Prologue

13 0 0
                                    

Hawak ang bola ng nakahanap ng pwesto, bumwelo na ako tsaka pinakawalan ito sa ere.

"Guevarra for 3 points!"

Kasabay nuon ang pag tunog ng buzzer na nagkakahulugang tapos na ang laro. Tinignan ko ang score board at nakitang 91 - 103.

Panalo kami.

May dumayong school kaya nagkaroon ng laban. It's a basketball girls. Sa apat na school na meron dito sa district ay tatlo laang kaming school na naglalaban laban pag dating sa basketball girls.

"Nice game." Ani ko sabay lapit sa kabilang school para makipag kamay.

I am the captian ball kaya ako na din ang nangunguna sa pagkamay. Bumalik na kami sa bench para makuha ang kanya-kanyang inuman at tuwalya.

May mga tumatawag ngunit hindi na muna namin sila pinansin at kailangan na mag bihis, may klase pa after lunch break.

"Ang galing natin kanina ah." Untag ni Margo na katabi ko ngayon habang kinukuha ang varsity bag.

"Yeah. Nice game guys." Ani ko sa mga ka team na bumati din.

"Madali lang matalo ang mga yun. Ang Spartan ang mahirap kalabanin at malalakas din." Napatingin ako sa kateam na si Janna.

Totoo na ang Spartan ang matindi naming kalaban pag dating sa mga laro dahil malalakas at palaban ang mga ito.

"We can do this. Natalo nga natin sila last year eh." Cheer up ko sa mga kateam.

Nang nakuha na ang undergarments ay pumasok na ako sa shower room para makaligo at makakain na ng lunch.

Kasama ang mga kaibigan pabalik na kami sa klase dahil tapos na ang lunch break. Isang binder lang ang dala ko dahil nandun na lahat ng kailangang filler.

"Himala! Naka heels ka at naka necktie." Sabi ni Yuina na nakasabay ko sa paglalakad pa classroom.

Suot ko ang isang simple black ankle strap heels school shoes na si Mommy ang pumili.

"Si Mrs. Bacuz ang next subject teacher, kotang-kota na ako dun." Nakangiting ani ko sa kaibigan.

Madalas ako nitong nahuhuling hindi naka improper uniform kaya as much as possible pag ito ang subject teacher ay maayos ang suot ko.

Ito ang nag iisang terror na teachers dito sa campus kaya madalas takot ang mga estudyante sa kanya. Hindi naman ako natatakot na mapagalitan, natatakot akong ma call parent dahil hindi iyon gusto ng mommy.

"Ms. Guevarra.. See, you look beautiful and presentable when you're in complete uniform." May ngiti sa labing anito ng napansin ako dahil pagpasok namin sa back door ay pumasok din ito sa front door.

Nagsimula na itong mag turo habang ako ay pinipilit na nakikinig dahil masakit sa bangs ang general chemistry.

Dapat pre-calculus ang sunod na subject na mas masakit sa bangs ngunit wala ang teacher namin kaya may pinagawa laang na activity at pwede ng lumabas pagkatapos.

Last subject na iyon kaya nag kanya-kanya na kaming alis ng mga kaibigan ko dahil nandyan na ang sundo or may date sila.

Ako eh naglalakad papuntang canteen malapit duon naka park ang sasakyan ko. Papuntang canteen ay madadaanan mo muna ang administration office pag galing ka sa building ng senior high school.

Nakuha ang attention ko ang lalaki sa may registrar. Naka talikod ito pero base sa tindig at laki nitong ay mas matanda ito saakin.

Bumagal ang lakad ko dahil na curious ako dine, nang nalaglag ang isang kamay nito sa gilid ay nakita niyang naka silver green rolex submariner ito.

Mukang tapos na ito sa pakikipag usap dahil umatras ito at ngumiti bago bumaling para makaalis, sa pagbaling nito ay nagkatinginan kami.

Hindi ako sigurado kung tama ang kulay na mata niya na nakita ko dahil may kalayuan pero that eyes gives shivers into my spine. Mabilis akong nag iwas ng tingin bago naglakad na pa canteen.

Napatingin ako sa mga estudyante na napapatigil at parang kinikilig sa paglalakad habang nag bubulungan. Naglalakad ito sa pathway para makasilong sa init.

Lumapit siya sa isang kulay itim na old jeep wrangler. 

"Vintage." Ani ko sa sarili.

Nakakakita ako ng ganung sasakyan sa internet pero unang beses ko makakita sa personal dahil walang may ganung sasakyan dine sa lugar namin o kung napunta man kaming Manila. Bihira ako makakita.

Bago pumasok ang lalaki ay nilingon niya ako. Napakunot noo naman ako sa yamas ng dating niya.

Pumasok na din ako kay Ag, ang silver vios ko.

Nauna siya saakin kaya magkasunod ang sasakyan namin palabas ng school. Nakatuon ang mga mata ko sa sasakyan na nasa unahan.

Nang nasa may gate na ay nakatigil ito at mukang nag aantay mawalan ng nadaang sasakyan para makasingit.

Bumusina ito bago lumiko pa kaliwa samantalang ako ay pakanan dahil may taekwondo training pa ako.

Ang hangin ng lalaki na iyon ah. Dumiretso na ako sa training ko para makauwi na din ng maaga.

Sinalubong ako ni Agust ng makapasok ako ng bahay, may dala itong banana con yelo.

"Hi ate!" Ngumiti laang ako at ginulong ang buhok niya bago tumaas para makapag bihis dahil pagod ako.

Nagbubuklat ako ng mga homework para matapos na ako ng nakarinig akong katok.

"Thalia." It was mom.

Nang bumukas ang pinto ng kwarto ko ay ngumiti ako at napansin ko ang bowl na hawak niya.

"Gumawa akong banana con yelo. Paburito mo are diga?"

Duon dahan-dahan nawala ang ngiti ko. Inabot nita pa saakin ang bowl na hindi ko kinuha.

"Mom, si ate po ang may paburito niyan. Allergy ako sa milk."

Binalik ko ang mata ko sa mga notebook na nakahanda sa lamesa. I know naman na si ate ng paburito niya kaso nga lang ako ang naiwan sa kanya.

Tanggap ko naman iyon kaya hindi na lang din ako nag react pa lalo na at hindi ito ang unang beses na nalito si mommy.

"Thalia, binilhan kita ng mga dress. Halika dine at tignan mo." Masaya si mommy kaya hinayaan ko na laang siya na ipakita saakin ang mga damit na binili niya.

"Thank you, mommy."

I don't want to upset her kaya tinggap ko na lang at bumalik sa itaas.

Dumiretso ako sa katabing pintuan ng saakin. Dahan dahan kong binuksan iyon at ang pamilyar na amoy ay sinalubong ang ilong ko.

Mukang may nag spray na naman ng pabango ni ate sa loob ng kwarto.

Mabilis akong pumasok sa small walk in closet niya para ibaba duon ang paper bag na hawak.

"I know that this is for you." Ani ko bago tinabi iyon sa ilan pang paper bag na puro dress, make up at heels ang laman.

Mga bagay na hindi para saakin. Namimiss laang ni mommy si ate kaya niya binibili ang mga damit na iyon kahit na alam niyang hindi ako nag dadamit ng garne.



________________________

Hello, this is my comeback. Wishing you good reading.

:))))

Engineer's oceanic eyes (Return my love #1)Where stories live. Discover now