Prologue

42 5 2
                                    

I'm just a normal college student. Na kung saan ang araw araw kong ginagawa ay parang isang boomerang paulit ulit. Gigising, kakain, liligo, papasok sa school, gagala kasama ang mga kaibigan, uuwe, tutulog. Magsisimula at matatapos ang araw ko ng ganyan. Wala ng bago.



At kung sa mga dapat na gawin at pagdesisisyunan sa buhay ko. Syempre di naman ako ganyan. Ako kasi yung tipo ng taong 'go with the flow lang'. Kaya na yun ng mundo, ni tadhana.



Normal naman ang lahat e. Maayos naman ako. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. Masaya naman ako e.



Pero nagbago ang lahat.  Nagising ako, ng di alam kung saan magsisimula kung ano gagawin. Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto, nag iisip, naguguluhan, nagtataka, nagtatanong na parang walang buhay. Naubos na ata ang dugong dumadaloy sa aking katawan. Ubos na ako. Di ko na alam kung saan magsisimula. Sa pakiramdam ko isa ako sa mga pinagkaitan ng mundo, niloko ng sarili kong tadhana at ng sarili ko mismo. Ang tangi ko lang alam hindi ako to. Malabo maging ako to.

At sa pagmulat ng mata ko sinampal ako ng katotohanan. Hindi lang ako sinampal parang nabugbog ako ng ilang beses. Sinira nya ako kasama ang tadhana ko, ang sarili ko, pag iisip ko. Gusto ko gumanti pero paano?Gusto ko magtanong 'Bakit ako?' .


Tanging tatlong salita na lang ang naiwan sa akin

'Acuerdate de mi'

Acuerdate De MiWhere stories live. Discover now