"A....ano ulit iyon?" kinakabahan kong tanong dito.

"Wala iyon sige kumain ka na nang kumain diyan." natatawa nitong sinabi sa akin, nang mga oras na iyon parang bumalik ang panahon na wala pang pagkailang sa pagitan namin noong mga panahon na hindi pa nito alam ang nararamdaman ko, nakakamiss din pala lalo na't alam kong mabuting tao itong si Jonathan, mabait sa pamilya at sa mga kaibigan, siguradong suwerte ang magiging  asawa nito, at nakaramdam ako bigla nang sakit sa dibdib ko isipin ko pa lang na mag-aasawa na ito na hindi dapat.

"Wala ka bang balak na sumunod kay Julia at sa Tatay mo sa Australia?" tanong ko dito nang umiinom na lang kami ng kape na alanganin nitong tinanggap sa pag-aakalang asin na naman ang nalagay ko imbes na asukal.

"Sa ngayon wala pa akong balak na sumunod sa kanila sa Australia." hindi ko alam pero nagdulot iyon nang kakaibang saya sa dibdib ko.

"Ah ganoon ba." ang tanging nasabi ko na lang dito.

"Ikaw kailan ang balik mo sa Canada?" tanong naman nito hindi ko maiwasang hindi umasa nang parang may madetect akong lungkot sa boses nito nang itanong iyon ngunit agad ko iyong binura sa isip ko, people tend to believe in something that they hope for.

"I don't know, I'm still waiting for my passport, I'm not sure kung nasabi na ba sayo ni Marvin na nawala ang passport ko kaya naman kinailangan ko pang kumuha nang kapalit sa embahada nang Canada." paliwanag ko dito.

Hindi na din ito nagtagal at nagpaalam na din na babalik na ito sa sarili nilang bahay.

"Jonathan maraming salamat ulit." this time sincere na ang pagkakasabi kong iyon.

"Walang anuman ulit Dustin and it's nice to see you again." nakangiti nitong sinabi bago ko tuluyan isarado ang pinto nang bahay, mabuti na lang at tanghalian palang iyon kaya naman ibig sabihin meron pang hapunan kaya naman siguradong aabangan ko ang oras na iyon.

Tutal naman ay walang magawa kaya naman naisipan kong maglinis nang bahay para naman pagdating ni Jonathan ay maayos ang maabutan nito, hindi ko mapigilan ibalik ang dating ako and somehow it scares me to death lalo na't kapag naiisip kong masasaktan na naman ako nang dahil dito, kakayanin ko ba ang pangalawang heartbreak nang dahil sa isang tao?

Isang oras lang ang lumipas nang magsimula akong maglinis nang buong bahay kaya naman nadismaya ako nang makita kong alas tres pa lang nang hapon kaya naman naisipan kong mag gym para na din mag-ubos nang oras at saka ilang araw din hindi ako nag gym dahil sa ginawang pagkukulong nang binata sa akin sa bahay, ika ko nga ay house arrest,a at medyo weird dahil wala na akong nararamdaman na kahit na anong asar o inis kay Jonathan.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa gym ay agad kong napansin ang ilang mga lalaki na panakaw kung makatingin sa akin, hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti nang lihim dahil hindi pa din talaga nawawala ang karisma ko. "Pero bakit kay Jonathan parang hindi tumatalab?" sa loob loob ko habang nagsisimula nang mag warm up bago magbuhat.

Nag-iinat inat na ako nang mga oras na iyon nang bigla kong makita si Denver na agad napaurong nang makita ako. Mukhang nakalaya na pala ang siraulong ito mabuti na lang at hindi talaga natuloy ang pagkuha nito sa virginity ko kung hindi puputulan ko talaga ito nang kaligayahan.

Akala ko nga sobrang kapal nang mukha nito na tutuloy pa, mabuti na nga lang talaga at agad itong umatras at hindi na tumuloy, kaya naman nagpatuloy ako sa ginagawa ko, ilang buhat doon buhat dito, ni hindi ko pinapansin ang mga pumapasok at abalang abala ako sa ginagawa ko.

Mag aalas cinco na nang hapon nang tuluyan akong natapos, tagaktak ang pawis na lumabas sa akin sa ginawa kong pagwowork out pero sulit naman dahil sisiguraduhin kong kakain ako nang marami at aayain ko na naman si Jonathan na sabayan ako sa pagkain, kaya naman nagpahinga lang ako sandali at matapos nga noon ay dali dali akong naligo at nagsuot nang bagong damit, simpleng short at tshirt lang ang suot ko pero alam kong maayos na maayos naman ang itsura ko.

Hindi ako mapakali habang nakatingin sa orasan na nakasabit sa dinding nang sala sampung minuto na lang bago mas alas sais at inaasahan ko nang dumating si Jonathan kaya namna sinubukan kong umarte na parang wala lang, parang normal lang ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa.

Finally six pm kaya naman napangiti ako nang makarinig ako nang sunod sunod na katok mula sa pinto, hinanda ko na ang pinakamaganda kong ngiti bago tuluyang buksan ang pinto ngunit agad din iyong nawala nang mapagbuksan ko nang pinto ay ang tindera nang ulam sa may kanto namin na si Aling Maring.

"Magandang gabi po Aling Maring, may maitutulong po ba ako sa inyo?" pilit na ngiting tanong ko dito kahit na nga ba sobrang disappointed ako dahil hindi si Jonathan dumating pero alam kong padating na iyon kaya naman kailangan ko nang magmadali.

"Pinapaabot ni Jonathan para daw sa hapunan mo." sabay abot sa akin nang ulam na nakabalot sa plastic at kanin.

"Bakit po nasaan po si Jonathan?" tanong ko dito pinilit ko talagang itago ang nararamdaman kong panghihinayang.

"May kailangan siya kasing asikasuhin sa negosyo niya." iyon lang at matapos magpasalamat dito ay agad na akong bumalik sa loob, parang bigla akong nawalan nang gana samantalang kanina ay gutom na gutom ako dahil sa ginawa kong pagwowork out.

Dumiretso na lang ako sa kuwarto ko at napatingin sa itaas nang kisame nang kuwarto, hindi ko na kayang dayain ang sarili ko, kahit na anong gawin ko ay lalabas pa din ang katotohanan sa totoong nararamdaman ko kay Jonathan.

"I still love him."

Learn To Love Again (Boyxboy)Where stories live. Discover now