Prologue

18 2 0
                                        

(This is not based on true story. Naisip ko nalang din, nabobore kase ako kaya kung mabore po kayo I UNDERSTAND. Siyanga pala, kung mali-mali grammars at sentences ko pasensya ha. Mahina utak ko guys thats reality)

Yes! Sunday morning arise again. The sun shines so bright and I felt it on my skin like burning. Ahooo!! Napaunat ako sabay tingin sa malaking salamin sa aking kwarto. Napapangiti pa akong tinitigan ang aking sarili habang inistretch ang aking mga braso. Agad akong kumilos para maligo nang tumunog ang aking telepono.

Riinngggg rinnggg ringggg.....

Agad kong tinitigan ang screen ng phone ko at inaaninag kung sino yung napakaagang tumawag. At ganun nalang ang ngiti sa aking mga labi ng makita kong ang tumatawag pala ay ang aking nobyo.

" Hello hon, goodmorning" bungad niya sa akin na akin namang ikinatuwa.
"Hmm goodmorning too hon, how was your sleep?" tanong ko sa kanya.
"It was good hon, napanaginipan ko lang namang ikinasal na tayo hehe" patawa niyang sambit pero agad akong natigilan. Ilang taon na kaming magkasintahan at ilang ulit na rin siyang nagsabi na pakakasalan niya ako ngunit ako ay tumatanggi sa kadahilanang hindi pa ako handa para ron.
"Wow, that's nice" tugon ko sa kanya.
"Magkikita naman tayo later hon, I need to end up this call na ha. Maliligo pa at magbebreakfast. Sana kumain kana rin diyan,, Iloveyou" at hindi ko na inantay ang sagot niya at pinatay ko na yung linya.
Hayss.. Oo, matagal na kami ni Ther mula pagkabata ay magkasama na kami sa school at halos araw-araw kaming magkasama sa lahat ng bagay maliban kapag umuuwi kami sa aming mga bahay.
At ngayon, nakapagtapos na siya sa kursong BS Criminology at ako naman ay hindi na nakapagtapos ng 2nd yeear college BSED dahil sa kasalatan ng salapi at minabuti ko na ring tumigil dahil sa pagkaawa sa aking pamilya. Pinili kong magtrabaho. Naranasan kong maging saleslady sa malls at palipat-lipat ako ng destinasyon. Naging sekretarya rin ako sa isang maliit lamang na kompanya, at naging cashier sa mga Gas Stations. At ngayon heto ako't isang sales agent ng mga mamahaling pabango.

Linggo ngayon at magkikita kami ng Ther (boyfriend ko) hihi.
Syempre aasahan ko na namang yayayain niya akong magkasal ng paulit-ulit pero talagang dipa ako handa. Hindi ko rin alam pero baka dipa ito yung tamang timing para sa amin. 28 si Ther at ako naman 25.
Basta wala pa akong plano sa settlement about sa kasal na yan. I wanted to enjoy my teenager days, duhh.. *.*

11am na at naghihintay ako ng napakatagal sa park. 12:30pm na gutom na ako pero wala pa ang boyfriend ko. Urghh napahawak ako sa tiyan ko nang kumalab sikmura ko.
"Wala manlang tawag at text! " Bulong ko sa sarili ko nang may tumigil na kotse sa harap ko.
Nabigla ako dahil sa aking nakita, halos lumuwa mata ko dahil sa papalapit na papalapit na lalakeng naka porma ng simple pero gwapong-gwapo sa paningin ko. May hawak itong isang bungkos ng rosas na kulay pula. Napatakbo ako at niyakap siya agad. "Ang boyfriend kong napakagwapo" bulong ko sa isip ko.

"Hon, I missyou" pabulong niyang sabi sabay halik sa pisngi ko. Oo nga't matagal na kami ni Ther pero ni isang dampi ng halik sa aking mga labi ay wala pa. Nirerespeto niya ako at hinahangaan ko naman iyon.
Lagi kaming nagkikita, tuwing dayoff ko at dayoff niya. Tuwing sunday lang naman pero siya madalang dahil nga sa pulis wala akong magagawa kundi ang sumaludo nalang lagi sa kanya.

gruukkk grukkk grukkk..
(. tunog ng sikmura ko yan)

"Ow hon, gutom kana ba? Are you okay?" Tanong niya.
"E pano sa excited akong makita kita 11am narito na ako. Magdalawang oras mo akong pinaghintay e nakalimutan ko pang magbreakfast dahil sayo" panlalambing ko.

"I can't just find this kind of flower bouquet hon. I think it was good for you kaya hinanap ko talaga to" pagdadahilan niya.
at dahil sa kinilig ako, wala akong pake sa tiyan kong nag aalburuto na sa gutom ngayon.
"Ah ow, it's okay hon,, thankyou" sabay halik sa pisngi niya ng diko inaasahang haharap siya sa akin at naidampi ko ang labi ko sa labi niya. Agad akong tumungo para makalas ang labi namin at napapahiya pa akong umupo sa kung saan ako umupo kanina.
"Ahh, diko sinasadya honey. Pasensya kana" paghingi neto ng tawad at halos diparin ako makapagsalita..
ow shet that's my first...
sabi ko nalang sa sarili ko habang pinaguuntog mga kuko ko dahil sa pagkakapahiya.
" It's okay hon, let's eat please I'm hungry " sambit ko nalang. At tumungo kami sa isang kainan, sa paborito naming pinupuntahan mula nung hayskul pa kami.

The Good BlindStories to obsess over. Discover now