"Walang problema sakin, madadagdagan nanaman ang anak natin" Sagot ni Tito... Papa na daw pala.

"Sige po Mama at Papa, salamat po at mararanasan ko na ulit mag ka magulang" Pasasalamat ko.

"Sayang umalis na si Ethan, balak ko sana mag aya ng inuman mamayang gabi, pero baka hindi rin siya payagan ng asawa niya" Sabi ni Papa.

"Inuman? Hindi ako tatanggi diyan Pa! Anong alak ba meron tayo diyan? Yung matapang ah, para pagdating ni Lia may excuse ako alalayan ako paakyat ng kwarto" Ang masamang balak ni Evan.

"Huwag mo nga abalahin si Lia Evan, baka may ginagawa yung tao eh iistorbohin mo, uminom kayo pero huwag mo siyang papupuntahin dito" Sermon sakanya ni Mama.

"Habang nag iinuman tayo pag usapan nanatin ang mga gagawin mo sa proposal niyo sa makalawa, Mahal tutulong ako maglinis ng bakuran bukas, bilhin na ang lahat ng dapat bilhin, yung mga sasabihin mo kay Hazelle 'yon ang pinaka importante, kabisaduhin mo ayoko ng may script" Paalala sakin ni Papa.

"Opo Papa, noted po, tutulong narin po ako maglinis ng bakuran" Sagot ko.

"Mabuti at hindi na gaano abala si Hazelle sa trabaho ngayon, madalas niyang kasama ngayon ang mga kaibigan niya, si Dahlia syempre na may apartment na ngayon, nagpapagawa narin ata siya ng bahay sa magulang niya. Bigatin narin talaga ang batang iyon" Paghanga ni Mama kay Lia.

"Syempre, pakakasalan ko ba 'yon kung hindi? Matagal na niyang pangarap na mapatayo ng bahay ang magulang niya, dapat pala nag hahanap na ko ng lupa na mabibili... may alam ka ba Dylan?" Tanong ni Evan.

"Meron naman, actually balak ko narin bumili ng lupa, ikakasal na kami kaya kailangan nanamin ng bahay" Sagot ko.

"Yung malapit naman sa amin para nakakadalaw kayo kasama ang mga apo namin" Paalala ni Mama.

"Opo naman Mama, kaso wala na yatang bakanteng lote dito sa subdivision natin, baka po sa katabing subdivision nalang po kami maghanap" Sabi ni Evan.

"Mahal huwag mag papakalasing mamaya ha, baka sa kasal ka pa ng anak mo magkasakit" Paalala ni Mama.

"Opo Mahal, hindi ko rin naman lalasingin ang tatlong to, magmamaneho pa si Dylan, si Evan naman baka dalawin si Lia, si Matt naman ewan ko diyan kung aalis oh hindi" Paniniguro ni Papa.

"Aalis ako Pa, kakausapin ko na si Yunna, ng maligawan ko na" Sagot ni Matt.

"Yon! Suportado kita diyan tol, malay mo baka hindi magpaligaw diba?" Buong suporta ni Evan.

"Aalis na po ako Mama at Papa, wish me luck" Paalam niya sa magulang.

"Goodluck anak! Kaya mo yan, mas mabuti nga kung hindi na siya magpaligaw para mabilis kayo makapag pakasal" Suportado din ni Mama ang anak niya.

"Nako Evan, ligawan mo si Yunna, Mahal naman niligawan kita noon, hindi ako nag propose pero dumaan tayo sa tradisyon ng ligawan" Puna ni Papa.

"Ano ka ba Mahal, si Yunna naman ang mag dedesisyon, sige kahit isang araw na ligawan lang ayos na 'yon anak" Sagot ni Mama.

"Si Yunna na bahala Ma at Pa, aalis na po ako, salamat po sa goodluck" Pasasalamat niya at tumakbo na rin palabas.

