Chap. 4: Si Crush...!

311 7 6
                                    

 Hahaha ano ba yan...dapat paliisipan kung sino ang amgiging crush ni Mikaella eh pero mukhang nadulas ako...  Si REN po yung crush ni Mikaellla..

        Naisip ko lang na kwento ko ito kaya dapat ako ang magkukuento sa inyo...  Idedescribe ko ulit ang sarili ko...

        Ako si Mikaella Peralta, Mika for short nalang, speaking of short maliit po talaga ako.  Mga 4''9 siguro...  Alam ko pong walang bobo sa mundo, katangahan lang ang meron pero sorry to say na ang dalawang yun ay meron ako...  Lagi nga pala akong nakatirintas na nagmumukha talaga saking bobo...  Nabnggit na siguro na may 100,000,000 M akong utang na minana ko pa sa mama ko, kaya ako nagtatrabaho n kaagad...

        Hwebes ngayon kaya isang araw ako ulit magtatrabaho at hindi papasok...  Pero mamayang 7:00 am pa yun...  Sa ngayon ay sasama muna ako sa biyahe ni papa...  Katabi niya ako sa driver seat at ako ang taga-abot ng sukli...

         '' Tumataas na ba ang mga grades mo..??'' tanong ni Papa

         Napakamot ako sa ulo "Hindi ko pa po nakukuha ang card ko " alibi ko

        '' Pero sabi sa'kin ni Nanay Berta na nagkuhaan na ng card......"

      Napalunok ako " Nahihirapan po kaisng magbigay ng grades ang mga teachers sa section namin....."

    Kahit na ang totoo, kaya hindi pa ibinibigay ng adviser namin ang card ko ay dahil halos lahat ng subject ko ay blangko...

       "Ganun ba...??? Pero kapag ibinigay na sa iyo ang card mo ay ipakita mo naman sa'kin..."

       "Si papa naman eh... alam niyo naman pong bagsak na grades lang ang makikita niyo...." nakanguso kong sabi

       "Basta may makikita akong grades, ayos lang kung bagsak o hindi..." napangiti si papa

      " Pero siguro Pa, noong kabataan niyo, bagsak na grades din ang pinapakita niyo kay Lolo..." pang-aasar ko sa kanya

      "Naku...! Proud na proud ang lolo mo sa'kin, honor student yata tong Papa mo...." pagmamalaki niya

      "Eh...kung hindi po kayo...  Baka si Mama ang mahina ang utak..." inilagay ko ang hintuturong daliri sa sintido ko na parang nag-iisip

     "Matalino ang mama mo...  Yun nga ang nagustuhan ko sa kanya eh..." nakaramdam ako ng kilig factor sa tono ng pananalita ni Papa

      "Paano kaya yun...???  Hindi po ako nagmana sa inyong dalawa...  Imposible namang ampon ako..."

     "Mahina rin naman ang utak ko eh...Dahil ang mama mo ang pinili ko" malungkot na ang boses nito

     "Pa....!" saway ko sa kanya

    "Nagbibiro lang" sabay tawa

        Natawa na rin ako...  Alam kong masakit parin sa kanya ng iwan kami ni Mama., pero pinapakita lang niyang matapang siya...Kaya ako, magiging matapang rin ako...  Gagawin ko ang lahat para mabayaran ang 100,000,000 M...

      Sa gitna ng pag-iisip ko, n amataan ko ang isang lalaki...  Correction, isang super-duper gwapong lalaki sa may gilid ng kalsadas...  Tumingin muna ako sa salamin , inayos ng kaunti ang tirintas kong buhok (pero wala paring namang pagbabago) at inamoy ang pabango kong isang patak...

     "Pa may pasahero po dun" saby turo sa kanya

   Itinigil ni Papa ang jeep sa may gilid ng kalsada...  Naglakad ang gwapong lalaki at umupo sa tabi ko sa may driver seat...  As always, doon talaga ang paborito nyang inuupuan para deretso sa babaan...

      Mula sa side mirror ay nakikita kong nakatingin din ang mga kabataang babae  sa katabi kong lalaki...  Malas lang nila at ako ang nakatabi niya...

     Pasimple ko siyang inamoy at ang bango-bango pa rin niya...

     " Bayad...!" nagulat ako ng bigla siyang magsalita

     "Huh...??" nakanganga kong tanong

     "Bayad ko..." sabay abot ng pera

    " Ahahaha ok..." pahiya ako dun ah

        Kaya yun may nginig effect pa ng abutin ko ang bente pesos na bayad niya...   Kung pwede lang na wag ka ng magbayad pero kailangan mo talaga...  At ng mahawakan ko ang kaliwang kamay niya, amg lambot lambot pa rin...

       Nagmadali akong kumuha ng sukli para mahawakan ko ulit ang kamay niya...

       Ang sarap niyang titigan pero syempre pasimple ko lang ginagawa yun...  Ang puti-puti kasi niya, medyo singkit ang mga mata, matangkad at mapupula ang mga labi...   Artistahin ang dating pero napansin ko lang na hindi siya ngumingiti...  Tuwing sumasakay kasi siya ay lagi na lang seryoso ang mukha niya at parating malayo ang iniisip...

     "Bayad po, Apat.." sabi ng nasa likurang pasahero

       Kahit na medyo nahihipnotize ako sa gwapong lalaki eh...nagawa ko pa ring marinig ang pasaherong nagbabayad...   Nang makuha ko na ang bayad ay nagbilang na ako ng ng sukli para sa 100 pesos...   Pero napatigil ako dahil hindi ko alam kung magkano ang isusukli...

        "68...!" nagulat na naman ako dahil biglang nagsalita ang gwapong lalaki

      "Huh...!??" napanganga na naman ako

    "68 ang sukli..." medyo inis na sabi niya

      "Ah...salamat uli...." tanga ko talaga...  nagbilang na kaagad ako ng 68 pesos at iniabot sa pasahero

      " Sobra po ng limang peso...." sabi ulit ng pasahero...   Sabay abot sakin ang limang peso

       Ano ba yan...???  Ang tanga-tanga ko talaga...  Pasimpleng natawa si Papa pero ang  gwapong lalaki sa tabi ko ay seryoso parin ang mukha...perook lang naman na mapahiya ako dahil sanay narin anaman ako...

       Bumaba na ang gwapong lalaki at sa pagkaka-alam ko na may malapit na magandang private school sa binababaan niya...  Kaya lang kung mayaman siya, Bakit sa Jeep lang siya sumasakay...???

      7:00 am... Bumaba na ako sa tapat ng school at hinintay ko munang makalayo ang jeep ni Papa bago kumaripas ng takbo papunta sa fast food na pinagtatrabauhan ko...

   Kinagabihan ng araw na yun...  Nasa gasoline station ako...  Nasakto sa'kin ang isang magarang kotse na walang bubong...  Habang sinasalinan ko ng gas ang kotse ay nakita ko kung sino ang nakaupo sa likuran..  Yung gwapong lalaki na sumasakay sa jeep namin...  Siguro talagang mayan siya...???

Editing: Dont Read...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon