"Mahal alam mo namang mahirap lang ako noon, tsaka hindi naman talaga masyado uso ang pag po-propose noon, niligawan naman kita diba at hinarana pa kita" Pagdadahilan ni Tito.

"Matt kailan ka ba manliligaw ha? Ligawan mo na kasi si Yunna, ikaw nalang walang jowa dito oh, huwag ng torpe" Puna ni Evan.

"Tsk, pakasalan ko na kaya siya bukas? Tapos bubuntisin ko na siya agad para maunahan na kita magkaanak?" Sagot ni Matt.

"Hoy, nangako ako kay Lia na pagkatapos naming ikasal ko siya bubuntisin, asa ka namang mauunahan mo ko mag ka anak" Komento naman ni Evan.

"Matt, ligawan mo na si Yunna, alam kong matagal mo na siya mahal, na totorpe ka lang, pakiramdam ko naman mahal ka rin ni Yunna, boto ako sakanya, sa lahat naman ng mga babaeng pinapakilala niyo samin boto kami... mas kinakabahan nga ko para sakanila dahil baka buntisin niyo kaagad, tignan mo si Ethan, tama naman na pagkatapos mo na siya pakasalan binuntis mo agad, sa tingin ko kailangan mo na sundan ang apo ko" Ani Tita.

"Ma kakapanganak palang ni Drianne, maawa ka naman sa matres niya" komento ni Evan.

"Ay oo nga pala, kailan ba kayo magpapakasal ni Dahlia Evan? Dapat mauna na kayo kela Hazelle, hindi naman pwedeng sabay kayo, malas daw"

"Hindi pa namin napag uusapan Ma, pero matagal na ko nakapag propose sakanya, pero kailangan ko parin magpaalam sa magulang niya" sagot ni Evan.

"Kasalan pa ba ni Dylan pag uusapan natin dito oh yung kay Evan nalang? Hinihintay na talaga ako ni Drianne, baka nagmamaktol na yung anak ko" Pag aalala ni Ethan.

"Mauna ka na Ethan, kawawa naman ang apo ko" Sagot ni Tito.

"Sige Ma at Pa aalis na ko, Dylan ayusan mo proposal mo ah, kaya mo yan hindi tatanggi yong kapatid ko" Tinapik niya ang balikat ko at tumakbo na palabas.

"Iba talaga pag may pamilya na" Komento ni Matt.

"Kailan mo ba balak mag propose sa anak ko Dylan? Bukas na ba agad? Saang lokasyon? Engrande ba?" Tanong ni Tito.

"Simple lang po Tito, dahil simple lang naman po ang anak niyo, tsaka para mabilis rin po matapos. Pero syempre yung singsing po ang engrande, dito nalang po sa bahay niyo balak ko mag propose, sa may bakuran niyo po sana. Gusto ko po lahat ng importanteng tao sa buhay naming dalawa ang makasaksi ng spesyal na araw namin" Paliwanag ko.

"Nako, ipapalinis ko na agad ang bakuran namin, mabuti at maraming magagandang bulaklak ang nakapalibot sa bakuran namin ngayon, huwag mo pipitasin ah, inaalagaan namin 'yon ni Hazelle at Delaney" Paalala sakin ni Tita.

"Opo Tita, bibili nalang po ako ng bulaklak na ibibigay kay Hazelle" Paniniguro ko sakanya.

"Mukhang tuloy na tuloy na ito, ako'y nagagalak na masilayan ang ngiti sa labi ng anak ko sa oras na isuot mo ang singsing sa daliri niya" Masayang sabi ni Tito.

"Saan mo binili yung singsing tol? Mahal din naman yung binili ko kay Dahlia pero pag nakita niya yung kay Hazelle baka magpabili ng bago?" Tanong ni Evan.

"Ano ka ba hindi naman ganon ang fiancee mo, ang mahalaga may binigay kang singsing" Sagot ko.

"Tutal magpapakasal na kayo ng anak namin, dapat Mama at Papa narin ang tawag mo samin, hindi ba Mahal?" Komento ni Tita.

Pathways of Forever (SERIES 3)  [COMPLETED]Where stories live. Discover now