"Magliligpit na ko ng pinagkainan, kayo magkwentuhan muna kayo diyan kung gusto niyo" Sabi ni Mama at nililigpit na ang mga plato.

"Duon tayo sa salas, gusto ko manuod ng tv, it's showtime na! Sana hindi late si Vice Ganda" Anyaya samin ni Evan.

"Baka hindi tayo makapag kwentuhan anak, puro tawanan lang ang gawin natin" Sagot ni Papa.

"Ayos lang po 'yon Pa, nakakapag kwentuhan parin naman po kahit natawa" Komento ko.

Pumunta na kami sa salas at umupo sa sofa. Binuksan agad ni Evan ang tv at it's showtime nga ang palabas.

"Ayon hindi late si Vice Ganda! Ano ba yan nasayaw nanaman Hashtags, mga dancerist" Pang ba-bash ni Evan sa Hashtags.

"Masamang mang bash Evan" Paalala ni Papa.

"Magkwentuhan na po tayo" Yaya ko.

***

HAZELLE'S POV,

Nasa apartment ako ngayon ni Dahlia, as usual puro si Kuya Evan ang kinikwento sakin.

"Grabe Hazelle alam mo bang nung tinulak mo ko sakanya ay nahulog kami pareho, nahulog ako sa katawan niya and I thank you for that! Walang nangyari samin non ah, mae out session lang sa kama" Kinikilig niyang kwento.

"Mga kalibugan niyo talagang dalawa, sabi ko sayo pasasalamatan niyo kong dalawa sa ginawa kong 'yon. Kailan ba kasi ang kasalan?" Tanong ko.

"Hindi pa namin napag uusapan, pero syempre mauuna kami sa inyo ni Dylan. Hay ang ganda talaga ng singsing ko, kailan kaya kami bibili ng wedding ring?" Pag iisip ni Lia.

"Tanong mo si Kuya Evan, siya naman bibili. Nga pala kamusta yung pinapagawa mo na bahay para sa parents mo? Patapos na ba?" Tanong ko.

"Oo, fina-finalized nalang ng architect ko yung loob ng bahay, tsaka yung contractor ko inaayos narin yung furnitures. Ang ganda din ng labas may garden at pool pa!" Paliwanag niya.

"Gusto ko rin sana na pagawan ng bahay sila Mama at Papa pero ayaw nila, pero maayos naman na ang bahay namin ngayon kasya kaming lahat na pamilya" Ani ko.

"Nga pala uuwi na si Pauline this week, grabe yung babaeng 'yon mula ng iniwan ko siya sa New York hindi na nagparamdam. Puro si Grayson parin namin ang nasa isip, move on daw tsk" Komento niya kay Pauline.

"Ano ka ba uuwi din daw si Grayson this week, gusto talaga magkita ng tadhana ang dalawang 'yon. Nako pag hindi pa talaga sila nag usap idederetso ko sa simbahan ang dalawang 'yon" Komento ko rin kay Pauline at Grayson.

"Ako rin, hay buti pa ang Ate Delaney mo si Ate Drianne, si Elyzza, may mga asawa at anak na, tayo nila Ate Yunna at Pauline wala pa. Si Ate Yunna balak na ata hindi magpaligaw kay Matt, mahal naman niya talaga eh, si Pauline hindi pa sila nag uusap at hindi ko alam kung may pag asa pa ang dalawang 'yon, pero feeling ko meron naman"

"Torpe kasi si Kuya Matt pero alam kong mahal niya rin si Yunna, si Pauline naman kailangan lang talaga nila mag usap, magiging maayos din ang mga 'yon. Oh siya magluluto na ko ng makakain natin, nagutom ako kaka kwento mo tungkol kay Kuya Evan. Ano ba gusto mo kainin?" Tanong ko.

"Hmm, carbonara nalang, tulungan na kita magluto para mabilis" Sabi niya.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Where stories live. Discover now