Prologue

0 0 0
                                    


Matagal-tagal na rin simula nang makabalik ako dito sa aming bayan. Sampung taon na pala ang lumipas simula ng nawalan ng buhay ang lugar na ito. Subali't ng masilayan ko itong muli ngayon ay tila nagbalik na ang dating sigla.

Sa bawat hakbang ko ay bakas sa mukha ng mga matatandang aking nakakasalamuha ang gulat ng masilayan akong muli. Marahil ang gulat na iyon ay mapapalitan  kalaunan ng pananabik . 

Nakatutuwa.

Patuloy lamang ako sa paglakad sa maalikabok na daan at ilang sandali pa lamang ay naisipan kong sumilong muna sa ilalim ng puno ng mangga. Katabi nito ang maliit at lumang simbahan na sa kasalukuyan ay may naririnig akong nagmimisa. Araw ng linggo pala ngayun.

Sumilip muna ako sandali at hindi nakakagulat na iba na ang nagsesermon. Wala na si Father Caloy. 

Puno ang simbahan at nakakapagtatakang lahat ng mga tao sa loob nito ay nakasuot ng itim na damit. Lahat nakaluhod at pati na rin ang bagong pari at mga sakristan. Lahat nagdadasal nang mataimtim.Naaalala ko pa gustong-gusto ko talaga ang kulay na itim  ....   noon.

Ilang sandali pa ay naisipan ko na ring bumalik sa aking sinisilungan at laking gulat ko nang makita ang balat ng punong mangga.  Naroroon pa pala ang nakaukit na mga pangalan naming magkakaibigan.

Anita. Tessie. Mayka. Jill. Sean. Carla. Eugene. Sophia. Nakapaloob ang lahat ng pangalan sa isang malaking bilog. Naaalala ko pang sinabi ni Tessie noon na dapat hugis puso ngunit nakalimutan kona kung sino ang gunuhit ng bilog na ito.

Tiningnan ko pa nang mas matagal ang punong iyon habang nakatayo  bitbit-bitbit ang nag iisang bag na dala ko mula Maynila. Di ko akalaing sampung beses na rin ang laki nito sakin nung huli ko itong makita.

Mainit ang sikat ng araw ngayong mag aalas 2 na ng hapon, ngunit lahat ay patuloy pa rin sila sa kanya-kanyang gawain. Nilabas ko ang  isang kulay puting panyo, mula sa aking bulsa na may nakaburdang AJM sa gilid. Ito ang tanging katulong ko upang maibsan ang nagtatagaktak kong pawis sa mukha at leeg.

Pagkalipas ng labing-limang minuto ng pagpapahinga ay naglakad akong muli. Payak lamang ang lugar na ito at mas dumami na rin ang mga nakatayong bahay, walang kalsada. Sa bawat gilid ko ay may mga nakatayong mga bahay na nilipasan na ng matagal na panahon.

"Taho! Taho! Limang piso lang. Taho!" sigaw ni manong.

Kahit uhaw na uhaw at gutom na ako ay hindi ako maaaring huminto at bumili. Kailangan ko munang makauwi sa amin at makapagpahinga.

Lakad , takbo ang ginawa ko.  Sa wakas nasa harapan kona rinang isang munting barung barong na aking kinalakihan. Bagong walis pa lamng ang harapan ng bahay. May mga manok at tumatahol na aso sa gilid.

"Anita!".

"Ate!Ate".

"Naku!Anak".
 

Halos sabay-sabay silang sumigaw nang makita akong muli. Pinagbuksan ako ng gate na gawa sa kahoy ng aming bunso.

"Pumasok ka Anita. Salamat at maayos kang nakarating dito" masiglang bati ni inay.

"Mano po inay"
"Kaawaan ka ng diyos" sabi ni inay at ngumiti

"Mabuti naman at nandito kana Anita. May magmamasahe narin sa akin mamayang gabi. Haha."

Napalingon ako sa may bandang pintuan at nakita kokung sino ang nagsalita.

Ulol.

Di ko akalain na buhay pa pala ang demonyong iyon. Nakakasuka. Narinig ko uli syang tumawa ng  mahina at hinagod ako ng kanyang mga tingin mula ulo hanggang paa.   Tumaas ang gilid ng kanyang labi a-..

