"What did you do in Hotel Roma last night?"

I bit my tongue. "How did you know?"

"It happened to be the hot news." halos umirap siya. "Sa tingin mo hindi ko malalaman?"

"Alam na din ba ni Tatay?" agad kong tanong. Binato ako ni Tito ng tisa at sapol iyon sa buhok ko.

"Tito!" pinunasan ko ang buhok. Ka hahot oil ko lang e!

"Sa tingin mo hindi niya malalaman gayong kalat sa buong baryo? Pinagloloko mo ba ako, Liwanag?"

"Malay natin," umirap pa ako.

"Sasagot ka pa! At iyang kaibigan mong si Thania, pakisabing huwag akong aasarin! Ibabagsak ko iyon!"

"Sus! hindi mo naman magawa dahil laging piniperfect ang exams at quizes mo." bulong ko.

"Naririnig kita!"

Humagikgik ako sabay suklay sa buhok ko. "We celebrated my advance party in the hotel Roma, nanguna ako e."

"At 'di ka na naman nagpaaalam sa Tatay mo!"

"Hindi naman kasi niya ako papayagan kapag magpaalam ako, kaya 'di na ako nagpaalam. Mindset ba mindset."

"Light!"

"Tito naman!" nakangusong sigaw din. "Ito ba ang gift mo sakin, ang sermonan ako? Hindi ka ba proud sakin?"

"Proud! Pero hindi iyon ang usapan. Ang isyu dito ay ang lagi mong pagpunta sa hotel Roma at hindi pagpapaalam sa Tatay mo!"

"Alam mo bang nag-aalala iyon. Nagawa ka pa niyang ipahanap sa lahat ng mga hardinero niyo! We thought someone kidnapped you! Maryosep ka, Light. Ikaw ang ikamamatay ko." maarte niyang sabi sabay haplos sa puso.

Pouting, I played my fingers. "E, hindi naman kasi siya papayag-

"Of course, because he was thinking about your safety at paanong may oras ka pang magliwaliw e kailangan mo pang pag-aralan kung paano mamahala ng lupa niyo? Anong itatanim niyo ngayong buwan?"

Sama ng loob.

"Pinag-aaralan ko naman, To, sadyang 'di lang pangbukid ang ganda ko."

"Aba't! Para din sayo iyon."

"Alam ko, kaya nga magpapakasal nalang ako sa isang hardinero namin para siya na ang mamahala roon." sutil kong sabi.

Namula si Tito sa inis. "Liwanag! Stop being a brat and follow your father- wait!" napatigil siya at tumayo.

Napatayo rin ako at tinakpan ang partes ng leeg ng makitang doon nakatingin si Tito. I didn't put cream on it, damn!

"Is that a hickey?"

"Po?" inosente kong sabi sabay layo.

"Huwag mo akong ma po-po. Gumagalang ka na ngayon may kasalanan ka!" Tito laugh annoyingly. "That's a hickey." siya na mismo ang nagkumpira. Umikot si Tito para lumapit sakin pero mabilis akong tumakbo.

"Light! Come back here! "

"Babush, Tito. Have a nice day! " I shouted. Napatingin pa sakin ang ibang Prof. I just showed my smile at them and ran fast.

What's wrong with having a hickey, by the way? Wala naman a. The reason why I forget to hide is because I wake up late. Akala ko pa nga wala na akong pasok e. Shems naman kasi sila Unice at Thania, akala ko Pilipino ang regalo sakin kagabi 'yun pala Amerikano. Napasabak tuloy ako at napuyat! Ikaw ba naman hindi tigilan buong magdamag!

Naghihintay na si Manong sa parking lot. Nagbukas siya agad ng pinto ng makita ako kahit na malayo pa ako sa kanya. Paano na naman kaya ako makakatas kay Tatay nito!

BARYO 1: The Brat (On-GOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt