''Uy! Uy! Lumagpas ka Gelo.''

   Napatapak ako bigla sa break dahil sa biglaang pagtapik niya sa akin sa braso.

''Psh. You should've said it earlier!''

''Ayaw nga! Nakakatakot ka kayang kausapin.'' naka-ngusong sabi niya.

''Baba na. Bilis!''

   Natataranta siyang bumaba agad sa motor ko. Papaandarin ko na sana uli nang bigla nalang niyang higitin ang dulo ng damit ko.

''Ano nanaman?''

''Gelo... i-itong jacket mo.'' mabilis niyang hinubad ito mula sa pagkakatali sa bewang niya at iniabot sa akin.

  Hahablutin ko na sana nang bigla nalang niyang ilayo ito sa akin.

''Tsk. Nang-aasar ka ba witch? Wala ako sa huwisyo makipaglokohan sayo kaya akin na yan!''

  Mas lalo pa niyang inilayo ito sa akin nang tangkain kong kunin ulit iyon mula sa kanya. Napababa na nga tuloy ako mula sa motor dahil sa kalokohan niyang ito.

''Hindi ka aalis dito hangga't hindi tayo nagkakaayos.'' itinago niya sa likuran niya ang jacket at humakbang patalikod.

   Then it hit me. Hindi nalang ito dahil sa jacket o kahit pa sa mga nangyari ngayong maghapon. This is about us. The lies, cheatings, betrayals, doubts and our past.

   I clenched my hands and eyed him coldly.

''One thing for sure, hinding-hindi na tayo maaayos. Dahil umpisang-umpisa palang naman, sirang-sira na tayo.''

  Hindi nakatakas sa akin ang isang butil ng luhang pumatak sa mata niya. Nasasaktan ba siya? Bakit? Dahil ba totoo? Truth hurts, right?

  Agad naman niya itong pinahid at ngumiti sa akin. Ngumiti siya na parang wala lang sa kanya ang mga mabibigat na sinabi ko. Ngumiti siya kahit bakas sa mga mata niya na nasasaktan siya. Ngumiti siya gaya ng palagi niyang ginagawa.

''Alam ko.. alam ko Gelo. Alam ko naman eh! H-haha Oh ito nang jacket mo. Ingat pauwi! Goodnight! S-sige, ahm ano. Salamat sa paghatid sa akin pauwi kahit lumagpas ng konti.''

   Hindi na siya makatingin sa akin ng diretso habang sinasabi niya sa akin yan. Tinapik pa niya ako ng bahagya sa braso at nagsimula na siyang maglakad papunta sa mismong pintuan ng bahay nila.

  Seeing her in that state makes my heart ached. Bakit ba ako nasasaktan kapag naglalakad na siya palayo? Bakit laging gusto ko siyang sundan? Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya. One second I hate her and the next thing makes me hate myself even more than hating her. Yung pakiramdam na gusto ko siyang makitang nasasaktan higit pa sa naramdaman ko noon pero kapag nakita ko ng maiiyak at umiiyak na siya, gusto kong sapakin ang sarili ko ng paulit-ulit.

When Ying and Yang CollidesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