--- 2020 ---
Nagising si Llyanne sa mahabang pagkakatulog, dala-dala ang mga alaala na kaniyang nasaksihan, mga pangyayaring inakala niyang hindi totoo. Dala-dala niya ngayon sa kasalukuyan ang saya at sakit na dinulot ng isang dalaga mula sa nakaraan. Pilit na kinakalimutan ang mga alaalang natunghayan ngunit patuloy itong nagpupumilit na sumiksik sa kaniyang puso't isipan.
I-isa nga lang ba talaga iyong p-panaginip?
Paulit-ulit na tanong niya sa kaniyang sarili, pilit na iniintindi ang mga nangyari. Ngunit may parte sa kaniyang naniniwalang hindi lamang iyon isang panaginip kundi... isang alaala, isang alaala mula sa nakaraan ang kaniyang nasaksihan.
Ngunit b-bakit ganito ang pakiramdam k-ko...?
Hindi alintana ng dalaga ang kaniyang mga magulang at mga kapatid na nasa loob ng kwarto niya sa loob ng ospital. Sabik na sabik at tuwang tuwa ang pamilya nito dahil nagising na rin sa wakas ang kanilang
anak na hindi pa rin alam ang dahilan kung bakit halos isang taon ito sa pagkakatulog, maski ang mga doktor ay hindi alam ang dahilan kaya sinabing na-comatose na lamang ito.
Nakatulala pa rin si Llyanne sa kisame dahil pilit na binabagabag siya ng kaniyang natunghayan noong siya'y nasa kalagitnaan ng mahabang pagkakatulog.
B-bakit ganito? malinaw pa rin s-sa'kin ang lahat?
B-bakit nasasaktan pa rin ako sa nangyari h-hanggang ngayon...?
Naghumirentado ang pamilya nito nang makitang magsimulang mangilid ang luha ni Llyanne.
S-sino ang mga taong iyon? Bakit pakiramdam ko a-ako si Almira..?
"Call Doctor Bermudez...Now!" Natatarantang utos ng ama ni Llyanne. Tumakbo naman agad si Lylia na bunsong kapatid ni Llyanne at tinawag na ang doktor.
"N-nikodemio..."
Halos pabulong na sabi ni Llyanne, at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha nito. Tahimik lang itong umiiyak dala-dala ang bigat ng kaniyang nararamdaman habang bumabalik ang mga alaala na kaniyang nasilayan mula sa nakaraan.
---
Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at mga pangyayari ay gawa lamang ng malikhaing kaisipan ng may akda.
Plagiarism is a crime punishable by law.
© All Rights Reserved 2020
YOU ARE READING
REENCARNACIÓN
Historical FictionA girl from the present who has been sleeping for almost a year without any reason. During her long sleep, she witnessed the life of a girl from the past... Isang dalaga mula sa nakaraan na nabuhay sa kaniyang sariling paniniwala na naging dahilan n...
