"Okay Hon, sige na baka naghahanda na kayo sa Bridal Shower mo. I love you Hon" Ani ko.

"I love you too Hon, kiss mo ko bukas ah" Paalala niya kaya natawa ako.

"Ofcourse Hon, make sure lang na walang bata, kahit alam kong meron dahil may mga anak na ang mga kaibigan natin" Sagot ko.

"I'll inform there parents na takpan ang mga mata ng anak nila. Sige na bye" Aniya at binaba na ang tawag.

***

Hazelle's POV,

Naglilinis kami ngayon ng apartment ni Lia para sa hinanda nila sakin na Bridal Shower, tsk hindi pa naman ako ikakasal. Naglagay din siya ng dekorasyon na nakalagay na Bride to Be, may mga bulaklak at pa ilaw pa. Umorder nalang siya ng pagkain dahil tinatamad na kami magluto.

"Hazelle papunta na daw sila Yunna, Elyzza, Pauline, Franzei, Ate Drianne, at Ate Delaney" Sabi niya.

"Sige maliligo na ko, ikaw rin maligo ka na" Ani ko at dumaretso na sa banyo.

"Isuot mo yung dress na binigay ko sayo ah, off shoulder yun na puti, mag heels ka rin at light make up, magkulot ka rin ng buhok" Paalala niya.

"Opo, ikaw rin kaya?" Alok ko.

"Hindi ako ikakasal, mauuna lang ako, dapat pala Bridal Shower ko to" Sagot niya.

Pumunta na ko sa banyo at naligo, pagtapos ko maligo ay kaagad ko blinower ang buhok ko at kinulot, nag light make up narin ako at sinuot ang dress na sinabi ni Lia, flat sandals nalang ang sinuot ko para namang rarampa ako mamaya tsaka maliit na hikaw. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at natuwa ako na makitang maayos na ang itsura ko.

"Wow ang ganda talaga ng kaibigan ko, maayos na din ba yung itsura ko?" Tanong sakin ni Lia.

Simple lang din ang ayos niya, puting dress din na tube, nakakulot din ang buhok, naka light make up, naka sandals, at naka hikaw lang din ng maliit with the necklace at ang engagament ring niya kay Kuya Evan.

"Oo naman, ang ganda mo kaya" Sagot ko.

"Halika na sakto ang 7pm na malapit na dumating ang mga 'yon, dumating na rin yung order na pagkain" Sabi niya.

Lumabas na kami ng kwarto at saktong may nag doorbell na sa pinto. Sabay kaming pumunta sa pinto at pagbukas namin ay kaagad bumungad samin sila Yunna, Elyzza, Franzei, Pauline, Ate Drianne at Ate Delaney.

"Hazelle at Dahlia! Na miss namin kayo!" Pagbati samin ni Yunna at kaagad kami niyakap.

"Miss rin namin kayong lahat, tara pasok kayo" Anyaya ni Lia sakanila.

"Grabe ang laki ng apartment mo Lia, bigatin ka na talaga ah" Puna ni Elyzza.

"Syempre naman, ganado mag trabaho" Sagot niya.

"Wow ang daming pagkain, nagugutom na ko eh, kain na tayo" Yaya naman ni Yunna.

"Kailan ka pa naging patay gutom Yunna? Modelo ka pa naman, you should maintain your figure" Sabi sakanya ni Franzei.

"I'm still sexy kaya, sabi sakin ni MatMat kahapon. Guess what guys, kami na! After long years of loving him secretely he finally confess. Bakit kasi ang torpe ng Kuya mo Hazelle, pasalamat siya hindi na ko nagpaligaw, well I think naligawan na niya ko dati" Kinikilig niyang kwento samin.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon