"Anak." nag-alalang aniya at niyakap ako.

Nangilid agad ang luha sa mga mata ko dahil sa mahigpit niyang yakap at nang makitang pati ang mga trabahante namin ay nag-aalala ding nakatingin sakin.

Alam na nila.

"Sorry Tay. Hindi ko po-"

"Nasabi na lahat ni Mr. Rivera sakin. Ayos lang anak, ang mahalaga ayos kana ngayon."

"N-nasabi?" dismayadong sabi. Sa lahat ng makakapagsabi 'non siya pa talaga.

"Oo. Sinabi niya na nakita ka niyang nawalan ng malay sa labas ng paaralan niyo kaya inuwi ka na muna niya sa kanila. Inalagaan ka ni Mr. Rivera buong magdamag. Nagalala ito na baka napagod ka sa taniman kahapon kaya hindi ka na niya nagawang gisingin pa para makapagpahinga ka roon at kanina lang niya napagbigay alam sakin ang buong nangyari."

Napanganga ako sa narinig. Nagawa ko pang kalasin ang yakap at nagtatakang tiningala si Tatay.

"A-anong sabi niyo?"

"Hindi ako galit anak-"

"Hindi iyon." umiling ako. "Anong nawalan ng malay, Tay? Ako? Nawalan ng malay?"

"Oo." si Tatay at hinaplos ako sa pisngi. "Pinagalala mo ako anak. Pasalamat talaga akong naroon si Mr. Rivera."

I couldn't find a word to explain what I'm feeling right now. Buong akala ko sinabi nito ang nangyari kay Tatay pero nagsinungaling siya at pinagtakpan pa talaga ako. On the other hand, I feel more guilty that I accused him awhile ago. I'm guilty of lying and especially of flirting with him.

Kaya naman ng papasok na kami sa bahay ay wala parin akong imik. Wala akong mausal na salita dahil sa labis na pagsisising nadama.

"Pupunta akong taniman." sabi ko kay Tatay, iyon agad ang pumasok sa isipan ko.

Nagulat si Tatay. "Kailangan mo munang magpahinga ngayon. Bukas nalang siguro."

"Ayos na po ako. Magpapalit lang ako at tutungo na sa taniman."

"Anak." Tatay expressed concern.

I smiled to assure him that I'm really okay now.

"Kaya ko, Tay. Parang hindi niyo naman ako kilala." biro ko pa at tuluyan na siyang tinalikuran.

Matagal ako sa kwarto. Sinamantala ko na iyon para makapagnilay at maayos ang sarili. Nang maayos na ako ay agad na akong bumaba. Hinigpitan ko ang tali ng buhok ko.

"Sa tingin ko kailangan niya po munang magpahinga." rinig kong boses.

Pababa na ako ng hagdan. Lumakas at nagiging malinaw narin sakin ang boses.

"Iyon rin ang sabi ko ngunit matigas ang ulo ng batang iyon. Gusto talagang magtungo sa taniman ngayon."

Parang umurong ang apak ko ng makita kung sino ang kausap ni Tatay. Tatalikod na sana ako ng napalingon na sila sakin. Pag-alala agad ang nakita ko sa mata ni Kurt ngunit dahil sa matinding kahihiyan ay napaiwas agad ko ng tingin.

Why do have to protect me! You don't owe me anything! 

"Tutulak na ako, Tay."

"Sakin kana sumakay. Doon rin ang tungo ko." si Kurt.

Hinalikan ko si Tatay sa pisngi na para bang walang narinig. Hindi na kailangan! Kinokonsensiya mo lang ako lalo e!

"Sumabay kana anak. Sa taniman din ang tungo ni Mr. Rivera."

"Hindi na. Kaya ko naman."

"Sumabay kana. Baka mapano ka pa."

"Huwag na."

BARYO 1: The Brat (On-GOING)Where stories live. Discover now