·Maxi's POv
Heto ako ngayon naglalakad papunta sa photoshoot area. Isa kong model dito sa RPW habang si Xyrelle ay isa ng journalist dito sa RPW, si Aya naman cinacareer ang pagiging volley ball player nya, si Szarielle naman singer at nagcocover na ng kanta at si stacey o si stasang? Dancer na sya, nagcocover sya ng mga sayaw.
"Okey last shot" Sabi ng photographer kaya pumost na akopara maaga kaming mayari at para makauwi na din ako sa bahay.
"Perfect" Sabi ng direktor namin Kaya napaayos na ako ng tayo at dumiretso sa dressing room para magpalit ng damit.
"Maxi~ Ilalaunch na yung bago mong magazine by monday kaya sana maglive ka para sa mga fans mo" Sabi naman nung maneger ko kaya napatango nalang ako tsaka ko binitbit yung bag ko.
Maglalakad nalang ako pabalik sa Apartment namin since malapit lang naman.
Ngunit habang naglalakad ako parang may kung sinong sumusunod sa akin kaya huminto ako sa paglalakad at luminga linga sa likod ko ngunit walang nahagip ang aking mata kaya't binilisan ko pa ang aking paglalakad.
Ngunit napahinto ako ng may humawak sa aking kamay. Hindi ako agad gumalaw at hindi talaga ako makagalaw. Literal na nanigas ang aking katawan.
"Miss may sumusunod sayo" Bulong ng lalaking may hawak sa akin kaya't unti unti akong humarap sa kanya.
"Halikana" sabi nya at hinila nya ako. Napatingin nalang ako sa kamay naming magkahawak. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil sa ginawa nya.
Ngunit ng marealize ko na nakahawak sya sa kamay ko ay agad ko itong binawi mula sa pagkakahawak nya
"A-anong ginagawa mo. Bat-
"Maxi may sumusunod sayo kanina" seryosong sabi ng lalaking ito kaya't napakunot ang noo ko.
"Pano moko nakilala?"
"Sinong hindi makakakilala sa inyong lima. Sikat kayo sa buong RPW" sabi nya kaya napailing nalang ako at akmang aalis na sana ngunit
"Nice to meet you in person Maxi Zin" Sabi nya kaya napahinto ako.
"By the way, im Lanz Lewisham" Yan ang huling sinabi nya bago sya maglakad palayo.
Ako naman ay naiwang tulala at hindi makapaniwala.
Im Lanz Lewisham
Im Lanz Lewisham
Im Lanz Lewisham
Shit! Yung crush ko!
***
"Huy maxi"
"Hi maxi"
Bati ng mga kasama ko sa bahay. Pero heto pa din ako, tulala at hindi makapaniwala sa nangyari, si lanz yun? Grabe ang gwapo nya. Hindi ko naman akalain na sa ganong sitwasyon kami magkikita.
Nameet ko na yung taong akala ko sa social media lang nag eexist, sa RPW lang nageexist
Napakaswerte ko kung ganon. Kilala nya ako at-
"MAXI!"
Napatingin ako sa kanila ng sumigaw sila. Nakatingin silang apat sa akin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita nila ngayon
"Nyare sayo?" Tanong ni stacey
"Para kang hinabol ng rapist" sabi naman ni xyrelle
Tinitigan ko lang sila ng seryoso at
"I meet Lanz"
Pustahan tayo magwawala yang mga yan. In one..
Two.....
Three...
"HUWAAAAAAAAAAAA MY SHIP" sigaw ni stacey
