Sa madaling salita, napakaisip-bata niya para sa edad niya. Malayong-malayo sa may pagmakanyak niyang datingan noong una naming pagkikita.

Maingat kong sinalin sa plato ang niluto kong fish fillet para sa almusal ni sir Ryuu kasunod ang fried rice. Sinadya ko talaga sobrahan ang aking niluto dahil tulad ng lagi kong inaasahan ay dito na naman magaalmusal ang kumag na kanina pa sa akin nakadikit. Pilit kong iniignora ang presensya niya ngunit sa tuwing nagagawa ko yun ay tila napapansin niya at sinusubukan niya ulit akong guluhin.

"Hmm.. It actually tastes good." may patango-tango pa siyang nalalaman habang nginunguya ang isda na niluto ko. Hindi na sa akin bago ang kanyang sinabi dahil sa tuwing tinitikman niya ang luto ko ay palaging ganyan ang komento niya.

Tsk! Hindi man lang hinintay si sir Ryuu na dumating bago siya kumain. Hindi ba siya makapaghintay?

Muli akong tumungo sa kusina upang ipagtimpla naman ng kape si sir Ryuu at saktong pagbalik ko ay nakaupo na si sir Ryuu sa kabisera ng mesa. Inilapag ko sa tabi niya ang kape matapos ko siyang batiin para ngayong umaga. Bihis na bihis na ito at ang halimuyak niya ay nanuot sa aking pang-amoy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na makita ang aking amo sa ganitong kasuotan. Kahit ano naman kasi ang suotin niya ay bumabagay sa kanya at palaging nagsusumigaw ang kagwapuhan niyang taglay.

"Thanks for the coffee, Mark. Ang bait mo talaga." singit ni Tale nang makita akong may dalang tasa ng kape. Napataas ako ng isang kilay dahil sa sinabi niya. Ang akala niya ba ay para sa kanya ito? Asa siya.

"Para po kay sir Ryuu ito." tipid kong salungat sa kanya. Ayokong patulan ngayon ang kalokohan niya. Ayokong i-stress ang isip ko ngayong kasisimula pa lang ng araw ko.

"Oh! Mind, if you make me coffee, too." muli sana akong babalik sa kusina para rin ipagtimpla siya nang magsalita si sir Ryuu na tahimik kaninang nagsasalin ng sinangag sa kanyang plato.

"Do it yourself, Alfred. Join us, Mark." tumango na lang ako at sinimulang saluhan sila sa pagkain. Ito pa ang pinapasalamat ko dahil iniimbitahan ako ni sir Ryuu na sabayan siya sa pagkain. Samantala yung isa diyan, kulang na lang siya na ang magmay-ari nitong lugar sa sobra niyang pagiging feel at home.

Tahimik lang kaming lahat na kumakain nang binasag ito ni sir Ryuu.

"Mark." tawag nito sa pangalan ko.

"Sir?"

"Could you buy me groceries later? We're out of stock." inaasahan ko nang uutusan niya na akong mamili ng groceries dahil kahapon ay napansin kong paubos na rin ang supply dito sa penthouse niya. Kulang na rin ang gulay na pinakaimportante para sa pagkain niya.

"Okay po sir." nagpatuloy lang ako sa pagkain matapos ngunit agad ding nahinto dahil sa muling pagbasag ng katahimikan sa aming tatlo. Sa puntong 'to ay si sir Tale naman ang nagsalita.

"How about me? Wala ka bang iuutos sa akin?" napakunot ako ng noo sa muli niyang pakikisawsaw. Ganito ba talaga siya palagi? Ang walang magawa sa buhay? Hindi niya naman kailangang idepende kay sir Ryuu ang mga kailangan niyang gawin. Base kasi sa pagkakaalala ko ay mayaman din siya tulad ng amo ko. Diba dapat busy rin ito tulad ni sir Ryuu?

Tumayo na si sir Ryuu nang matapos siyang kumain. Napatingin ako sa digital clock sa aking unahan na nagsasabing malapit nang magalas-otso ng umaga. Kadalasan kasi ay ganitong oras siya pumapasok.

"Do whatever you want, Alfred. You don't need to ask me what to do with your life." matapos ay kinuha nito sa kanyang bulsa ang cellphone at may tinawagan. Paniguradong si sir Thrace yun.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now