"Hindi ka ba napapagod paglutuan si Ada? Araw-araw, iba yung putahe na hinahanda mo, pero kahit isa wala pa siyang natitikman. Ilang araw na siyang hindi pa gumigising. Sabi ng doctor nung isang araw , kapag raw within 48 hours hindi pa siya gumising, may mga tests na gagawin sa kaniya. Ngayong araw malalaman kung gagawin ba yung mga tests na 'yon. Ipag-pray mo pa maigi na sana gumising na siya." Mahabang sabi ni Mama.

"Ito po pala yung meal niya ngayon, Ma. Pwede bang ako magpunta ng hospital ngayon? Or pwede kaya sumama ako sa inyo? Gusto ko na makita si Ada. Baka pag nagpunta ako, magising na siya." Pagsusumamo ko kay Mama.

"Anak, hindi pa pwede e. Kahit mag escort pa satin ang kapulisan, hindi pa rin tayo nakakasigurado. At least pag nandito ka sa loob ng bahay, higit pa sa 100% yung security mo." Malungkot na sabi ni Mama.

Inayos namin yung lalagyan ng pagkain para makapunta na siya ng hospital.

"Mag pray ka ng mag pray para magising na siya. Aalis na muna ako, wag kang lalabas ng bahay ha? Magiging okay rin ang lahat." Malungkot na ngiti ang binigay ni Mama bago siya umalis.

~*~

SHERLIE DELACRUZ

Masakit para sa isang ina ang makitang malungkot ang kaniyang anak.

Pintura na lang ang kulang sa pinagawang bahay ni Leion para sa kanila ni LJ. Pero hindi pa sila pwedeng magpakasal hanggat 'di pa nahuhuli ang nagtatangka sa buhay ni Sherry. Alam kong gustong-gusto ng magpakasal nung dalawa pero salamat Kay Lord dahil parehas nilang naiintindihan ang sitwasyon.

Si Sherry naman, alam kong gustong gusto niya na dalawin si Ada. Pero pinagbawalan namin siya para sa kaligtasan ng lahat. Sana nga ay magising na si Ada para mabawasan ang kalungkutan ng bunso ko.

Tuwing pinupuntahan ko si Ada sa hospital, ang naaabutan kong bantay niya ay ang pinsan niya, ang asawa nito, at ang kuya niya. Hindi ko pa naabutan ang mommy niya ang nagbabantay sa kanya.

"Ninang, kayo po pala ulit. Siguradong masarap nanaman 'yang dala niyo. Sana nga matikman na ni Ada yung mga luto ni Jana para sa kaniya." Bati ni Adrien sa akin.

Ngumiti lang ako bilang sagot at sabay na kaming pumasok sa private room kung saan ililipat si Ada kapag nagising na siya.

"Adrien, kumusta pala ang ate Ady ninyo?" Pangangamusta ko sa panganay nilang kapatid.

Ang pamilya nila at pamilya namin ay matagal ng magkakilala. Si Adrian at ang asawa kong si Jon ay magkababata. Kami naman ni Geneva ay naging magkaklase sa isang subject noong college kami sa California. Sanggang dikit talaga iyong si kumpareng Adrian at ang hubby ko kaya naman lahat ng anak nila ni Geneva ay inaanak namin sa binyag, habang ang panganay na anak naman namin ang inaanak nila. Nasa San Diego sila nung panahon na binyagan si Sherry kaya hindi nila ito inanak sa binyag.

"Okay naman po. Kasagsagan ng pag aasikaso niya sa birthday ni Charlotte kaya lang mukhang hindi po matutuloy kasi hindi pa gising si Ada." Magalang nitong sagot.

"E ang mommy niyo? Kumusta siya?" Tanong ko ulit.

Tanging ngiti lang ang nakuha kong sagot mula sa binata.

"Dumalaw na ba siya dito?" Muli kong tanong.

Sasagot na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang mga nurse at doktor na may tulak-tulak na hospital bed ng mulat na si Ada.

"Ada's awake!" Masayang balita ng pinsan nila at ng asawa nito.

Thank God.

The Antagonistحيث تعيش القصص. اكتشف الآن