CHAPTER 4

10 0 0
                                    

LANDIIN MO PA AKO CARL!!

MISH POV

Hindi ko nakita kanina ang bastos na Carl na yun ah! sana narinig nya ako. Hindi man sa sinasabi kong napakagaling ko. pero hindi naman siguro ganun kapanget gaya ng sinabi nya. Palibhasa mga lalaki, hindi nag iisip. Magkakatulad lang talaga silang lahat! kainis!!!!

"hoy, mish, anu ang sinisimangot mo dyan?" tanong ni jake, ang drummer namin.

"wala!" maikli kong sagot

"Suplada. pero, alam mo, first time kitang nakitang sumuot ng ganun. napakaganda mo pala pag nka suot ka ng pambabae. Hindi kana pang utol! pang jowa kana tol!" at tumawa sya.

ahh.. pang asar? -______-

"HE HE HE.Ang saya nu?" sarcastically kong sabi. inirapan ko sya.

umempake kami ng mga gamit sa sasakyan ko. tapos na ang papel namin. at busog na rin kami. okay na kami.soo uuwi na kami. ^_^

"Mish!"

tumingin ako sa direksyon ni Mark na tumawag sakin.Tumatakbo sya.

"Oh? bakit? asan na sila? tayo na. pagod na ako.."

bugooosh! close ko na ang pinto sa backseat.

"Ah.. ehh.."

"Ano?"

"Eh kasi nansito din ang kaibigan kong matagal ko ng di nakikita, si Sherly? yung kinukwento ko sayo na bestfriend ko na patay na patay ako? andito kasi sya. kaya..."

"Ah okay. Sila Jake at Larn, Hindi rin ba uuwi?" wag nyang sabihing iwan nila akong mag isa at hahayaang ako lang ang magdadala ng sasakyan!!!

"Eh, hindi rin daw sila uuwi." Napakamot sya sa ulo.

Sumingkit ang mga mata ko.

"EH SINO ANG KASAMA KONG UUWI!!" Pasigaw ko. Uminit ang ulo ko.

"Yan nga ang gusto kong sabihin. Si Lola mo rin aag nag offer nito. Sya ang makakasama mo raw pauwi."

"Sino??"

"AKO".

Pagtingin ko sa direksyon ng tinig , naningkit ang mga mata ko. please Lord, joke to diba.?

"I-IKAW?" di ako makapaniwala.

"Oo ako."

patingin tingin lang samin si Mark.

"Hay mabuti na lang at magkakilala na pala kayo! hindi na ako mahibirapang mag convince kay Mish para-"

"AYOOOKOOOOO SA KANYAAAAAA!!!"

Pasigaw kong sabi.

"Isusumbong kita kay Lola mark! kung kani kanino mo lang ako ipapahatid!"

naglakat ako ng padabog pabalik sa party.

Sinusumpa ko! pagkasabwat pa dito si Lola, I swear, maniniwala na talaga ako na next year eh bubukas na ang lupa at babangon ang mga zombie! at ang una kong babarilin sa utak ay ikaw na mark ka kasama yang Sherly mo!!!!!

" eh, ano kasi,..si Lola mo ang nagsabi na si Carl daw ang maghatid sayo.."

Zombie apocalypse is coming..

nalaglag ang balikat ko at tumingin sa direksyon nilang 2.

"Ano?!!!!!!!"

"Yea. Kaya kumalma ka na dyan at sumakay na dahil ako ang maghahatid sayo."

"No tell me Mark that these are just all joke! tell me or else I'll  break this godamn guitar infront of you!!."

"Okay na tol, ako na lang bahala sa kanya sa pag uwi. bumalik ka na don." preskong sabi ni Carl na yun.

wow! at close na kayo agad ha!

ngumiti si mark at tumango. tumingin sya sakin at yumuko.

"sorry Mish, Thats a command." at tumalikod na sya.

naiwan kaming dalawa na nagtitinginan.

"Sige na basagin mo na yang gitara mo. Ako pa rin ang hahatid sayo." At ngumiti sya uli ng pangbibwesit.

"Ano ba ang kaylangan mo sakin! kanina ka pa nang aasar ha! Hindi mo nga ako kilala ininsulto mo pa ako! at ngayon bibwesitin mo naman ako hanggang saapag uwi ko. wala na bang magandang mangyayari sakin sa araw na to! peste naman tong July 27 na to! wala nang may nangyaring maganda!!!"

"Actually, hihingi ako ng pasensya sayo. Sa mga masasamang sinabi ko kanina. Hindi ko naman sinasadya yun. Nagulat lang talaga ako kaya kita nasigawan.

"He! hindi kita papatawarin kaya umalis ka na nga dyan. ako na lang ang mag da-drive! Alis!!"

"Talaga lang ha? Sa pagkaka alam ko eh hindi ka marunong magmaneho. Dont tell me, hihilahin mo yan hanggang sa bahay nyo? Naku! nakakapagod nun!"

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa driver seat. tanga mo talaga Mish. Hindi ka nga pala marunong magdrive.

"Whaaaaaaah!!" Edi magpapatawag ako ng driver!

" May driver ka ba? mga kaibigan mo din lang ang gunagamit ng sasakyan mo diba? wag mong sasabihin tatawagan mo pa sila sa dis oras ng gabi para magpasundo. Hmmn?"

Kainis!!!!!!!!!!

Dahan dahan akong  humarap sa kanya!

" So?" Ngumiti ang hudas.

ANG SARAP ILAGAY SA SAKO AT IPATADTAD SA SENTRAL!

-_______-

"HINDI KO PA NARIRINIG ANG SORRY MO!!!" sigaw ko sa kanya. Napapikit ako sa sobrang inis.

"Nagsorry na ako... Sabi ko nandito ako para humingi ng-"

"NAG EXPLAIN KA LANG KANINA KUNG BAKIT KA NANDITO! PERO HINDI KA PA RIN

NAGSO SORRY!!!"

" aw. Okay. Kung yan makakagaan sa loob mo.. sorry na."

"Ayoko nyan. Labas sa ilong"

inirapan nya ako at tumayo ng mabuti. Tumingin sya sa mga mata ko ng matagal. Dahan dahan nyang nilapit ang mukha nya sakin. Hinawi nya ang buhok ko sa mukha ko at iniangat ito.Hinawakan nya ang kamay ko at nagsalita.

"Mish Maryse, I'm sorry. Okay? Hindi ko sinasadyang masigawan ka. Kung nasaktan ka. Sorry. Sorry. Please."

NGANGA..

O.O

O.o

O.-

-.O
omg! whats happening! bat parang huminto ang mundo ko? bat bumilis ang pintig ng puso ko? bat. bat... bat ang gwapo gwapo nya? Parang Adonis sya. ang mga mata nya.. ang tinig nya.. ang mga labi nya.. oh God! i want them so bad.. omg! Mish! end that!! gumising ka gaga! GISING!!!

"O- okay.. okay.. Okay na. sige ika wna maghatid. sige eto yung susi! manyak!! wag na wag mo nang gagawin yan! manyak!!

binato ko sa kanya ang susi.

"Kinilig ka naman!"At tumawa sya ng malakas.

pumasok na kami sa loob ng sasakyan.

I smiled secretly... :)

10 Reasons Why Tanga ka sa Pag IbigWhere stories live. Discover now