PROLOGUE

15 0 0
                                        

  

    Dahan dahan akong naglalakad papuntang pintuan at dahan dahang pinihit ang door knob  , hating gabi na at alam kong tulog na ang mga tao pero nagsisigurado lang ako .

     Don't get me wrong ha , hindi ako nag aakyat bahay . Bahay namin to  at ngayon pa lang ako nakauwi , pesti kasi ehh may mga lasing pa sa kabilang kanto, hindi ko sana papansinin pero minanyak ako  kaya napasabak tuloy ako , patay talaga ako sa kuya ko neto eh .

       Ng makitang walang kuyang nag aabang ay napatalon ako sa tuwa,sa wakas wala munang manenermon . Pero nagpatuloy parin ako sa paglakad ng  dahan dahan dahil baka magising pa ang manok at magpuputak nanaman haha.

       Nakangiting binuksan ko na ang pintuan ng silid ko at inon ang switch pero nawala yon ng nakita ko ang kuya ko na nakaupo sa mini sofa ko na masama ang tingin sa akin.

Oh ow.

Alanganin akong ngumiti sa kanya at kumaway

"Hehe hi k-kuya"

Nakangiti parin ako kahit kinakabahan ng tumayo siya at lumapit sa akin .

Pero napalitan ng ngiwi ang ngiti ko ng nagsisimula na sumermon ang kuya ko .

" The hell Sis?!!Bakit ginabe ka na ng uwi , ano na naman katarantuhan yang ginawa mo ha at ginabe ka !! Ano na naman tong nabalitaan kong kick out ka na naman sa school na pinasukan mo ha? , at ito pa may nakakita raw sayo na may binugbog ka raw doon sa iskinita? Ano bang ..." Bla bla bla

Ang sakit na sa tenga yang boses ng kuya ko  , sa manok ba to inilihi ni mama si kuya at putak ng putak ?? Saan ba yan nag mana si kuya at mukhang unggoy ?? Haha joke lang .

"HOY!!!! Nakikinig kaba sakin Ashana Brittney Lim?"  Sigaw ni kuya sa akin , nagulat naman ako at ni ngiwian si kuya  ng  may natalsik na laway sa pagmumukha ko , eww.

Pinunsan ko ang mukha ko , baka may germs pato haha joke .

"Hehe ano nga yun kuya?" Tanong ko uli sa kanya .

Sumimangot naman siya at nag dabog  at umupo ng sofa uli na nagdabog parin .

Ang childish..

"Tsk, ki haba haba ng sinabe ko , walang naintindihan."  Mahinang sabi ni kuya sa  sarili habang nakanguso . Pero narinig ko naman .

"Ehh kuya, sorry nah"  sabi ko sa kanya habang nag papaawa . Alam kong di niya ako matitiis dahil maganda ako hehehe .

Bumuntong hininga naman ito

"Oo na, pero sagutin mo muna to , bakit ka na naman napatalsik sa ika apat mong School ha? Hana.. nakipagsuntukan ka na naman ano? "   tss. Napairap naman ako , ipasagot ko pa eh sinagot na niya ang tanong niya .

"Wag mo kong irapan Hana."  At sinamaan niya ako ng tingin .

"Tss, oo na , pero di ko naman kasalanan  na ma kick out ako dun. Malay ko bang anak ng may ari yung nasapak ko."  Pag eexplain ko sa kanya.

Napahawak naman sa ulo si kuya at parang problemado.

"Oyy sorry na, di ko uulitin, pramis" saka nginitian ko siya ng matamis .

"Tsk , alam kong uulitin mo yun kaya sa susunod na araw , dun kana sa School na napapasukan ko para mabantayan kita." Sabi niya na ikalaki ng mata ko .

No no no , ayaw ko dun , di alam ni kuya na marami akong nakalaban na student dun , bakit?? Eh ang yayabang eh , kala mo matalino .. but well .. Sa Monroe High , yun ang name ng school na pinasukan ng kuya ko , matatalino naman talaga ang mga studyante dun , pero daming mayayabang dun pero ang gusto ko kasi ako lang ang mayabang haha  ,pero balita din na  duon pinapasok yung mga pasaway , eh hindi naman ako pasaway ah? May grupo grupo rin raw doon . Pero sa kabila naman ng maraming pasaway  ay yang school raw ay pinakasikat na school , bakit ? Dahil lagi silang rank one pag may mga contest , talino noh ?

At kung magtanong kayo sakin kung bat may mga pasaway dun, Aba tanong niyo dun sa mga chismosa , di ako chismosa noh , slight lang haha.

Pero kahit gaano pa kaganda ang image ng school na yan , ayaw ko .  Di ako naman ako Matalino noh at mas lalong hindi ako  mayabang  at pasaway , slight lang heheh.

Magsalita na sana ako ng wala na pala si kuya dito , tsk kanina na pala ako nakatunganga dito , lumabas siguro dahil mukha akong timang , nakaawang pala ang baba ko kaya tulo yung laway ko , dali dali kong pinahid ang bibig ko , at tumingin sa sahig at napabuntong hininga.

'Tss, sayang laway ko .'

SECTION :C-2 Where stories live. Discover now