Revenge is Sometime Salty

Start from the beginning
                                    

"Uhmmm kasi....." bigla akong nawalan nang sasabihin habang nag-iisip nang maisasagot dito kita ko nang parang may kakaiba sa itsura nito, marahil ay naghihinala na ito.

"Kumain na kasi ako sa bahay kanina kaya busog pa ako." pagdadahilan ko na lang na agad naman nitong tinanggap.

"Cheers!" nakangiti nitong sinabi sa akin habang ako ay titig na titig sa magiging reaksyon nito kapag naisubo na nito ang unang subo nang singagag at itlog na niluto ko.

Ang hirap palang magpakapoker face kapag nakikita mo ang reaksyon nang taong ito, bigla kasing parang hindi maipinta ang mukha nito nang malasahan ang niluto ko sabay inom sa kapeng gawa ko na agad din nitong naibuga dahil imbes na asukal ay iodized salt ang ginamit ko.

"Ok ka lang ba Jonathan? Hindi ba masarap ang niluto ko?" pagpapanggap ko kahit na nga ba kitang kita ko ang panunumbat sa mga mata nang binata na mukhang nahulaan na ang plano ko pero hindi nito puwedeng malaman na sinadya ko ang bagay na iyon.

"Are you trying to play games with me Dustin?" galit nitong sinabi sabay inom nang tubig na kinuha nito sa fridge nila.

"Playing games, hindi kita maintindihan?" naguguluhan ko kunwaring tanong dito at bigla naman parang nabawasan ang pagdududa kong nakikita sa mukha nito.

"Eh di tikman mo para malaman mo." asik nito sa akin sabay abot ng kutsara nito sa akin.

Bigla akong napalunok nang marealized kong napasubo ako bigla ngunit biglang nagbago iyon nang maalala kong ginamit nga pala ni Jonathan ang naturang kutsara para tuloy magkakaroon kami nang indirect kiss kung nagkataon.

Titig na titig sa akin si Jonathan habang hinihintay ako nitong sumubo nang mga niluto ko at gusto kong palakpakan  ang sarili ko dahil napigilan ko ang mapangiwi sa sobrang alat nang mga niluto ko na expected ko naman, tambakan ko ba naman nang sobrang daming asin iyon, ngunit kahit ganoon ay nagawa ko pa ding magmukhang wala lang sa akin ang alat nang pagkain at nginuya ko pa iyon na parang gustong gusto ko ang kinakain ko.

"Masarap naman siya ah." nagtataka kong tanong habang nakatingin sa hindi makapaniwalang mukha nito.

"Are you serious?" hindi pa din ito makapaniwala habang nakatingin sa akin sa totoo lang gustong gusto ko nang agawin ang tubig sa kamay nito sa sobrang pagkati nang lalamuna ko ngunit pinigilan ko iyon.

Next ko naman tinikpan ang kape dito at kunwari ay nagulat pa ako nang malasahan ko kunwari na asin pala ang nailagay ko.

"I'm sorry Jonathan hindi ko kasi napansin na asin pala ang nakuha ko at hindi asukal magkatabi kasi sila." paghingi ko nang paumanhin sabay kuha nang mga hinanda ko na ang balak ay itapos na iyon.

"Huwag mo nang intindihin iyon, it's an honest mistake but I think kailangan mo nang magpatingin sa doctor para mapacheck yang dila mo." naiiling nitong sinabi sa akin ngunit nagtaka ako nang ibalik nito ang dala ko sa mesa nito.

"A....anong ginagawa mo?" naguguluhan kong tanong dito lalo na't nagsimula na itong kumain ulit kahit na nga ba kada subo nito ay sinusundan nito nang tubig.

"Kinakain ang pinaghirapan mo, hindi ko hahayaan na masayang ang niluto mo." nakangiti nitong sinabi habang tagaktak ang pawis sa noo nito samantalang hindi naman maanghang ang kinakain nito.

Hindi ko maiwasang hindi maguilty habang nakikita ko ang paghihirap nito, sa totoo lang marunong naman akong magluto dahil na din  tinuruan ako ni Tita Anita, sinadya ko lang talagang alatan ang lahat nang hinanda ko kaninang umaga para sa paghihiganti ko pero bakit parang nagsisisi na ako sa nakikita ko sa binata na kahit hindi gusto ang kinakain ay patuloy pa din sa pagkain.

"Ano ba Jonathan tigilan mo na nga yan, tigilan mo na ang pagpaparamdam sa akin na mahalaga sayo ang ginagawa ko kahit na nga ba alam naman natin na wala kang kahit na anong nararamdaman sa akin." sa loob loob ko habang nakatingin sa guwapong mukha nang lalaking una kong minahal.

Sa gulat ko ay naubos na nito ang mga dala ko maliban sa kape na hinanda ko, kaya naman agad na akong nagpaalam dito pero bago iyon ay tinawag ako nito kaya naman napahinto ako sa paglalakad.

"Next time Dustin hayaan mo na akong magluto ok? Pero thanks I really appreciate the effort." nakangiti nitong sinabi sa akin at biglang kumabog nang mabilis ang dibdib ko sa ngiti niyang iyon.

"Ano ba hindi ka pa ba nadala, wala lang ang ngiting iyon huwag ka nang umasa." inis kong paninita sa sarili ko dahil ayoko nang umasa, ayoko nang masaktan.

Agad akong pumasok sa bahay pagkadating na pagkadating ko, agad kong binura ang message ni Dianne dahil siguradong puro pangungulit lang ang gagawin non, hanggang kailan ba papasok sa kukute niya na hindi ko siya gusto.

"Eh kung hindi mo siya gusto, sino ang gusto mo?" tanong nang kabilang isipan ko na mukhang sinagot naman nang kabila pang isipan ko.

"Eh di si Jonathan." sagot namn nang kabilang bahagi nang isip.

Agad kong tinakpan ang ulo ko trying to tune out the thoughts that keeps on coming to my head dahil hindi puwedeng magkagusto ako ulit kay Jonathan, hindi puwede!!!

Learn To Love Again (Boyxboy)Where stories live. Discover now