"What? " takang tanong ko sa kanya.

"Oo, tapos magbikini-bikini ka na naman at pagtitinginan ka ng ibang lalaki. Huwag na! " sarkastikong maktol pa niya. Natawa nalang ako sa mukha niya.

"Bakit? Anong masama d'on? Alangan naman mag-jogging pants ako at magjacket maligo, diba? " pagtataray ko.

"Much Better. "natatawang sagot niya.

Pinalo ko naman ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Aray! What's your problem, lady? " maarteng ani pa niya. Bakla ka sis?

Natawa ako sa kaniya, kahit kailan talaga. "Oo para pagtawanan ako ng mga tao d'on! Loko ka!"

"Hahaha. Oo para hindi na sila ma-inlove sa'yo dahil akin ka lang, babe. " banat pa niya.

Parang kanina lang wala sa mood ang isang 'to tapos ngayon nagsimula nang mahing hyper. Hindi ko talaga maintindihan ang mga lalaki e. Ganyang ganyan din si Adrian, daig pa ang mga babae. Tsk.

"Hindi mo'ko pag-aari. " biro ko pero tumahimik lang siya bigla. "Wuy! Ba't natahimik ka diyan? "

"Nothing." he said while looking outside.

"Huy! Anong problema mong loko ka! " pangungulit ko tsaka niyuyogyog ang mga braso niyang nakapatong parin sa mesa.

Nakita kong nairita na ang loko. Mood swings amp. "Stop it, Maria. " saway pa niya.

Huminto nalang ako sa pagyogyog sa kaniya at humagalpak ng upo, nagcrossed arms naring nakatingin sa labas.

Makapag-shopping na nga lang after this. Nasa tapat lang kasi ang SM, matagal tagal na ring hindi ako nakagala dito.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo. Bigla bigla ka na lang tatahimik dyan e. " pagmamaktol ko habang nakanguso na parang bata.

"Wala nga. " pagsusungit niya.

Umirap nalang ako tsaka tumahimik na rin.

"Excuse me." rinig kong sabi ng waiter sa gilid ko kaya nilingon ko siya.

Ang gwapo pala, sorry pero may Hubert na'ko.

Tinanguan ko nalang siya at nakangiti niyang nilapag sa mesa ang order namin ni Hubert.

Josh ang nakalagay sa nametag niya. Name niya siguro. Malamang! Kaya nga nametag, diba? Tsk.

"Thanks, Josh. "nakangiting sabi ko sa kaniya nang matapos niya nang malapag lahat.

Gulat naman siyang lumingon sakin. Halatang nagtataka kung magkakilala ba kami, isinenyas ko naman sa kaniya ang nametag niya.

Napahiya siyang ngumiti sa'kin. "You're welcome, Miss. You look good tonight. " aba't kumindat pa si kuya.

"Sus. matagal ko nang alam yan pero Thanks!" biro ko.

Tumawa naman siya. Mabuti pa 'to biruin, tumatawa kesa sa iba dyan. Tsk tsk tsk nevermind. "Enjoy your foods, Miss. " yon lang at tumalikod na si Josh, dumiretso sa sariling area.

"Tsk. " rinig kong singhal ng baliw kong jowa.

Kala mo ha. It's my time to annoy you, baby. Masyado ka nang unfair. Hshshs.

Sinimulan na naming kumain at nakakapanibago dahil ang tahimik ng kasama ko. Bago to a.

"Infairness, pogi si Josh. What do you think, Hubert? " basag ko sa katahimikan, bwinubwiset siya.

*evil laugh.

Tumingala naman siya para magkapantay ang mga tingin namin. "Not so. "

Insecure!

"Magkakilala kayo? " tanong niya samantalang ang mga mata niyay tutok lang sa pagkain niya.

Thats it, Hubert the jealous.

"No. Ngayong lang. " kunwaring kinikilig kong sabi.

Umirap naman ang loko kong kaharap. "Bilisan mo ng kumain. 'Nood tayo ng sine." seryosong aniya.

Tumango lang ako at patuloy na nginunguya ang kinakain.

Parang wala lang akong kareaksong tingnan pero deep inside natuwa ako sa mukha niya halatang pinapaiwas sa lugar na'to.

Excited na'ko manuod ulit ng sine with him. Ang tagal na naming hindi nagawa 'to. Quality time.

---

"Bye, Miss. Take care. " rinig kong malakas na sabi ni Josh nang nasa pinto na kami ng Mcdo, palabas na. Tinanguan ko naman siya.

Nagulat ako nang nasa tapat na kmi ng sasakyan niyang naka park ay agad akong hinawakan ni Hubert sa bewang at pinagdikit sa kaniyang katawan. Napangiti naman ako.

Hhhahhaha success! Mission accomplished.

"Akin ka lang, Maria. Don't you ever do that with other guy again or else... " pabitin niya.

"or else what? " panghahamon kong tanong.

"or else i'll marry you. Right away. " nginitian pa ako ng nakakaloko. Amaw!

"Loko! " singhal ko sa kaniya.

Pinaharap niya naman ako sa gawi niya habang hawak hawak ang dalawa kong balikat tsaka yumuko para magkapantay ang mga mukha namin.

Tsh. Alam ko na 'tong mga moves na 'to e.

"Soon, Maria. I'll marry you. " seryosong aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

Nagulat ako ng walang sabi sabi niya akong hinalikan sa labi. Sandali lang pero napakatamis ng mga iyon. Hinayaan ko lang siya kahit PDA total mukhang wala namang tao sa bandang dito dahil madilim.

Nginitian ko naman siya pagkatapos niyang gawin 'yon. "I love you. "

"I love you, too. "

Bigla akong napakalas sa pagtitigan namin ni Hubert nang naramdamang may bumabang tao sa kabilang pinto ng sasakyang katabi ng sasakyan ni Hubert na siyang nasa tapat lang namin.

Pakshet may tao pala! Kahiya! Bumukas din ang pinto sa Driver's seat na nasa tapat lang namin.

Teka, this car looks familiar to me. Wait, is it...

"Adrian?! " nanlaking mata kong sabi.

Hopelessly AddictedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon