Prologue

2 1 0
                                        

"Bakit ba hindi mo ako magustuhan? Bakit sa ibang tao ang bait bait mo, pero bakit sa akin hindi? Bakit ba ayaw na ayaw mo sa akin huh?"sabi ko sa kanya, alam kong masasaktan ako sa sagot niya pero gusto ko pa rin pakinggan ang sasabihin niya.

"Gusto mo ba talagang malaman, gusto mo talagang sabihin ko sayo lahat lahat ng rason kung bakit ayaw ko sayo huh?" sigaw niya sa akin, andito kami sa may corridor ng locker room, wala nang mga tao dahil andoon sila sa mga rooms nila tapos naman na ang recess time namin kaya okay lang na nagsisigawan kami dito, wala akong pakielam kung masasaktan ako sa sagot niya pero gusto ko talagang malaman kung bakit ayaw niya sa akin, ano pa bang kulang sa akin? na sa akin na naman na ang lahat. Pinalaki naman ako ng maayos ng magulang ko, matalino naman ako, maganda, mayaman, ano pa bang kulang?

"Oo, gusto kong mala-" pinutol niya ang dapat ko sanang gustong sabihin

"Ayoko sayo dahil ang arte mo, ang rami mong arte sa katawan, madaldal ka, maingay, maldita ka, at tsaka iyang ngiti mo ayoko nakakairita, at tsaka napaka- clingy mo dikit ka ng dikit sa akin hindi naman kita girlfriend, napakapakielamera mo lahat na lang pinapakielaman mo, basta ayoko sayo hinding-hindi kita magugustuhan, alam mo naman na iisang babae lang ang gusto ko at hinding- hindi magiging ikaw iyon" sabi niya, ang sakit alam niyo ba iyon?, naiiyak na ako at ayoko pa namang nagiging mahina sa harapan niya, nakakainis siya pero gusto ko parin siya

"Ayaw mo sa maarte at maraming arte sa katawan dahil siya simple lang hindi ba? simple siya manamit, simple siya magdala, hindi siya maarte, ayaw mo sa maingay at madaldal dahil siya tahimik at mahinhin, ayaw mo sa maldita dahil siya mabait, ayaw mo sa ngiti ko dahil hindi naman ang ngiti niya ang nakikita mo, ayaw mo sa taong clingy dahil siya binibigyan ka niya ng kalayaan sa kahit anong bagay, ayaw mo sa pakielamera dahil siya hindi nangigielam, hindi siya yung tipong nangigielam sa ibang tao, sa madaling salita hinding-hindi ako magiging siya".

Fallen Too FarWhere stories live. Discover now