Day 1

2 0 0
                                        

60 Days of Summer

Day 1

Makulimlim ang kalangitan, sabay na nagsiliparan ang mga nahulog na dahon dulot ng malakas na hangin. Mabagal ang usad ng mga sasakyan dahil sa matinding trapik. Maingay ang mga tao sa paligid at pawang mga nagmamadali, siguro dahil sa panahon. Mukhang ayaw ma-stranded ang mga tao at gusto nang maka-uwi sa kani-kanilang tahanan.

Hindi naman panahon ng tag-ulan. Marso ngayon kaya hindi inaasahan ng lahat ang mangyayari. Unti-unting pumapatak ang ulan, noong una mahina pa hanggang sa naging malakas, yung  tipong galit na galit---parang sinaktan ng paulit-ulit.

Pumikit ako at pinakiramdam ang ulan, hindi pinansin ang lamig na lumulukob sa akin. Hanggang sa biglang sumakit ang aking ulo. Hinawakan ko ito at dahan-dahang iminulat ang aking mga mata ngunit malabo ang aking nakikita. Tuluyan akong napahiga dahil sa matinding pagkahilo.

Habang patuloy na rumaragasa ang ulan. Nandoon ako sa tabi ng daan. Nanghihingalo, humihiling na sana'y may makapansin---ngunit wala. Walang nakakakita sa mga luha 'kong puno nang hinagpis. Walang nakarinig sa sigaw 'kong nagmamakaawa. Hanggang sa dumilim ang paligid. Wala narin akong naririnig. Sobrang tahimik. Nakakatakot na katahimikan.

"Ma, gising na siya."

"Bumili ka muna ng pagkain. Kakausapin ko din siya."

Nang maaninag ko na ng kaunti ang pigurang nasa harapan ay nakita ko ang ngiti niyang kay tamis. Pinilit 'kong maupo, ngunit hindi kinaya ng katawan ko dahil sa panghihina.

"You don't have to force yourself anak. Makakasama iyan sayo."

Nanatili akong tahimik, hindi ko alam kung bakit ako nandito sa hospital dahil wala akong natatandaan.

"Ano pong nangyari?"

Umiwas si Mama ng tingin sa akin. Pinahid ang mga matang tiyak na may tumulong luha.

"Akala namin ginawa mo na naman yung dati. May nakakita sayo sa daan, nahimatay ka dahil sa sobrang lamig. Alalang-aalala kami sa iyo."

Napatingin ako sa kisame, inaalala ang ilang beses 'kong kagagahan ngunit kailanman hindi parin ako natutuluyan.

Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Nakita ko ang aking bunsong kapatid, may dalang pagkain.

"Ma, nasabi mo na ba sa kanya?." sabi nito habang hinahanda ang pagkain sa maliit na mesa.

Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo pagkatapos ang tanong na iyon.

"Ang alin?." tanong ko at tumingin kay Autumn.

"Kumain muna tayo. Kailangan mong magpalakas anak." pag-iiba ni Mama ng usapan.

"Anong meron sa akin?." pangungulit ko paring tanong.

Hindi nila ako pinansin. Kinuha ni Mama ang nakahandang pagkain. Lumapit siya sakin at akmang papakainin na sana ako kaso sinara ko ang aking bibig at tinanggihan ito.

"Kung ayaw mo pang kumain anak, hindi kita pipilitin."

Pumikit ako, hinayaan ang mga luhang umagos saka nagsalita.

"Darating ba siya? Alam ba niya? Binisita niya ba ako kanina?." sunod-sunod na tanong ko.

"Ate, kailan mo ba siya makakalimutan?." tiningnan ko si Autumn, hawak niya ang aking kamay habang lumuluha.

Napatayo naman si Mama, pinapahid din ang kanyang mga luha. Napahagul-gol ako, hindi ko akalain na pati ang pamilya ko'y maaapektuhan din sa sakit na nararamdaman ko.

"Hindi na siya babalik, wag mo na siyang hintayin. Maawa ka naman sa sarili mo ate."

Para akong binomba sa sinabi ni Autumn. Isang daang punyal din ang tumarak sa buo kong pagkatao. Habang ang puso ko naman ay parang isang papel na unti-unting pinupunit. Ganoon kasakit ang mga katotohanang sinambit niya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap. Hindi ko kaya.

Isang taon na pala ang lumipas 'nung pinili niya akong iwanan dahil bumalik ang una niyang minahal. Nagawa niyang lumisan para sa babaeng sinaktan siya ng ilang beses. Para akong naging isang bahay na nirerentahan, nang hindi na siya makabayad ay wala na siyang ibang pagpipilian kundi umalis nalang. Sobrang sakit, sobra ang aking paghihinagpis.

Buong buhay ko ilang beses na'kong nadapa, ngunit nagawa ko pang makabangon. Pero siya kakaiba, hinayaan niya akong malunod kahit hindi ako marunong lumangoy. Kaya hanggang ngayon hindi parin ako nakakaahon. Hindi makausad, at patuloy na nahihirapan paring makatayo. Humihinga, ngunit unti-unting pinapatay dahil sa sakit na idinulot niya. Nakakapanghina.

Pinagdasahan ko ng tingin sina Mama at Autumn. Awa at sakit ang nakikita ko sa kanilang mga mata.

"Gusto 'kong malaman ang totoo."

Niyakap ako bigla ni Mama, habang si Autumn ay mas lalong naging mahigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Humahagol-gol narin silang dalawa na parang mamamatay na ako.

"M-mamamatay na ba ako?."

Natigilan silang dalawa sa pag-iyak. Kumawala si Mama sa'king pagkakayakap. Napaatras pa ito, habang si Autumn ay napatayo narin mula sa pagkakaupo at unti-unting binitawan ang kamay ko.

Naramdaman ko nalang na lumabas si Mama sa kwarto saka sumunod si Autumn dito.

Katahimikan. Nakakabingi. Nakakatakot.

Mapait akong napangiti. Hindi parin nauubos ang mga luhang umaagos.

MAMAMATAY NA PALA AKO

Hindi ko alam kung bakit mas lalong sumakit ang puso ko. Ito na yung matagal ko nang hiniling at ginusto. Ngunit bakit parang ayaw ko pa?

Naalala ko ang araw na iyon, nabigyan na ako ng pag-asa. Bakit pinutol agad?

Sa ngayon isa lang ang nasa isip ko.

AYOKO PANG MAMATAY...

6O DAYS OF SUMMERHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora