My Summer Festival

57 5 2
                                    

Summer 2010,

Just graduated at Elementary level

6:30 PM na nung makauwi si mama galing sa palengke dahil may pwesto kami sa palengke.

"Liana, may sinabi pala sakin si ate Cath mo, baka gusto mo daw sumali sa cheer dance dun sa Raniag High School(Public)" bungad na sabi niya sakin.

Ako naman hindi ko alam ang sasabihin ko kasi di naman kami masyadong close nun.

"Ano gusto mo ba sumali? Mabuti na yun dahil dun ka din naman na mag h-high school" dag dag pa niya

Sa isip ko paano na yung mga classmate ko sa central, nakapag fill up pa naman na kami para mag enroll sa la salette (Private school), sanabi ko na rin sa kila mama yun bago mag bakasyon, pero sabi ni papa ayaw na daw niya dun, kahit pa na alma mater nya yun, basta ayaw daw niya.

Mag sasalita na sana ako pero biglang umeksena si ate sherry "lianaaaa!" Tawag sakin ng pinsan ko.

"Bakit ate?"

"Gusto mo sumali sa cheer dance? Nag hahanap pa kasi kami ng members, kulang pa kasi at tsaka ok na daw yung mga incoming 1st year"

Bungad niya sakin pero nilagpasan din niya ako at pinuntahan si mama sa kusina

"Antie, isasali ko sa iana sa cheer dance"

*Iana (yanna, nickname ko)

"Tamang tamang sinabi din sakin ni chaterine, yung si baybado, sinasali din niya si iana" sagot naman ni mama.

Dancer kasi ako at nadiskubre namin yung grade 2 nung sumali ako sa star scout at need daw sumayaw, hanggang sa masali ako sa dance sport(Latin) nung grade 5 till grumaduate sa elem.  Kaya sinasali nila ako ngayon sa cheer dance.

Dahil kay insan, naging ok na din sakin na sumali at least may kaclose ako dun.

------------------

Dito kami sa community center ng raniag mag prapractice, may lilim kasi, dun din daw  talaga kasi sila nag prapractice kapag may ganitong event.

malapit na kasi ang fiesta dito sa bayan namin this coming june, ang bayan ng Ramon, ang festival namin dito is Tilapia Festival, kasi ang bayan namin ang Tilapia Capital Region, and the Home of Magat Dam and the biggest Dam of SouthEast asia.

Hindi nag tagal lahat ng dancer ay dumating na pati yung D.I. at kanya kanyang style ng warm up, dahil pinapatugtug nila ang gagamiting music namin sa cheer dance.

First time ko lang sumali sa cheer dance at may ilan din naman kagaya ko na mag hihigh school pa lang sumali na, at may 3 akong naging close sa kanila. Si Ella, si Paula at si Mariel.

Hindi ko akalain na makakasunod din pala ako sa ganun style ng pag sasayaw, ang daming steps, kailangan mabilis at kung ano ano pa.

Pero nagustuhan ko, masaya ako dahil sumali ako.

Pero kung minsan nahuhuli ako sa steps, kaya pinapaulit sakin mag isa yung mga steps. Haha

^.^

Dumating ang lunch at kanya kanyang labas ng baon, yung iba umuwi, yung iba sa karinderya kumain. Pero ako nakikisama ako kay insan na kasama naman niya mga classmate niya kaya nakilala ko sila, mag 3rd year na sila. Sabay sabay kumain at nag hihintay na mag 1 PM para ipag patuloy ang practice.

Pagdating ng 4PM dinismiss na kami nga mga teacher at D.I. at sinabing mag practice sa bahay, na habang kumakain isaulo ang mga steps, o kaya kahit anong ginagawa namin basta isaulo daw nag steps, pati na rin daw kapag nag c-CR kami. Haha

My Summer FestivalWhere stories live. Discover now