Note: This story is unedited version i-eedit ko siya kapag natapos ko na ang istorya, kaya asahan ang typos, wrong spelling at iba pa.
This story is a work of fiction. Names, characters, businessess, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is a crime and punishable by Law.
@All Right Reserved 2020
P R O L O G U E
"Lily una na kayo sa gate may dadaanan lang ako saglit."
"Sige," sabi niya at lumabas na sila ni Charles. Kinuha ko ang nakabalot na regalo sa bag at binitbit ito. Pupuntahan ko si Marius sa SSG room at ibibigay ito, ayokong ibigay 'to kasama sina Charles mamaya dahil paniguradong magtataka sila kung anong laman no'n kaya maaga ko na lang na iaabot kay Marius.
Malapit na ko sa SSG room at papasok na nang makita ko si Ashley kausap si Marius, agad akong tumalikod at nagtago sa gilid, humigpit ang hawak ko sa regalo.
"Marius... Happy Birthday... regalo ko nga pala."
Namutawi ang katahimikan sa kanilang dalawa, sumilip ako at nakitang hawak na ni Marius ang regalo ni Ashley. "Salamat sa regalo."
"Marius..."
"May sasabihin ka pa ba?" tanong ni Marius, hinintay niya itong magsalita.
"Gusto kita..."
Tila nabingi ako pakiramdam ko ay huminto ang tibok ng puso ko, lalo akong nadurog nang makita kong hinalikan ni Ashley si Marius sa pisngi. Gusto ko pagsabihan ang sarili ko na umalis na pero 'di ko magawang ihakbang ang paa ko.
Unti-unti kong naramdaman ang pamamasa ng mata ko hanggang sa may kamay na humarang para 'di ko na sila makita pa.
Ramdam ko ang presensiyang nasa aking likuran.
"Huwag mo nang tignan pa para 'di ka masaktan," bulong sa akin ni Errol. Humarap ako sa kaniya at kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
Kasabay nang pagpatak ng luha ko ay ang pagde-desiyon ko na ibalik na lang ang lahat sa amin ni Marius. 'Yung masaya lang kaming nagtatawanan dahil kaibigan ko pa lang siya. 'Yung wala pang sakit sa t'wing nakikita ko siyang may kasamang iba, dahil sa oras na 'to kakalimutan ko na lang ang lahat lalong lalo na ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Tuturuan ko na lang ang puso ko na 'wag nang isigaw ang pangalan niya.
YOU ARE READING
What If [On-Going]
Teen FictionSina Yel, Lily, Charles, Errol at Marius ay mga mag-kaibigan na pinagtagpo ng tadhana, ngunit ang isa sa kanila ay may lihim na sikreto at paghanga na itinatago. Mga pangyayari at lihim na maibubunyag sa kanilang buhay na magbibigay ng pagsubok sa k...
![What If [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/227554901-64-k883266.jpg)