"Bidong, ano ka ba naman siguradong pagod na pagod itong anak natin galing Maynila. Kailangan nyang magpahinga agad." pagsabat ni inay.

"Sawang-sawa na ako sa mga hagod mo Marcelita tuwing minamadahe mo ako. Napakagaspang ng mga kamay mo! Gusto ko rin namn yung mga hagod na hindi nakakasugat ng likod. Aba!".

"Ano ka bang ta--"

"Nay." sambit ko. Pagod na ako at gusto ko nang mamahinga kaya namn   tumuloy na ako sa bahay. Narmdaman ko ding sumunod si inay at aking nakababatang kapatid.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng bahay at ganun parin ang ayos. Walang pinagbago, gaya ng hudas kong ama-amahan. Bata pa lamang ako ay wala na ang tunay kong ama. Sabi ni inay pinagpalit kami sa iba.

Binura ko sa aking isipan ang bagay na iyon at patuloy na pumanhik paitaas. Pangatlong hakbang ko pa lamang sa hagdanan ay halos bumigay na ito.

Naaalala ko pa nung anim na taon pa lmang ako nang mahulog ako dito sa hagdan. Hmm.

 
Naamoy ko pati alikabok at halatang hindi na nabibigyang pansin ang itsura ng aming bahay. San ba namn kami kukuha ng pera pampaayos dito? Ni piso mahirap hagilapin.

"O, ano pang ginagawa mo dyan pumanhik kana agad sa taas at maligo" pasaring ng ama amahan ko at pasimpleng hinagod ang aking likuran ng kanyang mga mata.

Kung noon kay takot na takot ako sa kanya, ngayon manhid na ako sa mga kahalayan at kahudasan nito.

Umalis na ito agad at pasimpleng pinalo ang puwetan ko.

Kinuyom ko ang aking kamao at pinigilang ang namumuong galit sa loob-loob ko. Mabuti na lamang at hindi iyon nakita ni inay.

Halos lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa luma kong kuwarto makalayo man lang sa demonyong iyon.

Walang pintuan sa kwartong ito at tanging kulay berde na kurtina lamang ang nakatabing rito.

Umupo ako agad sa higaan na gawa sa kahoy. May isang maliit na unan at nakatuping kumot na maayos na nakaligpit sa bandang gilid. Umupo muna ako at unti-unting inaalala ang mapait na karanasan ko noon.

"Wag kang mag-alala inay gagawin ko ang lahat makaalis lang tayo rito" tumulo ang aking luha ngunit agad ko rin namang pinahid iyon. Mainit. Medyo madilim dito sa loob kahit tirik na tirik ang araw sa labas.

Binuksan ko aking bag at isa isang nilabas ang aking mga damit. Karamihan mga shorts  at tshirts, 2 pantalon at isang pares ng lumang flat shoes ang nasa loob ng bag. 

Gusto ko ng maglinis ng katawan kaya napagpagpasyahan kong pumunta ng banyo. Nilingon ko muna ang pintuan na tanging kurtina lang ang nakatabing.

Hinila ko ang isang drawer upang iharang sa pintuan kung sakaling may papasok. Mahirap na.

Nang makapsok ako sa banyo agad kong hinubad ang lahat ng telang suot suot ko.

Tiningnan ko ang aking repleksyon sa bahagyang basag na salamin na nakadikit sa dingding ng banyo.

Maganda raw ako sabi nila. May kahabaan ang kulay itim na buhok, mahahabang pilikmata, may kakapalang kilay , matangos na ilong at mapupulang labi.

Hinagod ko lmang aking mukha papunta sa leeg hanggang sa gitna ng aking dibdib. May tatlong malilit na nunal rito .

Maganda at may kurba ang aking katawan at mahahaba ang aking mga binti. Bilugan din ang aking pang upo kung kaya kapansin pansin ito.

Dahil sa kahirapan naisip kona rin ibenta ang sarili ko ngunit hindi ko kaya. Ito nalang ang meron ako. Ito na lang.

Ngunit kung dumating man ang pagkakataong  wala na akong pagpipilian,

sana makita ko ang tamang lalaking kayang pahalagahan ang isang Anita Mendez..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SOLD TO MR. MORGANWhere stories live. Discover now