Akala ko lang pala...

22 6 0
                                        

A/N: True story po ito. Story na nangyari saakin.)

💔

"Hoy Agatha! Nakatitig ka nanaman d'yan sa crush mo! Makinig ka nga saakin!" sabi ni Akira.

Mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Ano ba Akira, baka marinig ka nila." mahinang sabi ko at muling sumulyap kay Liam, ang nag-iisang crush ko since elementary hanggang ngayong second year high-school.

Nakikipag usap siya sa mga kaibigan niyang lalaki. Ang ganda talaga ng tawa niya...Natutunaw nanaman ang puso ko. Hayyy...

"Sige. Siya ang unahin mo at wag itong project natin. Sige lang Agatha." inis na sabi ni Akira at inirapan ako.

Pashnea! Panira talaga ang kambal ko.

Matagal ko ng crush si Liam. Matagal na kaming magkaklase pero stranger pa rin ang turing niya saakin. Kaklase lang ang turing niya saakin habang ako...Mundo na ang turing ko sa kanya.

Hindi kami nagkakausap kapag hindi kaylangan. Masyado kasi akong mahiyain na babae. Halos ang kambal ko lang na si Akira ang palagi kong kasama dito sa school.

Tangap ko naman na na hanggang dito lang ako. Hanggang sulyap lang ako sa kanya at stalk sa facebook. Alam ko na wala akong pag-asa sa kanya at matagal ko ng tangap iyon.

Hindi naman kasi ako maganda. Hindi ako katulad ng kambal ko. Mas maganda siya, matalino, sexy at marami siyang kaibigan. Isa siyang fasionista. Mahaba at maganda ang buhok niya, habang ako... Buhol at buhaghag. Nakasalamin din ako kaya "nerd" ang tawag ng mga kaklase ko saakin... Ano ba ang magagawa ko? Malabo ang mata ko.

"Hoy! Agatha! Nakatulala ka nanaman sa kanya. Sige ka, mahahalata ka niya,"

Tumawa si Akira. Tumingin din ako sa kanya.

"Sorry Akira. Sige, makikinig na ako."

Pinilit ko na inialis ang itsura ni Liam sa isip ko. Pinilit kong iwasan na tingnan siya. Ang hirap pala talaga.

💔

"Okay class, pick your partner para sa reporting na magaganap next week. Babae at lalaki ang dapat mag-partner okay?" sabi ni Ma'am Rosalyn.

"Yes Ma'am!" sagot naman ng mga kaklase ko.

Napahinga ako ng malalim. Bakit ba kaylangan lalaki pa ang partner para sa reporting? Aish! Wala naman akong ka-close na lalaki dito, sino naman kaya ang magiging partner ko?

Tumingin ako sa paligid. Lahat ng mga lalaki ay nahsipuntahan sa mga kaibigan o kaya sa mga crush nilang babae. Yung mga babae naman ay kilig na kilig, ang lalandi.

Speaking of crush. Sino naman kaya ang pipiliin ng crush ko? Sino naman kaya ang maswerteng babae na magiging kapartner ng isang Liam Bautista? Kung sino man siya, ang swerte niya...

Akala ko lang pala...(Short story)Stories to obsess over. Discover now