintay... Please wag mo akong iwan... Please!"
Nagmamakaawa ako sa kanya na gumising na sya pero wala akong nakuhang sagot mula dito. Humagulgol ako habang yakap yakap ang katawan nya.
"Iha para sayo" May inaabot si tita na sobre na kulay puti sa akin ngunit hindi ko ito tinanggap. Hinawakan ko ang mukha ni bebs at patuloy na umiyak nagbabakasakali na tigilan na nila ang pangtritrip sa akin pero mukhang hindi mangyayare yun dahil totoo ang nangyayareng ito.
"Bebs please... wag naman ganito oh... Please wag mo akong iwan... Paano na magulang mo mo? Paano na yung kapatid mo? Yung mga kaibigan mo?... Paano na ako? Bebs paano na ako mabubuhay nito kung wala ka na? Kaya bebs please... Nagmamakaawa ako bumalik ka na sa amin"
Wala parin nangyayare...
Tumayo ako mula sa pagkakayakap sa katawan nya, pinunasan ko ang aking mga luha at nag lakad palabas ng pinto.
"Haruki saan ka pupunta?"
"Haruki!"
"Iha..."
Tawag nila sa akin pero di ko sila pinapansin...
May humawak sa aking braso para pigilan ako sa aking pag alis kaya nilingon ko ito. Sa aking paglingon ay tumambad sa akin ang naka kunot na noo ng aking nakakatandang kapatid.
"You're not going anywhere lil sis" maautoridad sa utos sakin ni kuya Raymond. Iniwaksi ko ang kamay nito na nakahawak sa akin at tiningnan ito sa mata na nagmamakaawa.
"Kuya please... Gusto ko tanggalin yung sakit... Ayoko ng nararamdaman ko dito" Sabay turo sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso.
Pagkasabi ko nito ay agad akong tumakbo papalabas ng hospital. Lingid sa aking kaalaman hinabol ako ng mga kaibigan ko na nasa loob kanina ng silid na iyon kasama ang aking kuya. Walang makakapigil sa akin. Sumakay ako ng sasakyan ko at pinagtakbo ito ng sobrang bilis
Gusto kong mapag isa...
Gusto kong magwala...
Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nasa dibdib ko..
Gusto ko ng mawala...
Habang nagmamaneho ay naka kita ako ng truck na nasa malayo naka park sa tabi. May pumasok sa isip ko na masamang bagay kaya napa ngiti ako sa na isip kong ito. Mas pinabilis ko pa ang takbo ng sasakyan ko at ng malapit na ako sa truck na iyon...
"I love you bebs"
*CRASHHHH---*
|||||||||||||||||||||||||||||||
A/n:
Greetings humans! Unang story ko toh kaya pagpasensyahan nyo na kung ganito lang sya hahaha. I hope magustuhan nyo kahit papano... Byee sa susunod ulit Huehuehue
(人*'∀`)。*゚+
