35 (THE FINAL CHAPTER)

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero nanlaki ang mga mata nilang dalawa ni Juniel nang biglang naglabas nang nakakabulag na liwanag si Huong hanggang sa tila lumusot sa kamay niya ang katawan ni Huong.

"Fuck!" He cursed in frustration!

Nagulat na lamang sila at nasa likod na nila si Huong, buong-buo na ulit ang naputol na kamay.

"You have no chance to a deity."

"Teagan!"

Hindi napaghandaan ni Teagan ang malakas at mabilis na pagkakalapit ni Huong sa kanya.

Sinuntok siya nito mula sa kanyang baba. Sa sobrang lakas ay tila lumilipad siya ngayon sa ere at papalayo ang kanyang buong katawan. Papalayo sa mismong lupang kinalulugaran nila ni Juniel at Huong!

"TEAGAN!"

Naulinigan niya ang sigaw ni Juniel ngunit paliit iyon nang paliit. Naramdaman niyang lumusot ang kanyang katawan sa isang imprastruktura at bumagsak siya sa matigas at mabatong lupa.

"Ahh!" Napadaing siya sa sobrang sakit.

Shit! Juniel!

Hindi alam ni Teagan kung saan siya napunta, basta ang alam niya ay nasa loob siya ng isang imprastruktura na sobrang lalim base sa nakikita niyang maliit na butas kung saan siya lumusot, napakalayo niya sa butas na iyon!

"Fuck!" Napasuntok siya sa lupa dahil sa kanyang kinasadlakan. "You're still fucking weak, Teagan! So fucking weak!"




                          Hindi na maaninag pa ni Juniel kung saan napadpad ang kanyang asawa. Marahas na nilingon niya si Huong, sila na lamang dalawa ang natira sa lugar na iyon. Ang laban niya kay Huong ang magsasabi kung sino ang panalo sa giyerang ito sa Egypt.

Nilingon niya ang paligid, kita niyang napapaligiran siya nang maraming bangkay sa parehong panig. Napansin yata ni Huong ang kanyang iniisip.

"It's just between me and you now, Bixu."

Napapaatras si Juniel habang papalapit sa kanya si Huong pero ilang hakbang lang ay tumigil si Huong sa paglapit sa kanya.

Nangunot ang noo ni Juniel nang ilahad ni Huong ang kanyang kanang kamay. "Let's go home, Bixu."

Sa inis ay tinapunan niya ng bolang apoy ang nakalahad na kamay ni Huong sanhi para masunog iyon at malusaw. Tila nagalit niya yata si Huong dahil nanlisik ang titig niya. "You're making this hard, Bixu!"

Napaluhod si Juniel habang salo-salo niya ang leeg. Nilingon niya si Huong na mariin ang titig sa kanya. Muling humakbang palapit sa kanya si Huong at lumuhod sa harapan niya.

Naramdaman niyang hinaplos ni Huong ang pisngi niya at mabilis na iniwas iyon ni Juniel. "Go home with me and bear our child."

Nanlaki naman ang mga mata ni Juniel dahil sa sinabi ni Huong. Hindi lamang iyon, kinilabutan din siya sa narinig.

That's fucking incest!

Nakita niyang napangisi si Huong, "Incest is common to us Bixu. Other deities and gods did it with their daughters and sisters."

Ginamit ni Juniel ang buong lakas, isang matalim na kidlat ang tumama sa likuran ni Huong sanhi para matanggal ang pagkakasakal ni Huong sa kanya. "You disgust me!" Pandidiring wika niya.

Ngayon ay naiintindihan na niya bakit matindi ang galit nito noong siya ay si Bixu pa. Nagalit si Huong dahil nagkaroon siya ng relasyon sa iba at hindi sa kanya. At ngayon ay desidido siyang patayin si Teagan at ang anak nilang si Klauz.

The Werewolf's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon